Kabanata 2 : Flirting

630 38 6
                                    

Kabanata 2 :
El Casa Clinic

"Okay ba, Doc?" nakangiting sabi ni Ion habang nagsasagawa ng monthly physical fitness exam sa El Casa para sa mga escort at entertainers.

Kanina pa pinagmamasdan ni Kim si Ion, na nilalandi ang doctor at mga nurse na nakapalibot dito.

Iyon ang unang monthly physical fitness exam ni Ion dahil bago pa lang ito at isang beses pa lang naman pinapadala sa tour.

Kada buwan nahahati sa dalawa ang schedule ng PFE ng mga escort at entertaniner dahil ang iba kasi sa mga escort ay nasa tour pa, at sila Kim at Ion ay magkasama sa schedule dahil parehas sila ng schedule ng pag-uwi mula sa tour.

"Okay naman." nakangiting sabi ng doctor.

"Cation, mukhang nahiyang ka sa Paris." nakangiting sabi ng isang nurse habang kinikilig ang ibang nurse na nag-aassist sa binata na kung tutuusin kukuhanan lang naman ng blood pressure si Ion.

"Malamig ang klima sa Paris at masarap sa balat." sabi ni Ion na hindi maalis ang ngiti sa labi nito kaya patuloy na kinikilig ang mga babaeng nakapalibot dito.


"Puwede ka bang i-hit?" birong sabi ng isang nurse na ikinakilig ng iba at ikinangiti ng doctor na nag-aassist sa binata.

"Puwede naman." sabi ni Ion.

"Sige pag-iipunan ko." nakangiting sabi ng nurse.

"Kahit hindi mo na pag-ipunan Lindsay mayaman ka naman." birong sabi ng nurse na kasama ng babaeng nurse na tinawag na Lindsay.

"Ang mahal ng hitting price ni Cation, grabe mamumulubi ako." sabi ni Lindsay na bahagyang natawa na halatang nagpapapansin ito sa paraan ng pagsasalita nito.

"Worth it naman saka matagal mo na siyang crush di ba." sabi ng babaeng kasama ni Lindsay.


"Ang alam ko may 10k 30minutes si Cation na program para sa mga tulad natin." sabi ng isang nurse.


"Oo nga Lindsay bakit hindi ka mag-avail?" sabi ng kasamahang nurse sa dalaga.


"Mataas at mahal pa rin for 30 minutes." sabi ni Lindsay.


"Worth it naman at kung may 10k lang kami kukunin namin si Cation." sabi ng isang nurse.

"Gusto ba niya?" tanong ni Lindsay na ikinaikot ng mga mata ni Kim na halatang nagpapabebe ang babae kay Ion.


"Ikaw kung gusto mo?" nakangiting sabi ni Ion kay Lindsay.


"Oo ba." nakangiting sabi ni Lindsay.


"Game." nakangiting sabi ni Ion na ikinangiti at ikinatingin ng dalawa sa isa't isa.


"Langyang kaharutan iyan to the highest level." naiiling na sabi ni Kim sa isip sa pakikipaglandian ni Ion.

"Miss Golden, kayo na po." sabi ng isang nurse kay Kim na ikinatango nito.


Napatingin si Ion kay Kim at napakunot ang noo nito ng pumasok sa loob ng kuwarto si Kim kasama ng nurse na lalaki na tumawag dito.


"Pakitanggal na lang po ng upper clothes Maam including your bra, para sa x-ray." sabi ng nurse na lalaki kay Kim.


Napatiim ng bagang si Ion ng makita ang pasimpleng biruan ng mga nurse na lalaki na nasa X-ray Room, habang napatingin naman ang kausap na nurse na lalaki ni Kim, sa mga ito. Nakuha pang ngumiti ng lalaking kausap ni Kim sa mga kasama ng mga ito na halatang nag-uusap sa mga mata at kilos.


H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon