Blurb

1.6K 104 6
                                    

"Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan."

Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin upang ilarawan ang binatang si Asher Matthew Velasco. Magmula nang maulila ito sa kaniyang ina, at maiwan silang magkakapatid sa pangangalaga ng kaniyang mga lola ay natutunan niyang tumayo sa sarili nitong paa. Batid nito na patanda na nang patanda ang kaniyang mga lola, at kulang ang kinikita ng kaniyang Tita Cora, kaya sinikap nitong magbanat ng buto.

Sinong mag-aakala, na sa kaniyang pagsisikip, doon niya makikilala ang lalaking magpapaikot ng kaniyang mundo, si Rainier Nixon Castro. Magmula noon, ay sabay nilang sinaksihan ang pagtatapos ng araw, at ang simula ng sarili nilang k'wento na siyang nasaksihan ng, Dapit-hapon.

Augustine M.

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon