Chapter 18: Ang Paglisan

281 46 7
                                    

Asher's POV

"Pa..." Nagmamakaawa kong tawag habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha mula sa kalaliman ng aking mata.

Hawak-hawak ko ang kaniyang paa, halos nakahiga na ako sa sahig sa sobrang pagmamakaawa na huwag niya kaming iwan nina Mama.

"Pa, h-huwag mo kaming i-iwan. Please..." Naginginig ang buo kong katawan, nanlalamig ang aking kamay.

Lumingon ako sa aking likuran, kita ko kung paano humahagulgol sa luha ang aking ina habang yakap-yakap ang aking nakababatang kapatid.

"Huwag mo kaming iwan, Papa... Kailan ka namin..." Pagmamakaawa ko.

"Wala akong anak na bakla..." Bulong nito sa akin bago itaboy ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa kaniyang paa.

Tuluyang umalis si Papa at iniwan kaming luhaan. Sabay naming tatlo pinanood ang kaniyang paglisan. Tumabi si Mama sa akin, sapo-sapo ang kaniyang tiyan, dala-dala ang bunso naming kapatid, habang yapos kaming dalawa ni Michelle sa magkabilang braso.

Kagat-kagat ko ang aking labi sa halo-halong emosyon na bumabalot sa akin nang oras na iyon.

Nagising ako at kaagad na napabangon sa kama nang maalala ang pangyayaring iyon sa aking panaginip. Basa ang aking pisngi nang magising, pansin kong kagagaling lang sa pagluluha ng aking mga mata. Mahigpit kong hinawakan ang aking dibdib, pilit pigilang maiyak dahil sa nangyaring iyon.

Sinapo ko ang aking mukha at napabuntong-hininga. Napailing at akmang babangon nang mapalingon ako kay Nixon. Payapa itong natutulog at sobrang gaan ng bawat paghinga.

Tumayo ako sa kama at hindi ginising ang binata. Naupo ako sa harap ng lamesa, binuklat ang aking kuwaderno at nagsulat ng kung anong salitang mapipiga ng aking isip. Bawat katanungan, emosyon, pagdududa, at hinanakit, ibinuhos ko sa isang pahina.

Kusang pumatak ang isang butil ng luha mula sa aking mata. May bahid ng galit ang lungkot na aking nararamdaman. Kailangan bang patawarin kita para gumaan ang pakiramdam ko... kung sa panahon na kailangan ka namin ay tuwang-tuwa ka sa pagsilang ng anak mo sa ibang babae.

Huminga ako nang malalim bago ko isara ang kuwaderno.

"Hey..." Rinig kong tawag sa akin ni Nixon. Halata sa boses nito ang pagkaantok.

Nilingon ko ang binata at simpleng nginitian. "Hey." Bati ko sa kaniya.

"What time is it? Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa akin.

"Just, writing a song, Nix." Sagot ko sa kaniya.

Nginitian niya ako bago tumayo sa kama. Binati niya ako ng isang malambing na yakap mula sa aking likuran. "Can I hear it?" Bulong niya sa aking tainga.

Nixon's POV

Yakap-yakap ko si Asher habang nakapatong ang aking baba sa kaniyang balikat.

"Hindi pa tapos, paano ko ipaparinig sa iyo?" He replied then chuckled.

"Then..." I messed his hair. "Sing for me what you finished."

He turned his gaze to me and held my hand. "Gusto mo talagang marinig?" He asked.

I responded with a slight nod, half-eyed open.

He then stood from his chair and lay himself on the bed. "Inaantok na ako, bukas na lang."

"Hmp." I responded then lay beside him.

"Alam mo ba, I wrote a song about you." Pahayag niya.

Hindi ko siya magawang lingunin sa mararsmdam ko. I feel like my heart is racing so fast I might have a heart attack.

I slowly turned his gaze to him. "Really?" I immediately asked.

He only responded with a nod and smiled at me.

"Thank you pala, Baby." I randomly said.

His brows curved. "Ha? Para saan?"

"Kasi hindi mo ako sa sahig pinatulog. Ibigsabihin no'n, gusto mo talaga ako. Hehehe." Sagot ko sa kaniya.

Hinampas niya ako ng unan.

"Edi sa sahig kang mokong ka. Anong oras na kung ano-ano pang pakulo naiisip mo." Sagot niya sa akin.

I pulled him close to me and wrapped my arms around his waist. "Nope. Bawal. Let's sleep together." I said and smiled like a crazy dude who won the lottery.

"Sing for me, Baby." Saad ko sa kaniya.

"Ayaw ko nga." Sagot niya sa akin.

"Then, can you write an album for me? Hihintayin ko, tapos sing it for me." Alok ko sa kaniya.

"May bayad?"

"Meron."

"Magkano?" Tanong niya sa akin.

"Isang libong halik." Kinindatan ko siya.

Sumama ang tingin nito sa akin tsaka pinitik ang aking ilong. "Ikaw, napakapilyo mo talaga. Ang sarap mong kalbuhin eh 'no?"

Natawa ako. Inside me was filled with joy and relief. While hugging Asher, I feel like I'm at the safest place in the world.

Nagkulitan kami buong madaling araw hanggang mapapayag ko siyang gumawa ng album, kapalit no'n ay ililibre ko siya ng grocery mamayang umaga. Ang grocery naman ay balak ko na talaga dapat gawin ng libre matapos kong makausap si Tita Cora, pero mas maganda na rin ang deal na marinig kong kumanta si Asher para sa groceries.

"Good night, Baby." Ani ko bago halikan ang kaniyang noo.

"Masyado ka nang namimihasa sa ka b-baby at halik mo, Nix ha." Pansin niya sa akin.

"Bawal ba? Tell me, ititigil ko kaagad. Sabihin mo lang sa akin kung uncomfortable, o ayaw mo, or hindi ka natutuwa sa actions ko, in an instant i-"

Hindi ako natapos sa aking sasabihin nang mabilis itong numakaw ng halik sa aking labi at pinakawalan din ako kaagad sa halik na iyon.

"Ayan, nasagot na ba tanong mo?" Tanong niya sa akin habang mahinang natatawa.

Umiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pag-aapoy ng aking pisngi at pamumula ng aking tainga.

"Uyy. Si Nix, nag b-blush. Hahaha. Ang cute naman ng Baby na iyan." Nanunukso niya sa akin.

"Ikaw kasi bakit ka nanggugulat nang ganoon?" Tanong ko sa kaniya habang hindi pa rin magawang lumingon sa kaniya.

"Oh ayan, alam mo na pakiramdam nung ninakawan mo ako ng halik." Tugon nito sa akin, niyakap niya ako nang mahigpit bago ipinahinga ang kaniyang ulo sa aking dibdib.

"I had a bad dream, Nix." Pahayag niya sa akin.

"Gusto mong magkwento? Makikinig ako." Tugon ko sa kaniya habang nilalaro ang kaniya buhok.

"Tulog na muna tayo, kwento ko na lang sa iyo pagkatapos natin mag grocery. Thank you ulit, Nix." Saad niya.

"I like you. Good night." Bulong nito sa aking tainga.

Mahigpit ko siyang niyakap bago tumugon. "I like you too. Good night, Baby."

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon