Kabanata 15 : Kliyente

416 37 9
                                    

Author's Note

Sa mga nagtatanong regarding sa pagbabago ng mga book cover ko.

Seryoso po ako, kung sino po willing magbigay, lahat ng book cover ko papalitan ko need ko lang ng original image or pic. Ilalagay ko ang name niyo for illustrator sa front book cover. 😁

Dreame account for more novels

mrgt_1218

Salamat sa mga new followers ko

God Bless

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 15 : Kliyente
Cheung Hotel Parking Lot

"Salamat uli ha." sabi ni Kim kay Vladimir ng nasa parking lot na sila ni Vladimir at pasakay na sa kotse nito na dinala ng tauhan ng binata.

"Kanina ka pa nagpapasalamat." napangiting sabi ni Vladimir kay Kim.

"Kasi marami ka ng ibinigay sa akin, at saka mabait ka. Kung iba ang kasama ko panigurado ang lahat ng ibinigay may bayad na halik o di kaya haplos." sabi ni Kim.

"Talaga?" nakangiting sabi ni Vladimir na kung tutuusin tama si Kim dahil ganoon ang gawain ng ibang kliyente at kadalasan naaawa nga siya sa mga escort na kapit sa patalim.

"Oo. Alam mo bang masuwerte ako." sabi ni Kim habang nakatayo ito sa labas ng kotse ni Vladimir.

"Oo alam kong masuwerte ka, pero sige nga tingin mo bakit ka masuwerte?" nakangiting sabi ni Vladimir habang nakatayo ito sa harapan ni Kim na napasandal sa kotse niya sa parteng pintuan ng sasakyan.

"Hmmnn. Kasi kahit escort ako, mag paggalang ang tingin sa akin ng mga kliyente dahil kay King, dahil sa kontrata na ginawa niya sa akin. Masuwerte ako kasi ang mga kliyente na ibinibigay niya sa akin ay mga matitino, gentleman at iyong tipong hindi magta-take advantage. At masuwerte ako kasi may opportunity na dumating na para sa single parent na tulad ko." sabi ni Kim na ikinangiti ni Vladimir.

"Lahat ng tao ay masuwerte, pero minsan hindi nila nakikita ang suwerteng meron sila. Kahit ang pulubi ay may suwerte, bakit kamo? Dahil hindi mo ba napapansin hindi sila dinadapuan ng sakit, nabubuhay sila sa kalsada sa papalit-palit na klima.

Lahat tayo ay may suwerte, kaso ang iba ay nagnanais ng suwerte ng iba at hindi nila nakikita ang para sa kanila. Mga bagay na nakakapagbabago sa buhay nila. Kung ang mga tao ay alam ang suwerte nila malamang magiging masaya ang lahat." sabi ni Vladimir na ikinangiti ni Kim.

"Naunawaan kita, ang karamihan sa mga tao ay walang kasiyahan at naghahangad ng suwerte ng iba. Pero ako, masaya ako sa suwerteng meron ako. At mula roon alam ko na makukuha ko ang bagay na gusto ko at pinangarap ko." sabi ni Kim.

"Kapag may oportunidad na dumating sayo huwag kang matakot na kunin iyon. Kahit maliit o malaki, mataas o mababa kunin mo, kasi hindi na uli darating ang pagkakataon na iyon.

At kung ang sinasabi ng iba kahit hindi mo kinuha o kunin dahil may darating namang iba. Hindi ako naniniwala doon, kasi para sa akin ang maliit at mababang oportunidad ay sa tingin ko ay makakapagbigay ng mas malaking suwerte at kasiyahan sa akin. Tulad mo." sabi ni Vladimir.

"Hahaha. Parang mali ka, dahil alam ko na si Diez ang gusto mo maging escort kaso hindi mo kinuha." sabi ni Kim

"Wala akong oportunidad na kunin siya, dahil siguro mataas siya kaya hindi ko hinangad ang suwerte ng iba ng makuha siya.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon