Asher's POV
"Maayos naman kami simula una..." Simula ko sa pagkwento kay Nixon tungkol sa pamilya ko.
"Just like any family maayos nga kami 'di ba? But then he cheated. Sunod-sunod mga oras na iyon e. He cheated on mom and after that nalaman niya na I was gay. That's what pushed him to leave us. After that we became financially unstable at nagkasakit pa si mama..." Sunod ko.
"It hurts me so much kasi wala akong masandalan sa mga oras na iyon. Sabihin ko man na nand'yan sina Cavs at Lola Nora pero I can't risk for them to carry all the burden especially that they are already old and lived the life they deserved. Wala akong mayakap na Papa. Walang sumamang ama sa amin nang mga oras na iyon. Each time we go to the hospital and I see a complete family taking care of each other— sobra ang inggit ko no'n." I wiped the single tear that fell from my eyes.
"I envy those kids who had a complete family..."
Cavs' POV
Hindi na ako nakakaramdam ng kaba sa tuwing papasok ako sa hospital. Maaga kaming umalis ni Cora habang wala pa si Asher upang hindi niya malaman na ilang beses na akong nagpapa-check up. Hindi ko gustong malaman niya na hindi na maganda ang aking kalagayan.
Sa tagal ko nang inalagaan ang aking apo, alam ko sa aking sarili na ayaw ko nang madagdagan ang sakit na maari pa niyang maramdaman. Huminga ako nang malalim pagkapasok namin ni Cora sa opisina ng doctor.
"Magandang umaga ho, 'Nay," bati ng doctor.
"Magandang umaga rin ho, Doc." Naupo kami ni Cora sa upuang nakapuwesto sa harap ng lamesa ng doctor.
"Kamusta naman ho ang pakiramdam niyo ngayon?" tanong muli ng doctor.
"Maayos naman ho ako, Doc. Mabilis lang po akong mapagod," saad ko.
Tumango-tango ang Doctor, "Nanay, sasabihan ko na ho kayo ano..."
"Magiging mas mainam pong mapatignan na natin sa mas malaking hospital para po mas maganda ang gamutan niyo kasya rito sa probinsya. Pagkatapos naman ho no'n ay dirediretso nang gamutan. Matagal man ho ay maganda naman ang kalalabasan," paliwanag ni Doc.
"Doc, gagaling naman po 'di ba? Magagamot naman po ano?" tanong ni Cora.
"Magagamot syempre pero kailangan din nating mag-ingat sa intake ni Nanay. Kailangan din natin ng observation sa kung mayroong pagbabago sa kaniya ano po?" sagot ni Doc Patacsil kay Cora.
Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Nagpatuloy ang aming usapan sa aking kalagayan. Meron akong cancer, bagaman hindi na ako nagulat sa magiging resulta dahil sa maiksing panahon ay ramdam ko na rin naman na may mali na sa aking katawan, natanda na rin ako.
Kailangan, kung ano man ang mangyari ay handa ang aking apo. Asher ko, magpakatatag ka, Apo.
Nixon's POV
When Asher finished telling his story about his past he automatically lay his head on my shoulder and took a deep breath. I combed his hair and said, "I'm here, Baby. You have me."
He held my hand and cross our fingers together. "Nixon, mahal na kita."
My heart pounded from my chest. I gulped and took a deep breath. I can feel how my cheeks burned and how my pants tighten. Asher is literally driving me insane.
"Baby, I love you too."
He faced me and turned his gaze to me. Our eyes crossed and slowly our lips met. He kissed my lips passionately and my hands reached his nape. I deepened our kiss and trailed my tongue inside my mouth.
His mouth answered my tongue and gave me passage inside him. We shared that intimate kiss, my hands was about to crawl onto his thighs when suddenly... my phone rang.
I let out a grunt and let out a deep sight. The thing in between my thighs woke up with just a kiss. That's so embarrassing.
It was Dad calling.
"Yes, Dad?" saad ko pagkatapos sagutin ang tawag tsaka ito l-in-oud speaker.
"Go home early we are having dinner together. Do invite your friend, Asher, I got news that we're friends with his father. Abigail is here too."
"But, Dad, I don't mean to offend you in anyway but I don't want to come." Napalunok ako sa kaunting kaba na aking naramdaman.
"Asher's father is here too. He wants to see, Asher, but he said he's not answering his phone so I thought of asking you instead. Take Asher with you, Son. Please."
"Sure, Dad. I will." Iyon na lamang ang tangi kong naisagot. Pagkatapos ay binababa ko na rin ang telepono.
Asher's POV
Narinig ko ang usapan ni Nixon at ng kaniyang Ama. Paano naman kasi, bakit ba siya nag-loud speaker. Baliw.
Umiling ako. I don't want to see my father, tapos kalilala pa pala siya ng parents ni Nixon. What a coincidence.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyaya si Nixon na umalis na sa garden para pumunta sa music room at kunin ang aming mga gamit para makauwi na ako. Mabilis kaming tumungo sa music room at gaya ng aking plinano ay sabay kaming lumabas ng Paaralan.
"Narinig mo ba usapan namin kanina ni Dad?" tanong ni Nixon.
"Yeah narinig ko. I don't want to come but I heard your Dad so I'm going." I held his hand.
"Baby," tawag sa akin ni Nixon.
"Baby, ayos ka lang?" Tumigil ako sa paglalakad tsaka nilingon siya.
"Ayos lang, baby. Kinikilig lang ako." Pinisil-pisil niya ang aking kamay tsaka nginitian ako.
"I love you, Nixon."
"I love you too, Asher."
Out of nowhere bigla akong niyakap nang mahigpit ni Nixon. He combed my hair and kissed the side of my forehead.
"Don't leave me, Baby. I don't want to lose you," bulong ni Nixon sa akin.
"You're not going to lose me." I hugged him tighter.
Hinatid ako ni Nixon papunta sa amin. Nang makarating sa bahay ay napansin ko ang isang piraso ng papel na nasa lupa. Pinulot ko ito at nanlamig ang buong katawan ko nang makita kung ano ang nakasulat sa papel, listahan ng gamot at test... para kay Cavs.
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Jugendliteratur• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...