Kabanata 30 : Contentment

581 44 12
                                    

Kabanata 30 : Contentment
Kinabukasan
Heather Island

"Oh God thank you at nagising ka na." sabi ni Autumn ng dumilat na ang mga mata ni Chhaya at nagkamalay na sa ilang araw na pamamalagi ng asawa sa hospital mula ng mahimatay ito sa Heather Mall.

"Ang sakit pa ng ulo ko." sabi ni Chhaya na namamalat pa ang boses nito sa ilang araw na wala itong malay.

"Mawawala din daw iyan sabi ng doctor." masuyong sabi ni Autumn.

Pinagmasdan ni Chhaya si Autumn, tumutubo na ang bigote nito at halatang wala itong tulog dahil nangingitim na ang ilalim ng mga mata ng asawa.

"May masakit pa ba sayo bukod sa ulo mo?" masuyong sabi ni Autumn habang nakatitig kay Chhaya.

Napangiti si Chhaya saka nito hinaplos ang tumutubong bigote sa mukha ng asawa.

"Wala na."sabi ni Chhaya

"Mabuti naman."sabi ni Autumn.

"Bakit hindi ka nag-ahit?" nakangiting sabi ni Chhaya habang patuloy sa paghaplos sa mukha ni Autumn

"Wala iyong taga-ahit ko, ang tagal magising. Hinihintay ko." seryosong sabi ni Autumn

Napangiti si Chhaya habang hinahaplos ng kamay nito ang mukha ni Autumn.

"Matagal ba akong natulog?" namamaos na sabi ni Chhaya

Napatitig si Autumn kay Chhaya, binigyan ng taning ito ng docor na kapag hindi pa ito nagising malamang brain dead ang kalalabasan ng asawa, parang gulay na lang na aasa sa oxygen na ikinatakot niya ng husto.

"Huwag ka ng hihiwalay sa akin." sabi ni Autumn sabay yakap kay Chhaya.

"Hindi naman ako humiwalay sayo." mahinang sabi ni Chhaya.

"Hindi na kita papayagan pumasok sa mall o kahit na ano at saang trabaho. Isasama na kita kahit saan ako magpunta." sabi ni Autumn habang yakap nito si Chhaya.

"Mukhang matagal nga akong nakatulog sa tono ng boses mo." Sabi ni Chhaya

"Oo, at ang akala ko hindi ka na magigising."sabi ni Autumn na ikinangiti ni Chhaya.

"Ang mga bata kamusta?" tanong ni Chhaya na ikinatahimik ni Autumn.

Pinakiramdaman ni Chhaya ang asawa ng hindi ito kumibo kaya muli siyang nagsalita.

"May nangyari ba noong tulog ako?" namamalat na boses na tanong ni Chhaya.

"Nasa Casa si AJ siya ang namamahala." sabi ni Autumn na ikinatahimik ni Chhaya

Lumayo ng bahagya si Autumn ng yakap sa asawa saka nito tinitigan ang reaksyon ni Chhaya.

"Siya ang nagsabi at hindi ko siya pinilit." sabi ni Autumn na ikinangiti ni Chhaya.

"Alam ko, dahil alam kong hindi mo mapipilit si AJ kung ayaw niya. At alam kong babalik siya kapag nalaman niyang gising na ako." nakangiting sabi ni Chhaya na ikinatitig ni Autumn sa asawa.

"Magpahinga ka muna, para masigurong okay ka na talaga." sabi ni Autumn.

"Sige, pero si tatay kamusta at si Suri?" tanong ni Chhaya.

"Okay naman sila. Nasa glass house sila Suri, Astraea at Burn." sabi ni Autumn.

"Mabuti naman. Si Kim kamusta?" sabi ni Chhaya.

"Nakauwi na siya noong nakaraang linggo pa sa bahay nila." sabi ni Autumn.

"Sira ang mukha niya, nakita ko." napalunok na sabi ni Chhaya sabay hawak sa mukha niya.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon