Chapter 21: Away-Bati

239 44 3
                                    

Asher's POV

Saglit akong natahimik sa tanong ni Nixon, hindi ko rin alam kung paano ko ito sasagutin sa gulat. Ramdam ko ang muling pagbilis ng tibok ng aking puso, nagtama ang aming mga mata, tanaw ko ang ligayang nais kumawala sa oras na sagutin ko siya nang oo.

Napailing ako at sasagot na nang bigla akong inunahan ni Nixon.

"Ayaw mo, Baby?" Tanong niya.

"Bakit ka umiiling? Ayaw mo ba?" Tanong pa nitong muli.

Mahina akong natawa. "Napaka-advance mo."

"Gusto ko, Nix. I'll go out on a date with you, Baby."

Sumuntok ito sa hangin tsaka tumalon na parang batang pinagbigyan na gumala sa labasan. Ang kilos nito ang dahilan para matawa ako.

"Hoy para kang tanga may mga taong tumingin na sa iyo oh." Puna ko sa kaniya.

Dumila ito sa akin. "Ano naman? Masaya ako eh, mainggit na lang sila."

"Tsaka, pogi naman ako, swerte nila makakita ng tulad ko." Nginisian niya ako.

"Napakahangin, Nix." Pinagkrus ko ang aking braso. "Tara na nga, umuwi na tayo." Inunahan ko ito sa paglalakad.

Habang tulak-tulak ang cart ay sinusundot-sundot niya ang aking tagiliran.

"Baby, hindi ka kinikilig sa akin?" Tanong niya.

Mahina akong natawa bago ako lumingon sa kaniya tsaka sumagot. "Bakit ako kikiligin, eh hindi naman first time na may nagyaya sa akin ng date."

Napasimangot ito bigla. "Wow, Baby ah? Seryoso? Basag trip ah."

Inunahan ako nitong maglakad papunta sa kaniyang sasakyan. Tampururot na naman...

Nang narating ko ang sasakyan ay nasa loob na ito at naghihintay sa akin. Napailing ako, hindi ko alam gagawin ko, eh nagbibiro lang naman ako sa kaniya. Kinatok ko ang bintana para senyasan itong buksan ang likod ng sasakyan, kaagad naman itong tumugon.

Nilagay mo ang nga pinamili at kaagad na pumasok. Naupo ako at binati siya ng isang ngiti. Nakakunot ang noo nito at halata sa kaniyang titig na para bang may kinaiinisan ito.

"Hoy, bakit ang seryoso mo?" Tanong ko sa kaniya... walang tumugon.

"Nix, ayos ka lang ba?" Tanong ko muli... wala akong natanggap na sagot.

"Baby-"

"Huwag na tayong mag-date." Bigla niyang sabi tsaka binuksan ang makina ng sasakyan at kaagad din kaming umalis sa parking lot.

Naging tahimik ang paligid habang nasa biyahe kami. Walang kibuan, tanging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Hindi ako makatitig kay Nixon, dahil nag-guilty ako sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi alam na masyado niya iyong seseryosohin eh.

Napabuntong-hininga ako. "Nix, I'm sorry." saad ko sa gitna ng traffic.

Hindi siya tumugon.

"Nagbibiro lang ako kanina. Walang nagyayaya sa aking makipag-date. Hindi rin ako mahilig lumabas, alam mo iyon. Lagi akong nasa restaurant." Lumingon ako sa kaniya.

"Bakit ka kasi nag-joke nang ganoon?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin alam, siguro gusto ko lang makita kung ano magiging reaksyon mo." Umiwas ako ng tingin, alam kong mali ang rason ko.

"Hindi mo ba naisip kung ano puwede kong maramdaman? Nasira tuloy mood ko, inisip ko habang nasa loob ako ng sasakyan kanina na meron kang ka-date na iba. Naiisip ko pa lang nagseselos na ako." Pinatakbo niya muli ang sasakyan nang nawala na ang traffic.

"Hindi ko na uulitin," tugon ko.

"Just, Baby. I know you might want to have some good time or joke around pero sa susunod huwag naman kapag kinikilig ako, okay? Nagseselos ako bigla." Pahayag niya sa akin.

"Hindi na tayo lalabas para mag-date?" Tanong ko. Ang totoo ay gusto kong makipag-date kay Nixon, para makasama pa ito nang matagal upang makilala ko siya nang lubos.

"Oo naman," sagot niya.

"Malakas ka sa akin eh." Tumigil ito sa isang convenience store.

"Saglit, may bibilhin lang ako." Lumabas ito ng sasakyan pagkatapos niyang magpaalam.

Tahimik akong naghintay sa kaniyang pagbalik.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking telepono para i-message si Lance na pumunta na mayamaya sa amin at isama si Jerie.

Ilang minuto pa ay nakabalik na si Nixon na may dala-dalang dalawang tub ng ice cream. Ngumiti ito sa akin sabay abot ng ice cream.

"I like you, Baby. Bati na tayo? Huwag na uulit ah? Hahalikan kita kapag inulit mo pa iyon." Saad niya sa akin.

Napangiti ako nang mahawakan ang ice cream. "Thank you, Baby. Bati na tayo."

Kumain kami sa loob ng sasakyan habang nagtatanungan.

"So, buong childhood mo pala wala ka masyadong friends?" Tanong ko sa kaniya.

"Yup..." Sumubo ito ng ice cream. "I grew up playing a lot of video games, may nakakalaro rin naman ako minsan pero hindi 'yung tipo na araw-araw na tulad mo." Saad niya.

"Anyway, what does it feel like? Na araw-araw maglaro sa labas ng bahay when you were young?" He asked me.

"Alam mo, masaya..." Simula ko. "Pero minsan nakakainis lalo na kapag 'yung mga kalaro mo hindi matitinong bata. Minsan kasi kapag hindi ka nila kilala o hindi ka nila gusto kasama, pinagtutulungan..."

"Pero syempre ako pa ba magpapatalo? Saya kaya makipag-away, iyak talo." Pagtatapos ko.

"Bad mo, Baby. Nagpapaiyak ka," puna niya.

"Hoy papatol lang naman ako kapag inaaway na ako. Hindi ako pumapatol kapag wala namang ginagawa sa akin." Tugon ko sa kaniya.

"Gusto ko mag-try maglaro, kaso masyado na akong malaki eh. But, naranasan ko rin naman maglaro pero sobrang bihira tapos hindi ko naman na-e-enjoy kasi tinatawag ako lagi ng mga yaya ko, or minsan si Mom..." Pahayag niya.

"Ano pala works ng parent mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ahh..." pinunasan niya ang kaniyang labi na may bahid ng ice cream bago ako sinagot. "Mom is a supervisor sa business niya, bale sa field siya assigned so lagi siyang wala sa bahay. Same goes to my Dad, kaya ayon. Home alone." Pahayag niya.

"Buti hindi ka nab-bored sa bahay niyo. Ang laki-laki pero ang tabimik," puna ko.

"I actually prefer quiet places. Pakiramdam ko sobrang ligtas ko, tapos mag-play ako ng instrument na gusto ko, magbasa, maglaro, it's actually fun." Sagot niya tsaka nilagay sa paper bag ang empty ice cream tub.

Nang maubos ay nilagay ko na rin ang akin sa paper bag.

"I actually have a lot of questions pa, pero mamaya na kasi nauna ka eh tsaka malapit na mag-lunch, bawal magutom sina Cavs." Nginitian ako ni Nixon.

"Thank you, Baby." Nginitian ko rin ang binata.

"Wala akong kiss?" Tanong ni Nixon.

"Wala."

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon