Kabanata 11 : Substitute

483 38 14
                                    

Dreame account:

mrgt_1218

For more novels

Kabanata 11 : Substitute
Isla Verde

"Anong atin?" tanong ni Ion ng makababa siya ng kotse matapos harangan ng dalawang van na sakay ang security agent ng mga Tuazon sa Isla Verde

"Pinapatawag po kayo ni Sir Autumn." sabi ng isang tauhan ng Tuazon na tiyak ni Ion ito ang head ng grupo humarang sa kanila dahil iba ang logo ng uniporme nito kung saan may tatak ng apat na security agency ng Valiente, Tuazon, Cheung at Gonzalez.

"Bakit daw?" sabi ni Ion na hindi man lang natinag kahit na naglalakihang lalaki ang pumalibot sa kotse niya.

"Hindi po namin alam." sabi ng tauhan.

Napangisi si Ion ng tingnan ang apelyedo ng kumakausap sa kanya sabay tingin sa lalaki.

"Alvarez, imposibleng hindi mo alam." sabi ni Ion.

"Ang sabi ni Sir Autumn kapag nagtanong pa po kayo at nagsalita na ikakahaba ng usapan natin damputin namin kayo at ikulong sa Ground Zero." sabi ni Alvarez na ikinakunot noo ni Ion.

"Bakit mo naman gagawin iyon?" tanong ni Ion.

"Nasa hospital ang kliyente ng Casa na si Mr Seth Wales at ikaw ang itinuturo ng kasama niyang babae na si Sissy na bumugbog dito. Wanted po kayo sa pagsampa ng kaso ng Casa laban sa inyo dahil sa kliyente nila sa kasong Physical Injury." sabi ni Alvarez.

Nakikinig lang si Kim sa sinabi ng tauhan ng mga Tuazon at napahingang malalim siya dahil naisip niya na baka hindi pa alam ni Autumn na kasal na sila ni Ion. Iba kasi ang dahilan ng pagpunta ng mga tauhan ng mga Tuazon sa kanila.

"Paano kung ayokong sumama?" sabi ni Ion.

"Ikukulong ka namin, at mas madali para sa amin dahil nasa vicinity ka na ng Isla Verde kung nasaan ang kulungan mo." sabi ni Alvarez.

Napatiim ng bagang si Ion, at napaisip ito sa sitwasyon.Alam niyang tototohanin ni Autumn ang pagkulong sa kanya at kapag nalaman uli ng lolo at ama niya ang naganap na pambubugbog niya sa kliyente ng Casa panigurado taon ang bibilangin niya sa kulungan tulad ni Atlas.

"Okay sige." sabi ni Ion kay Alvarez at tumingin si Ion kay Kim na nakaupo lamang sa loob ng kotse niya.

"Babalik tayo Sir sa Balwarte." sabi ni Alvarez na ikinabaling ng tingin ni Ion sa lalaki.

"Ano? Bakit? Nandito na tayo bakit pa tayo babalik doon." sabi ni Ion.

"Hindi po kayo puwede dito dahil si Sir Autumn ay dederetso sa Balwarte. Makakahalata ang lolo Steven niya kapag lumapag ang eroplano sa helipad ng Isla Verde at kapag nangyari iyon, panigurado na dederetso ang report sa lolo LJ niyo." sabi ni Alvarez na ikinabuntung hininga ni Ion.

"Okay sige, babalik tayo." sabi ni Ion.

"Okay Sir pero may isa pa po." sabi ni Alvarez.

"Ano iyon?" inis na sabi ni Ion.

"Kukunin namin si Golden." sabi ni Alvarez sabay tingin kay Kim na nakaupo lamang sa loob ng kotse ni Ion na bahagyang nakabukas ang bintana.

"Bakit niyo siya kukunin?" tanong ni Ion kay Alvarez.

"Iyon po ang utos ni Sir Autumn." sabi ni Alvarez.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon