BTL13

3.9K 47 2
                                    

BTL13

I stayed in my bed the whole day. Hindi rin naman alam nina Mommy na nandito na ako, kaya ayos lang. I couldn't stand up. Nagawa kong magpanggap na ayos lang iyon kanina, kahit sa totoo lang ang sakit-sakit na.

Hindi ko masabi kina Mommy ang tungkol dito dahil alam ko kung paano sila magrereact. Especially my father, who threatens to kill anyone will hurt me. Not literally, of course. He's a lawyer, mapapahamak siya kung gagawin niya ang bagay na iyon.

I should just be careful not to tell anyone about it. Dahil kung malaman ni Prince ang tungkol dito, alam kong hindi yun magdadalawang isip na sugurin si Aziel at bugbugin ito. Prince hates cheaters. Tuwing may nakikita siyang nilolokong babae ay naiirita siya at nagagalit. I hated Legend for what he did, but I wouldn't want him to experience my brother's wrath. Kahit papaano, mahal ko pa rin siya at ayaw ko siyang mapahamak.

"Claudia! Nandito ka pala?" Pumasok si Mommy sa kuwarto ko na may dala-dalang mga bedsheets. She sat on my bed and gently caressed my hair.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito ka? I thought you slept at your condo!"

"Wala lang, Mommy..." pagod kong sagot.

She stared at me, before giving me a nice and comforting hug. I love Mommy. She always knows how to comfort me with a hug.

"May problema ba, anak? You seem sad. Ilang araw ka na ba narito? You look pale." she asked worriedly.

That's right. Two days. I've been here for two days and good thing, I had a mini ref with snacks here. Hindi ko na kinailangan lumabas ng kwarto para doon.

I finished filming half of the web series anyway. Ayoko ring pumasok sa school dahil makikita ko siya. I don't want to see him with his girl, baka bigla nalang akong malungkot at hindi mapigilan ang sarili.

"Pagod lang, Mommy... you know how I've been handling everything, right?" I smiled faintly to show her it's just that.

She sighed. "Okay. Do you want to go out? I can take you to your favorite ice cream place?" she had a smile that reminded me of my childhood. Tuwing malungkot ako, doon niya ako dinadala.

Ngumuso ako. "Mommy, I'm not a kid anymore. I'm nineteen."

She chuckled. "But you're still my baby. Sabi naman sayo, wag mo pagurin sarili mo, diba? Take a rest if you must. Wag ka munang tumanggap ng projects."

I wrapped myself with my comforter that made Mommy laugh. Niyakap niya ako ulit.

"I really miss my baby! Ang kapatid mo kasi, hindi na umuuwi rito! Ewan ko ba dun, hindi na niya ata tayo kilala..." may bahid ng pagtatampo sa boses niya. Paborito niya talaga si Prince dahil kamukhang-kamukha ni Papa.

It made me laugh. Napunta ang tingin ko sa tiyan ni Mommy. She's pregnant with our baby brother.

"Ilang months na, Mommy?"

She smiled. "Next month na due date ko."

I gently caressed her tummy. Surely, he'll be a cute one. Sana naman, kamukha niya na si Mommy.

"Pumunta nga pala dito si Legend. Pabalik-balik nga siya, kaso sabi ko wala ka naman dito. He looked tired too. Busy rin ba siya?" Mommy asked.

My lips parted and smiled fakely.

"He's busy with school, kaya hindi ko na rin siya nakakausap..." pagdadahilan ko.

"Oh! I'm sure. Sabi rin ni Elaida na baka daw tanggapin niya ang offer na isali siya sa banda. That'll be good for him, don't you think? Magaling siyang kumanta at baka maging madalas na ang pagkikita niyo!"

Behind The Lights (Montereal Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon