Kabanata 18 : Escort's Hitting Price

448 36 9
                                    

Author's Note

Dreame account for more novels to come

mrgt_1218

✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 18 : Escort's Hitting Price
Romualdez-Lopez Nuptials
Days later

"Anong sabi mo?" tanong ni Autumn kay Ion habang nasa mesa ang buong grupo.

Kasal ni Dark ng araw na iyon ng mabuksan ang topic tungkol sa kitaan ng escort. Si Dark ang dating escort na pinalitan ni Ion, pinsan din ito ni Ion, na nakapangasawa ng totoong prinsesa.

"May suhestiyon ako para lumaki ang kita mo lalo." sabi ni Ion kay Autumn.

"Ano?" sabi ni Autumn habang nakatingin ang lahat kay Ion na kanina pa nakatingin kay Kim habang kasama ni Kim si Abra.

"Hit the hitting price." sabi ni Ion.

"Paano iyon?" tanong ni Heaven kay Ion.

"Kapag may nakapaghit sa akin, hindi kasali ang sex. At kung gusto nila ng extra service, magdadagdag sila ng presyo." sabi ni Ion na ikinangisi nila Blaze at Bullet, ang mga may-ari pa ng El Casa.

"Ayos ka. Tingin mo papayag sila?" nakangising sabi ni Blaze kay Ion.

"Tama 1M per day ka na at tiyak na aalma ang mga kliyente." sabi ni Bullet kay Ion.

"1M per day? Wow pare. Ikaw na. Sa loob ng ilang buwan mukhang mauungusan mo ang ipinasok ni Dark sa Casa." sabi ni Shadow kay Ion.

"Tingin mo uubra?" seryosong tanong ni Autumn kay Ion.

"Subukan natin baka umubra. Wala naman masama, at kung ayaw nila hindi natin kawalan." sabi ni Ion.

"Mukhang paspasan ang gusto mong trabaho." sabi ni Aqua kay Ion.

"Nakakahiya naman kasi kung ang ipinapasok kong kita ay hindi tutugma sa ipinasok ni Dark." nakangising sabi ni Ion habang nakatingin pa rin ito kay Kim na ilang araw niyang hindi nakausap.

"Okay, subukan natin." sabi ni Autumn habang nakamasid ito ng lihim kay Ion.

"Paano kung maraming magreklamo?" sabi ni Blaze.

"Umalis sila, at isasalang ko si Golden sa mas malaking hitting price." sabi ni Autumn na ikinakunot noo ni Ion.

"Ano?" sabi ni Ion na bahagyang nagulat sa sinabi ni Autumn dahil hindi inaasahan ni Ion na kapag hindi siya nakapagpasok ng pera sa gusto ni Autumn si Golden ang isasalang nito bilang pamalit.

Napatingin ang grupo kay Autumn sa sinabi nito.

"May mga nakapila ng client kay Golden, pero inireserve siya ni Vladimir for the whole month." sabi ni Autumn.

"Ano? One month?" gulat na sabi ni Ion.

"Oo, at ang hitting price ay triple sa pinakamataas na inihit kay Golden. At kung may tumapat sa hitting price ni Vladmir dodoblehin niya ang presyo.

Kaya ang plano ko gumawa ng dummy na magpapalabas na may naghit kay Golden, ng sa ganoon makuha ko ang dobleng presyo ng hitting price ni ibibigay ni Vladimir." seryosong sabi ni Autumn na ikinatingin ng grupo sa isa't isa.

"Langya, iba pala ang utak kapag nagsama ang utak ni Orion at ni Ralph Cheung." napangising sabi ni Shadow na ikinatingin ni Autumn sa binata.

"Paano kung mahalata ang dummy?" tanong ni Heaven kay Autumn.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon