Kabanata 14 : Playing

426 40 17
                                    

Author's Note

Salamat sa mga nag follow at nakabasa na ng Love or Lust : Revised and Edited sa dreame

Follow me at dreame

mrgt_1218

Sa mga di po mahanap ang account ko nalulungkot ako. Sana magtagpo tagpo pa rin tayo.😐

Naghahanap po pala ako ng images or pics na puwede ko icover sa mga novel ko
Papalitan ko kasi ang cover ng My boss is My Secretary at iba pa, sana mula sa inyo original pics or images kahit mukha niyo 🤣 basta tugma sa title at kuwento puwede. 😂 Kung gusto niyo lang naman maging bahagi kahit sa book cover, dont worry ilalagay ko kung kanino galing ang pic basta po original galing sa inyo at huwag niyo po ako
ipahamak. hahaha.🤣

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 14 : Playing
Cheung Hotel
One week later

"Salamat uli." nakangiting sabi ni Kim matapos ang isang linggong tour nila ni Vladimir sa Turkey.


Nasa Cheung Hotel ang dalawa ng umagang iyon, kung saan lumapag ang chopper sa helipad ng hotel.

May mga dumating din kasing mga escort sakay ng ibang chopper, na sa helipad ng El Casa lumapag kaya naisipan ng piloto na sa Cheung Hotel sila lumapag at pumayag naman si Autumn sa bagay na iyon.

"Sa uulitin ikaw ang kukunin ko bilang escort." nakangiting sabi ni Vladimir kay Kim habang naglalakad na ang dalawa papuntang elevator pababa ng hotel

"Talaga?" masayang sabi ni Kim.

Sa isang linggo nilang magkasama ni Vladimir mabait sa kanya ang binata at ang totoo gentleman ito. At napatunayan iyon ni Kim na kahit na may mga businessman na kausap si Valdimir sa lengguwahe nito hindi siya hinahayaan ng binata mailang.

Madalas siyang kausapin nito at kamustahin kapag nasa malalim na pag-uusap ang mga negosyanteng tulad nito na dumalo sa party lalo na nga ba, iba-ibang lengguwahe ang ginagamit ng mga negosyante sa tour.

"Oo, masaya kang kasama. At tama si Freya okay ang mga escort sa El Casa." sabi ni Vladimir.

Isang linggo ni Vladimir kasama si Kim at sa mga araw na iyon, nagustuhan niya ang ugali ng dalaga. Mapagkumbaba ito at hindi ito tulad ng mga escort na nakukuha niya sa ibang Casa, na kilala din naman, pero halatang gold digger or tipong kakapit sayo hanggang mapiga at makuha ka.

Iba si Kim kay Vladimir dahil para sa binata, special nga ito. Kung tutuusin nga si Diez ang gusto niyang makuhang escort dati dahil madalas niyang makita ang dalaga sa mga gathering at tour na dinadaluhan niya kung saan escort si Diez ng mga kaibigan din ni Vladimir na negosyante. Pero dahil laging fully book si Diez kaya hindi na siya nag-effort ng maghit ng price nito.

Pero hindi naman nagsisisi si Vladimir sa mga ginawa niya dahil kakaiba din si Golden, at para sa kanya bagay ang code name ni Kim sa dalaga.

"Salamat at salamat din sa tip mo." nakangiting sabi ni Kim sabay haplos sa necklace na ibinigay ni Vladimir na nakasuot sa leeg niya.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon