Nixon's POV
"Asher, sorry na." Bulong ko sa kaniya habang nasa gitna kami ng klase.
Hindi ko naman kasi sinasadyang makalimutan 'yung usapan namin kahapon. Akala ko rin kasi malalate siya kaya nauna na ako. I felt so guilty he's been silent the whole class.
Kinukuhit ko ang kaniyang balikat. "Asher..."
"Ano ba?"
Napangiti ako nang sa wakas ay tumugon na siya sa pangungulit ko kanina pa. "Wala, ayos na, sungit."
Umiwas siya nang tingin sa akin at nakinig nang muli sa klase. Habang nasa kalagitnaan nang klase ay hindi ko mapigilang titigan si Asher, ulo hanggang paa. Ang payat nito pero halata sa kilos niya na parang ang lakas niya.
Dumako ang mata ko sa kaniyang makapal na kilay pababa sa kaniyang ilong na sakto lamang sa laki, hindi pango, hindi rin sobrang tangos. My eyes fell down to his lips which looks naturally beautiful from my sight.
I lost track of what's happening in class while admiring him. To be honest, I never experienced this kind of admiration to someone yet, and ever since that day... I knew I was in trouble.
The whole class, I think I did nothing but watch Asher listen to the lesson. The whole class, I was happy.
Nang natapos ang klase at nakalabas na 'yung subject teacher namin, pansin kong isa-isang tumayo ang mga classmates ko sa hindi ko alam na rason. Si Asher din ay tumayo at tinapik ang braso ko.
"Tumayo ka na r'yan, sa music room ang next class, makinig ka ha? Hindi 'yung puro ka titig sa akin. Nakakatunaw." Saad nito.
Napaiwas ako nang tingin sa kaniyang sinabi. BAKIT NIYA ALAM?!
Hindi naman ako nakatitig sa kaniya, masyado lang siyang assuming... tama.
"Sino nagsabi na nakatingin ako sa iyo? Gano'n lang talaga ako, masanay ka na. Assuming mo naman." Sagot ko tsaka tumayo sa aking upuan.
"Sige." Pagkasabi niya ay umalis kaagad ito sa aking harapan.
Pagkatapos kong lusutan ka, 'Sige' lang isasagot mo sa akin? Sakit mo naman, Baby.
Sumunod ako sa kaniya. Aaminin ko, pakiramdam ko ay para akong aso na sumusunod sa amo ko. Ang pogi ko namang aso.
Habang patuloy akong naglalakad habang nasa likod ako ni Asher ay bigla namang tumabi sa kaniya si Lance.
"Matmat." Tawag nito sa kaniya.
Matmat? Mas maganda pa rin 'yung baby ko.
"Ano 'yon?" Tanong ni Asher.
Ang sakit naman talaga. Nakailang tawag ako sa kaniya bago niya ako sagutin, tapos isa lang tawag nitong si Lance, sagot kaagad. Mamaya ka sa'kin Asher.
Asher's POV
"Matmat." Tawag sa akin ni Lance pagkatapos nitong tumabi sa akin.
Pansin ko na nasa likod ko si Nixon at patuloy pa rin sa pagsunod.
"Ano 'yon?" Kaagad kong tugon kay Lance.
"Sabay tayo mag-lunch mamaya ha? Ikaw nagsabi no'n kahapon." Pahayag sa akin ni Lance.
"Oo, sige. Mamaya pa naman, pumunta ka na muna sa music room, pasabi kay Ma'am Paola na dadaan ako sa canteen, nagugutom ako eh." Nginitian ko si Lance.
"Oo naman, sige. Malakas ka naman kay Ma'am Paola, kahit nga 'wag ka na pumasok ayos lang."
"Baliw." Ani ko bago umuna na sa paglakad si Lance.
Lumiko ako pakanan para papuntang canteen. Alam kong nakasunod pa rin sa akin si Nixon kaya nang alam kong wala na kaming kasamang kaklase ay nilingon ko siya. "Bakit ka nakasunod sa akin? Mukha ba akong teacher mo?" Malamig kong pakikitungo sa kaniya
Sa lahat ng bagay, ang ayaw ko ay pinaghihintay ako sa wala, lalo na kung alam kong naglalaan ako ng oras para sa bagay na iyon. Aminin ko man sa hindi, ay parang may tampo sa loob ko, dahil akala ko ay pag-asang maging matalik kaming magkaibigan ni Nixon.
"Sorry..." Saad nito.
Sa hindi ko alam na rason, sa isang salita na iyon ay natunaw ako. Alam kong natunaw ako at nawala ang malamig na ekpresyon na pininta ko sa aking mukha.
"Sorry saan?" Tanong kong muli sa kaniya.
"Wala, pupunta na ako sa music room. Ingat ka papuntang canteen." Aniya sa akin.
Chismoso ka rin pala, Nixon? Talagang nakinig ka pa sa usapan namin ni Lance.
Paalis na sana ito nang bigla ko siyang tinawag. "Hoy."
Kaagad naman itong bumalik nang may ngiti sa kaniyang labi, "yes, my baby?"
Hindi ko maintindihan pero... I find it cute whenever he calls me with that endearment. I feel special when he calls me like that to be honest.
"Sabay na tayo papuntang music room. Mamaya na lang ako dadaan sa canteen. Tara?" Akit ko sa kaniya.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi bago. "Tara." Kumindat ito sa akin.
Napailing ako bago bumalik sa paglalakad papuntang music room. Habang papunta kami sa music room ay nakailang tanong si Nixon sa akin.
"Baby, mabait si ma'am Paola?" Tanong niya.
Tumango ako bago siya sagutin. "Sobra."
"Paano kayo naging close?" Tanong niya ulit.
"Eh parehas kaming mabait eh." Sarkastimo kong sagot tsaka siya nginisian.
"Hindi ka naman mabait lagi eh. Sungit mo nga sa akin kanina, tapos habang nasa klase tayo hindi mo ako pinapansin. Nung si Lance ang tumawag sa iyo, bilis mo sumagot." Saad nito.
Mahina akong napatawa bago siya sagutin. "Mabait ako, kasi kanina hinintay kita sa gate kahit malapit na akong malate. Pangalawa, bakit kita kakausapin, eh nasa klase nga tayo 'di ba kasi mag-aaral. Tsaka kinakausap na naman kita ngayon ah?" Tugon ko sa kaniya.
Nang makarating sa music room, kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko ay kaagad naman sunod ni Nixon sa akin. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ma'am Paola.
Alam kasi nito na hindi ko hilig ang may kasama. Ilang segundo siyang napatitig sa akin bago niya ilipat ang atensyon kay Nixon.
"Good morning, Ashy." Bati ni Ma'am Paola na may ngiti sa kaniyang labi.
"And good morning Mister..."
"I'm Nixon po. Nixon Castro."
"Okay... go take your seats. Magtabi na kayo, tutal sabay naman kayong pumasok." Ani Ma'am Paola.
Ma'am Paola's class is the best. Sa music room kami nag-aaral para air-conditioned, pangalawa ay ang sabi niya, para raw mas maging close kaming buong klase.
"Anyways... Good morning again, Class. Let's begin, shall we?"
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Teen Fiction• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...