Kabanata 6 : The Negative Ion

482 46 15
                                    


Kabanata 6 : The Negative Ion
El Emperio Bar

"Nahihilo ka ba?" tanong ni Wool.

"Oo." sabi ni Kim.

Napahingang malalim si Kim ng alisin ang tingin kay Ion. Ngayon lantaran niya ito nakikita kung paano ito humarot sa mga babae na tiyak siya ginagawa na ni Ion dati pa noong magkasintahan pa lang sila. Bagay na ngayon naiisip ni Kim ang pagiging tanga niya sa unang pag-ibig.

Niyakap ni Wool ang mga kamay sa baywang ni Kim. Agad na sumandal si Kim sa malapad na dibdib ni Wool at napapikit doon.

"Lasing ka na." sabi ni Wool.

"Malakas ang tama ng alak, pero malinaw pa ang isip ko." sabi ni Kim sabay yakap sa baywang ni Wool.

Magkayakap ang dalawa sa dance floor ng marinig ni Kim ang tilian ng mga babae. Pasimple siyang bumaling sa tilian ng mga babae at napatitig siya sa isang lalaki na yakap ang dalawang babae at sinasayaw nito. Game ang dalawang babae ganoon din ang lalaki sa kakaibang sayaw ng mga ito.

Umiwas ng tingin si Kim at napapikit ito saka isinuksuk ang mukha sa dibdib ni Wool.

"Gusto mo ng umuwi?" tanong ni Wool.

"Oo." sabi ni Kim.

Pareho sila ni Wool nakatira sa boarding house sa loob ng Valiente Empire. May nakalaan kasing boarding house sa mga special escort at dahil isa sila ni Wool sa mga iyon kaya may privilege sila tumira sa naturang boarding house.

"Umuwi na tayo, maingay na. Saka may tour ka pa sa Lunes. Kailangan mo ng magpahinga." sabi ni Wool na ikinatango ni Kim.

Humiwalay ng yakap si Kim kay Wool pero nagulat ito ng saktong humiwalay siya ng yakap ng may humila sa kanya at bigla siyang niyakap.

"Umuwi ka na, ako ng bahala sa kanya." sabi ni Ion kay Wool, na ikinatingin ni Wool kay Ion.

"Ano ba?" sabi ni Kim sabay tulak kay Ion ng mabosesan ito.

"Umuwi ka na." seryosong sabi ni Ion kay Wool.

"Uuwi na kami." sabi ni Kim saka ito bumaling ng tingin sa mga babaeng nasa likuran ni Ion.

"Okay, uuwi na tayo." sabi ni Ion saka nito tiningnan si Kim

"Umuwi ka kung gusto mo, at uuwi ako ng solo ko." sabi ni Kim kay Ion.

"Pinagbigyan na kita sa space mo ng mahigit isang araw." sabi ni Ion kay Kim.

"Anong space?" sabi ni Kim.

"Hindi mo ako pinapansin so space na ang tawag doon." sabi ni Ion.

"Cation, magsaya ka na lang sa buhay mo." sabi ni Kim saka nito inalis ang kamay ni Ion na nakahawak sa braso niya.

"Tapos na ang pakikipagsaya ko." sabi ni Ion

"Ano?" sabi ni Kim.

"May oras lang ako sa pakikipaglaro at tapos na iyon." sabi ni Ion.

"Aisssst, ang gulo mo." sabi ni Kim.

"Alas dos na ng madaling araw" sabi ni Ion.

"So?" sabi ni Kim habang nakatingin lang ang mga babae at si Wool sa dalawa.

"Oras na nating dalawa." sabi ni Ion kay Kim.

"Hindi ka pa ba nagsawa, mga babae na nga ang kasama mo. Tapos gusto mo pa rin ng babae hanggang uwian." sabi ni Kim.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon