Kabanata 21 : The Secret Heir

486 38 14
                                    

My Dreame account

mrgt_1218

For more novels

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 21 : The Secret Heir
El Casa
Six weeks later

"Okay ka lang?" tanong ni Ciao kay Kim.

"Masama ang pakiramdam ko." sabi ni Kim.

Napatingin si Ciao kay Kim kakauwi lang nito galing tour at halatang pagod nga ito dahil namumutla ang escort na nasa harapan niya

"Gusto mo samahan kita sa Clinic?" sabi ni Ciao kay Kim.

"Hindi na. Uuwi muna ako, wala pa naman akong schedule di ba?" sabi ni Kim.

"May naka-book ka for one week at sa Manila lang naman." sabi ni Ciao.

Hindi nakapagsalita si Kim dahil kung tutuusin wala pa siyang pahinga. Mula kasi ng ikansela ang booking niya kay Abra, sunod sunod naman ang booking niya at kahit tig-iisang linggo lang ang mga iyon. Anim na kliyente ang nakasama niya. At hindi biro ang pagod niya, lalo na at puro gathering ang pinuntahan niya kasama ang mga ito. Sa loob ng anim na linggo, anim na kliyente sa mahigit labing dalawang gathering, at wala siyang pahinga dahil kapag wala naman gathering ideni-date siya ng kliyente at nakakapagod din iyon para sa kanya.

"Puwede natin ipa-move ng isa hanggang dalawang araw." sabi ni Ciao na naawa sa itsura ni Kim dahil sa pamumutla ng mukha ng escort, isama pa na tila pumayat ito.

"Talaga?" sabi ni Kim.

"Oo. Hindi naman magagalit si King dahil dalawang araw lang naman at karapatan mo rin naman magpahinga." sabi ni Ciao.

"Hindi ko tatanggihan. Salamat." napangiting sabi ni Kim.

"Walang anuman." nakangiting sabi ni Ciao.

"So puwede na ba ako umuwi?" sabi ni Kim dahil ang totoo kanina pa niya gusto mahimatay sa pagod.

"Sure." sabi ni Ciao.

Tumayo si Kim at naglakad papuntang pintuan palabas ng opisina ni Autumn kung saan nag-oopisina si Ciao. Pero nang akmang bubuksan na ni Kim ang pintuan ng magsalita si Ciao.

"Oo nga pala Golden. Kinakamusta ka pala ni Ion." sabi ni Ciao kay Kim.

Napahinto sa pagpihit ng doorknob si Kim sa sinabi ni Ciao pero hindi ito lumingon sa binata.

"Okay." mahinang sabi ni Kim.

"Naextend ang tour niya, dahil may kumuha sa kanya kahit nasa Dubai pa siya. Kaya ang extension ay sa ibang kliyente na niya." seryosong sabi ni Ciao.

"Okay." sabi muli ni Kim dahil ilang linggo na ang nakalipas ng umalis siya sa Skye Hotel at mula noon hindi na niya nakausap si Ion. Ni tawag wala ito, at kahit naman naiwan niya ang cellphone niya sa unit ni Emilie hindi man lang gumawa ng effort si Ion para makausap siya.

Kinakamusta naman siya nito kaso pinapadaan lang nito kay Ciao. Hindi naman nagtataka si Kim dahil alam niyang hindi sila puwede mabuko ng kliyente ni Ion na may asawa na ito o kahit siya.

"Okay. Puwede ka ng umalis." sabi ni Ciao habang nakatingin sa likuran ni Kim na hindi man lang nakuhang humarap nito sa kanya.

"Salamat." sabi ni Kim at lumabas ito ng opisina ni Autumn.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon