Chapter 14: Simpleng Merienda

248 47 6
                                    

Asher's POV

Matapos akong samahan ni Lance sa tulay nang ilang oras ay pinili na naming umuwi sa kani-kaniyang bahay at magpahinga. Malapit nang mag alas tres ng Hapon at handa na kaming magmeryenda nina Cavs. Dahil maaga kaming nakauwing tatlo ay sa labas kami mag memeryenda.

Nagbasag ako ng yelo para gumawa ng juice na paparesan pandesal na may keso. Nasa labas sila Cavs at nakikipag kwentuhan kay Sherwin at Michelle, habang ako naman ay nasa loob ng bahay, patuloy pa rin sa paghahanda ng pagkain.

Juice, pandesal, keso, pandecoco, at iba pang klase ng tinapay ang dinaanan ko, kalahok ng inumin at keso ang kasalukuyan naming kinakain sa harap ng bahay. Maganda ang panahon, hindi maulan, hindi rin gaano kainit.

Maganda rin at hindi kami nakatira sa high way, nasa looban kami kaya liblib ang lugar, kalimitan ay puno rin ng puno ang lugar. Habang nakain ay nagkwentuhan kami nina Cavs.

"Michelle, apo, may nanliligaw na ba sa iyo ha? Sabihin mo bawal pang ligawan ang unica-hija ko." Ani Lola Nora tsaka uminom ng juice.

"Ay nako, Nora, puro ka kakajowa, wala ka na namang asim." Banat ni Cavs.

Malakas kaming natawa ni Michelle habang si Sherwin naman ay nakisama sa aming pagtawa.

"Lola buhat mo ko!" Malambing na ani ni Sherwin tsaka binuka ang kaniyang braso sa harap ni Cavs.

"Ang cute cute talaga ng apo ko... lusog ng pisngi oh, sarap pisilin!" Pinisil ni Cavs ang pisngi ni Sherwin.

"Yehey! Cute ako Lola?" Tanong pa nito.

"Oo naman apo ko ah. Cute ka, ate at kuya mo, pangit na." Sagot nito.

Natawa si Sherwin. Nilingon niya kami ni Michelle. "Pangit pala kayo ni Kuya, Ate eh!"

"Lola Nora oh, pinagtutulungan kami ni Cavs." Ani Michelle.

"Hayaan mo iyang si Cavs. Ganiyan talaga pag masyado nang natanda, palibhasa buong katawan niya kulu-kulubot na." Hataw ni Lola Nora.

Nagpatuloy ang asaran namin at nagpatuloy sa pag memeryenda. Hindi mawala sa aking labi ang ngiting kanina pang nakasabit. Magaan ang aking pakiramdam at walang iniisip na kung anumang problema.

Masarap sa pakiramdam, na hindi man kami gaano kayaman... mayaman naman ako sa pagmamahal ng aking mga Lola. Hindi man kami nakatira sa magarbong bahay, ay tila mas maganda na rin, upang hindi kami magkalayo-layo bilang pamilya.

Hanggang sumapit ang gabi ay naging ganito ang aming sistema, asaran, kulitan, at tawanan. Si Tita Cora ay dalawang araw nang hindi nauwi, nauwi man ay saglit lang at nabalik din sa trabaho nito sa bar.

Nasa kusina ako habang nagluluto ng tinola. Habang sina Cavs naman ay nasa sala at naghihintay. Tanaw kong nakakalong si Sherwin kay Lola Nora. Si Michelle naman ay nakatabi may Cavs. Nakasandal ang ulo ni Cavs sa balikta ni Michelle.

Matapos kong maluto ay kaagad akong naghain para tawagin sila para makapaghapunan.

"Wow ang sarap ng ulam ah!" Puri ni Cavs na naupo sa tabi ko.

"Sarap mo talaga magluto anak ko, amoy ko kanina pa sa sala, ang bango." Bulong niya sa akin talaga tinapik ang aking hita.

"Tara na, kain na tayo, sarap ng ulam natin." Ulit naman ni Lola Nora.

Sama-sama kaming kumain, tahimik, siguro ay sa pagod kanina habang nag kwekwentuhan sa labas. Naging magaan ang hapunan, at nagkusa na si Michelle na siya na raw ang maghuhugas na pinggan, kaya tumungo na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Mabilis lang ako naglinis dahil ang lamig na ng panahon.

Bumaba ako at nakita kong patapos na si Michelle sa gawaing bahay. "Ayos ka na d'yan, Michelle?" Tanong ko.

Tumango ito. "Ayos na kuya, ako nang bahala rito."

Tinanguan ko rin siya at umakyat naman para tignan sina Cavs na nakaupo sa tabi ng kanilang kama. Tinabihan ko si Cavs at niyakap ito.

"Cavs.." Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Hmm, ano iyon anak? Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin tsaka hinawakan ang aking kamay.

"Ayos lang, Cavs... Namiss ko lang kayo." Saad ko.

Hinalikan ako ni Cavs sa aking noo. "Sus, kasama mo naman kami tapos miss mo kami? Nako anak, ako'y wag mo ngang niloloko."

Sumabat si Lola Nora. "Anong nangyayari, ayos lang ba ang paborito naming apo?" Tanong nito.

Tumabi ito sa amin ni Cavs. Pinaggigitnaan ako ng dalawa kong Lola. Parehas ko silang niyakap.

"Namiss ko nga lang kayo, masyado naman kayong OA eh." Pahayag ko.

Kiniliti ako ni Lola Nora sa gilid ng aking t'yan. "Nako, may hindi ka lang sinasabi sa amin eh."

"Oo nga, ikaw 'nak ha, nagsisikreto ka na sa amin." Sang-ayon naman ni Cavs.

"Wala, kayo namang dalawa, pinagtutulungan ako. Sabi niyo ako paborito niyong apo?" Tanong ko.

"Kaya nga, ikaw nga paborito naming apo, kaya pahilot kami mayamaya ah?" Tanong ni Cavs.

Natawa ako sa tinuran ng aking mga Lola.

"Sige-sige, mamaya ah? Mamaya kasi busog pa kayo, upo muna kayo Cavs ah, Lola Nora ha? Huwag muna kayong humiga." Pinagsabihan ko silang dalawa.

Pagkatapos no'n ay lumabas muna ako sa kanilang kwarto para ayusin ang aking mga gamit. Inayos ko na rin ang aking kama.

Ilang minuto akong naupo habang walang anumang nakatitig sa bintana. Nakangiti at magaan ang loob. Bumaba ako para silipin ang bahay at nang makita kong ayos na ang lahat ay tinungo ko muli ang kwarto ng aking mga Lola.

Doon ay tumabi ako sa kanilang dalawa habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kaming tatlo tungkol sa kung anumang bagay na papasok sa aming isipan.

Matapos ang ilang minuto ay hinilot ko na ang aking mga Lola at tumungo sa aking kwarto upang magpahinga. Nahiga na ako at handa nang matulog nang narinig ko ang sunod-sunod na tunog mula sa aking telepono.

Bumangon ako sa kama para tignan kung bakit ito nag-iingay at laking-gulat ko nang makita ko ang sobrang daming mensahe galing kay Nixon.

Nixon: Baby, nakauwi ka na ba sa inyo?
Baby, I miss you. Can we talk?
I'm sorry, puwede ba tayo magkita?
Pupunta ako mamayang 9 PM sa tulay, punta ka please? I miss you.
I want to explain, I'm sorry, please be there, may sasabihin ako.

Pagkatapos kong basahin ay nilingon ko ang orasan, 8:56 PM...

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon