Chapter 26: Sigurado

186 39 6
                                    

Asher's POV

Naupo ako sa tabi ng tulay habang hinihintay si Nixon. Nakatingin ako sa langit ng may ngiti sa aking mga labi habang hinihintay ang binata. Hindi mawala sa isip ko ang kantang aking sinulat, hindi ko alam kung bakit parang ang bilis ng pagbabago sa aking nararamdaman nitong mga nakaraang araw.

Hindi ko itatangi sa sarili ko na napapalapit na ako sa binata, sa paraang hindi ko inakala. Hindi ko inakala na muli kong mararamdaman ang ganitong klaseng kasiyahan. Nang lumingon ako sa aking kanan ay bumungad sa akin si Nixon, naglalakad papunta sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi habang dala-dala ang kaniyang gitara.

Bumati siya sa akin, "Hey, Baby." Naupo sa aking tabi at kaagad na hinawakan nang mahigpit ang aking kamay.

"Everything okay?" tanong niya.

Tumango ako bago siya sagutin, "Ayos lang, namiss lang kita."

Ngumisi ito. "Sabi na nga ba eh namiss mo lang ako."

"Oh dahil nandito ka na at nakita na kita..." Pinisil ko ang kaniyang mga pisngi. "Puwede ka nang umuwi," pagtatapos ko.

Sumimangot naman ang binata. "Ano ba yan, akala ko pa naman you'll play a song for me. Tsk. Paasa ka, Baby."

Mahina akong natawa sa kaniyang sinabi. "Akin na 'yung gitara, I'll play for you. May bayad nga lang."

"Ano bayad?" tanong niya habang may ngiti na nakasabit sa kaniyang labi.

"Hug..." Bahagya akong ngumiti dahil sa hiya na aking nararamdaman.

"Hug lang?" tanong nito.

Sa kaniyang sinabi ay natunaw ang nararamdaman kong hiya. Hindi naging awkward sa pakiramdam dahil nagagawa niyang maparamdam sa akin na ligtas ako sa tuwing kasama ko siya.

Sinagot ko ang kaniyang tanong. "Alam mo kung ano-ano talaga iyang nasa isip mo, yakap nga lang eh..." Saglit akong tumigil "Bakit ano ba gusto mo ha?" Tanong ko sa kaniya.

"Kiss, Baby." Ngumuso ito.

"Edi sana ikaw na lang mag-perform 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

"Akin na pala, gitarahin kita ano?" Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi sabay kumindat sa akin.

"Nixon!! Alam mo ikaw kung ano-ano na iyang natututunan mo ha. Baka gusto mong ihampas ko sa iyo iyang gitara mo." Banta ko sa kaniya.

"Joke lang naman, Baby. Pero seryoso, marunong ako maggitara, I can play for you if you want me to." Aniya.

"Ako na..." Kinuha ko sa kaniya ang gitara na kaniyang dala-dala.

"I want you to be the first person to hear whatever song I play." Bahagya akong ngumiti sa kaniya bago sinimulang hanapin ang tamang chord na babagay sa kanta.

Nixon's POV

From what Asher said, my heart immediately pounded. Iba 'yung kilig na nabibigay ni Asher.

Nawawala lagi 'yung angas ko kapag siya na kausap ko.

I looked at his eyes, I noticed how happy they are. Pansin ko na excited siyang tumugtog para sa akin, and that made me smile. Naupo ako nang ayos sa kaniyang tabi at kinuha ang aking telepono para kuhanan siya ng video at pictures para ma-save ko sa aking phone at puwede kong balik-balikan.

"Ba't mo ko kukuhanan ng picture ha?" Mataray niyang tanong.

"Para puwede kong tignan sa gabi. Tsaka video-han din kita, para puwede ko ulit pakinggan." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti.

"Huwag mo paparinig sa iba ha. Hindi na kita kakantahan kapag may ibang nakaalam." He glared at me.

I nodded. "Yes, Boss."

Nginitian niya ako. And then he started strumming the guitar with his eyes closed. I find it cool, how he was able to make a song that fast. Ilang segundo niyang pinakiramdaman ang tono ng gitara bago nagtuloy-tuloy ang kaniyang pagtugtog.

"Bakit parang may iba, tila kakaiba ang nararamdaman sa tuwing hawak ang iyong kamay."

He smiled at me after he finished that line. Kaagad din naman itong umiwas ng tingin. Hindi ko maiwasan ang kusang pagngiti ng aking mga labi sa kaniyang tinutugtog.

"Parang ang mundo'y nagbabago at bumabalik ako sa aking kabataan, nawawala lahat ng isipin at kaguluhan sa tuwing kasama kita."

"Saan ka ba galing at parang matagal na kitang kakilala. Saan nga ba kita nakita dahil sa tuwing ika'y kasama wala akong pagdududa"

He continued singing with his eyes closed. He sang as if he was one with the wind, that gentle breeze which danced around his song.

"Sa iyo, ako'y sigurado. Sa iyo, kampante ang puso. Sa tuwing ika'y kasama, at tanaw ko iyong mata, nakikita ang ligaya sa ngiti nating dalawa."

He started singing the chorus and I can't help but to smile wider than ever. I can feel my heart wanting to burst out of my chest, beating so loud. I can feel my cheek heating up, my eyes trailed from Asher's brows, down to the bridge of his knows while I was listening to his song. Bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi. Those lips of his that never failed on attracting me.

"Sa iyo, sigurado ang puso...Sa iyo, sigurado ako"

He finished the chorus and looked at me. Saglit siyang tumigil tsaka ngumiti.

Asher's POV

Habang tumutugtog ay ramdam ko ang halong kaba at tuwa sa kaloob-looban ko. Kinakabahan ako na baka mamali ako sa tono o kaya naman ay mapiyok ako habang kumakanta. Ngunit nagpatuloy lamang ako hanggang sa matapos ko ang chorus.

After that, I paused for a second and smiled at him... Rainier Nixon Castro.

Boy, I'm falling for you, and I don't even know if you feel the same way...

Nagpatuloy ako sa pagtugtog hanggang sa matapos ang kanta. Nang matapos ay pinatong ko ang gitara sa aking hita tsaka lumingon sa kaniya. Umiiling-iling ito.

"Hindi mo nagustuhan? I uh... It's okay if you don't, mabilisan ko lang din naman iyong sinulat so I know na rush 'yung song kaya-" Hindi ko nagawang tapusin ang aking sinasabi nang bigla niya akong yakapin.

"Damn, Baby..." Bulong niya sa aking tainga. "Gusto mo ba akong mamatay sa kilig?"

Pinakawalan niya ako sa kaniyang pagkakayakap. "You're right, I didn't like the song."

"I love it."

"I like you, Baby." Humalik siya sa aking noo.

"I like you too, Baby." Tugon ko tsaka kusang yumakap sa kaniya.

Nang oras na iyon, ay ramdam ko ang maliit na takot na baka ma-attach ako at sa oras na malaman kong hindi permanente ang kung anong mayroon kami ay masisira ako. Pero binura ko iyon sa aking isipan.

He's Nixon, I trust him, and I know he won't hurt me.

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon