Asher's POV
Natapos ang araw na iyon na may ngiti ako sa aking labi. Sa araw rin na iyon ay ipinahiram sa akin ni Nixon ang kaniyang gitara. Buong araw ay naging abala ako sa pagsusulat ng kanta habang isip-isip ang lalaking iyon.
Siya ang naging inspiration ko nitong mga nakaraang araw. Kung dati ay hindi ko magawang makapagsulat ng kanta, nitong mga nakaraan ay naging madali para sa akin hanapin ang mga salitang gagamitin sa pagbuo ng lyrics.
Napapailing ako sa kung ano-anong pumapasok sa aking isipan. Kahit nasa gitna ng klase ay hindi mapahinto ang aking kamay sa pagsusulat ng kanta.
Nang Lunes ay sumapit ay maaga akong pumasok at habang wala pa ang karamihan sa aming klase ay wala akong ginawa kundi ang magsulat. Ganoon din ang nangyari noong Martes, naging ganoon ang routine ko.
Sa tuwing pagpasok at walang ginagawa sa klase ay nagsulat lang ako. Hanggang sa trabaho ay hindi ako mapahinto sa kakaisip, kusang nabubuo ang mga ideya sa aking isipan. Ngunit ang ipinagtataka ko noong Martes, ay hindi pumasok si Nixon. Kaya nang matapos ang klase nang araw na iyon ay kaagad akong umalis ng school para puntahan siya...
Dala-dala ko ang isang box ng donuts na binili ko lang sa bakery... Kung sakali ay nandoon man siya ay puwede kaming kumain nang magkasama. Nang marating ang bahay nina Nixon ay kaagad na bumungan sa aking tainga ang sigawan na naririnig ko sa loob ng bahay.
Kung hindi ako nagkakamali ay parang mag-asawang nag-aaway. Nang oras na iyon ay nagtalo ang aking isipan kung kakatok pa ba ako sa bahay nina Nixon o aalis na lamang ako dahil mali yata ako ng timing...
Saglit akong napaisip at ilang segundong tumayo sa harap ng gate nina Nixon. Habang nakatayo ay hindi ko mapigilang mapaisip kung anong mayroon sa loob. Due to my curiosity, I rang their doorbell and immediately the yelling stopped.
Ilang segundo akong naghintay ay ang bumati sa akin ay si Nixon... Maga ang mga mata nito at halatang umiyak ngunit nagawa niyang akong batiin ng isang malapad ng ngiti.
"Hey, Baby. Napabisita ka bigla, namiss mo ako 'no?" Tanong niya sa akin na parang walang nangyayari.
"Pasok ka muna, Mom and Dad are home." Kinuha niya mula sa aking kamay ang dala kong box at pinapasok niya ako.
Nang makapasok at narating ang sala ay parang wala lang ang lahat. Alam ko ang narinig ko at alam kong may nagsigawan, ngunit nang nasa loob na ako ay ayos naman ang lahat. Tahimik na nakaupo sa upuan ang isang lalaki na nasa 30+ siguro ang age.
Habang ang ginang naman na ang bata tignan ay nasa kusina naghahanda ng merienda. Narinig ko ang sinabi niya kanina na maghanda ng merienda para sa akin.
Habang tahimik akong nakaupo ay tinanong ako ng Ginoo.
"How are you related to my son, Mister?.." Nagtama ang kilay nito.
Tama nga ang hinala ko, Tatay nga ni Nixon.
"I'm Asher Velasco, Sir. Classmate po ako ni Nixon." Tipid akong ngumiti.
"Velasco, huh..." Tumango-tango ang Tatay ni Nixon.
"Is my son participating well in school?" Bakas sa boses nito ang sobrang pagkastrikto.
"Ayos naman po, actually sumali po si Nixon sa Intramurals namin this year..." Tumigil akong saglit nang tinitigan ako nang masama ng Tatay ni Nixon. "Sa basketball po," nahihiya kong pahayag.
"I see..." Tumango-tango ito. "He's distracting himself again just like last time."
Umiwas ako ng tingin, at lumingon sa Nanay ni Nixon. Kita ko kung paano nito simpleng pahiran ang luhang nais kumawala mula sa kaniyang mga mata.
Naging malamig ang paligid.
"Dad..." Bati ni Nixon.
"Asher and I are going out, group project..." Pahayag ni Nixon tsaka lumingon sa akin. "Right, Ash?" Tanong niya sa akin.
Halata ko mula sa mga mata ng binata na ayaw niya muna sa kanilang bahay kaya kusa akong ngumiti at tumango bago sumagot. "Yes po, Sir. We have a group project kaya po ako pumunta."
"Do you want to stay, Hijo? You can stay in Nixon's study room naman if you're going to do a project..." Akit ng Nanay ni Nixon.
"We're good, Mom..." Saglit na tumigil si Nixon. "We should head out already..."
Sinensyasan ako ni Nixon na tumayo kaya kaagad naman akong sumunod sa binata. Aalis na sana kami ng sala ng bigla akong tawagin ng Ama ni Nixon.
"How are you related to Matteo Velasco, Asher?" Tanong nito.
Sasagot sana ako nang bigla niya itong bawiin. "Nevermind, you can leave now. Be. careful both of you."
Kita ko kung paano lumipat ang tingin ng Tatay ni Asher sa akin papunta kay Nixon. Kita ko rin kung paano nagbago ang ekpresyon sa mukha ng Ginoo.
"Prepare yourself, Nixon. Abigail will be here in a few days." Imporma ng Ginoo.
Tumango lang si Nixon tsaka mabilis na lumakad palabas ng bahay. Kaagad din akong sumunod.
Who's Abigail?
Iyan ang tanong na kaagad na pumasok sa aking isipan habang papunta kami sa garage nina Nixon. Nang makasakay sa kotse ay biglang buhos ng luha ng binata na ikinagulat ko.
Kusa kong niyakap ang binata at kusa rin itong sumandal sa akin habang naiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa aking nakikita, ang sakit sa pakiramdam, ang bigat para sa akin na makitang naiyak ang binata.
Matapos ang ilang minutong pagluha ay tumahan din ito. Walang kibo at tahimik, walang sinabi. Umalis lang kami sa kanilang bahay.
Habang nasa biyahe ay hindi ko alam kung saan papunta si Nixon, tanging kita ko lamang sa kaniyang mga mata ay ang sakit at lungkot na unang beses kong makita sa kaniyang mata.
"Baby?" Tawag niya sa akin.
"Hmm, Baby?" Tugon ko.
Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Am I a failure?" Tanong niyang dumurog sa aking puso.
"Baby..." Niyakap ko siya. "You're not a failure..."
Niyakap ako pabalik ng binata. "I'm here, you're not alone..."
Pinatahan ko ang binata hanggang sa naging maayos ang kaniyang pakiramdam. Kasalukuyang nakasandal sa aking balikat si Nixon habang hawak ang aking kamay.
"Thank you for being here, Baby." Bulong niya sa akin.
I kissed his forehead before answering. "Nandito lang ako, I'm not going to leave you."
"Gusto mong magkwento, Baby?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang kaniyang buhok.
"Nah, I want to be silent with you."
"Then, let's be quiet together. Let's sit here, be silent and just, be here together." Tugon ko.
"Thank you, Baby."
Tulad ng aking sinabi ay naging tahimik nga kaming dalawa hanggang sa makatulog na ang binata. Buti na lamang ay nasa gilid kami ng kalsada at wala kaming mahaharangan. Patay rin ang sasakyan kaya naging kampante ako.
Matutulog din sana ako nang biglang tumunog ang telepono ni Nixon. Walang sabi ay binuksan ko ang kaniyang telepono at nagulat ako sa aking nakita...
I'm his wallpaper. At ang notification na lumabas galing sa kaniyang personal calendar.
"Wednesday: 4 PM, Music Room"
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Teen Fiction• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...