Kabanata 5 : Single

475 30 4
                                    

Kabanata 5 : Single

"Ion, shit huwag." ungol ni Kim ng nasa dressing room na sila ni Ion matapos ang practice ng sayaw nila.

"Bakit?" sabi ni Ion ng tila natauhan si Kim sa muntikang pagtatalik nila ng binata.

"Baka mabuntis ako." sabi ni Kim. Bumaba ito mula sa pagkakarga kay Ion at mabilis na inayos ang tube nitong suot.

"Pakakasalan naman kita." sabi ni Ion.

"Ang kulit mo naman hindi nga ako puwede dahil may kontrata pa ako sa El Casa." sabi ni Kim.

"Okay, may condom ako dito." sabi ni Ion na ikinatingin ni Kim sa binata.

"Ang baba talaga ng tingin mo sa akin 'no." sabi ni Kim saka nito tinulak si Ion at mabilis na umalis sa dressing room.

"Damn it." inis na sabi ni Ion saka nito binato ang polong hinubad nito.

............

El Emperio Bar

Friday Night

"Nice, pare ang galing ha." sabi ni Ciao kay Ion matapos ang performance nito kay Kim.

"Parang nagsesex lang kayo ni Golden sa stage." sabi ni Rhythm kay Ion.

"Inensayo namin iyon para maging maganda. Nakakahiya naman kasi kay King," sabi ni Ion sabay tingin sa elevated floor ng bar kung saan naroroon ang Infinty Room.

"Inensayo? Sa Training Room lang ba o pati sa kama?" tanong ni Shadow kay Ion.

"Tssss. Sa training room lang dahil iniiwasan ako ni Kim." sabi ni Ion.

"Bakit ka naman niya iniiwasan?" tanong ni Ciao kay Ion.

"Natatakot siya mabuntis. SInabi ko namn mag condom ako ayaw niya. Nagalit ang baba daw ng tingin ko sa kanya. Kaya ayon, hindi ako pinapansin at laging umiiwas." sabi ni Ion.

"Ganoon ba? So, iwasan mo rin." sabi ni Shadow.

"Ano?" sabi ni Ion.

"Kapag iniiwasan ka ng babae, iwasan mo rin. Hindi ikaw ang maghahabol." sabi ni Shadow.

"Siraulo." naiiling na sabi ni Ion kay Shadow

"Ang mga babae ngayon kung hindi mahaaharot, mga pabebe. Alam mo iyon, kunwari aayaw ayaw iyon pala pasimple kang pinagmamasdan. Papansin ba. Pabebe ang tawag sa mga babaeng ganoon.." nakangising sabi ni Shadow

"Sino ba ang tinutukoy mo?" seryosong sabi ni Ion kay Shadow.

Napatingin si Shadow kay Ion, nasa sulok sila ng bar kung saan doon sila madalas mag-inuman tuwing Biyernes kung saan may big gig sa bar. Private place naman ang lugar kung nasaan sila, na napapalibutan ng railings kung saan sa loob ay may isang sofang paikot at may kalakihang center table.

"Wala naman." sabi ni Shadow na ikinakibit balikat nito.

Napailing sila Rhythm at Ciao kay Shadow may nakakarelasyon itong mga modelo pero hindi lingid sa kaalaman nila na may relasyon din ito sa kapatid ni Ion na si Adira. Pero ang dalawa todo tanggi sa relasyon ng mga ito.

"Alam mo kayo ni Adira daig niyo pa ang artista. Kumbaga may loveteam kayong iba, pero kayo naman." sabi ni Rhythm kay Shadow.

"Huh! Wala kami ni Adira. Magkaibigan lang kami kaya kami close." sabi ni Shadow na ikinailing ni Ciao.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon