Asher's POV
Nang matapos ang unang subject ay pinatawag ang mga athletes for practice at orientation dahil sa Miyerkules na gaganapin ang intramurals. Three days ang mangyayari sa intrams. Nakaka excite!
Habang ang mga athletes ay pinatawag na, ako naman ay pinatawag ni Ma'am Paola sa music room. Habang naghihintay sa music room ay kinuha ko ang gitara para simulang tapusin ang kantang nasimulan ko kagabi. Unti-unti ay nabubuo ko ang tono na gusto ko para sa kanta.
Biglang namang pumasok si Ma'am Paola at nagulat. "Aba, ano ginagawa mo?" Kaagad na tanong niya sa akin.
Mahina akong natawa. Binaba ko ang gitara at nginitian si Ma'am Paola. "Ma'am, matagal na ito, pero parang nakakapagsimula na ulit akong gumawa ng kanta..." Pahayag ko.
Tumango si Ma'am Paola at pinagkrus ang kaniyang braso pagkatapos isara ang pinto. "Kung ano man o sino ang dahilan kung bakit nakakapagsulat ka ulit, siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan, alam mo naman nung huli kang nasaktan 'di ba? Ang tagal mong hindi tumugtog." Payo ni Ma'am Paola na may pag-alala sa kaniyang mata.
Tumango ako tsaka tumayo sa upuan. "Ma'am, anong ibigsabihin kapag lagi kong naiisip 'yung isang tao na alam kong hindi ko naman magugustuhan?" Tanong ko sa kaniya.
Natawa si Ma'am Paola habang inaayos ang kaniyang mesa. "Aba, baka nagayuma ka, Ashy ha. Magsabi ka kaagad, dadalhin kita sa albularyo."
Natawa rin ako sa sinabi ni Ma'am. Baka nga ginayuma ako.
Ngumiti ako nang iniabot sa akin ni Ma'am Paola ang camera. "Pero seryoso, hindi ko masasagot 'yung tanong mo. Ikaw lang makakasagot niyan, marami kasing puwedeng sagot, hindi ako sigurado kasi ikaw naman nakakaramdam niyan..." Tumigil ito nang saglit.
"Malay ba natin kung galit ka sa taong 'yan. Namimiss mo, o kaya gusto mo?" Ngumisi si Ma'am Paola.
Napailing ako. "Ma'am, masyado kayong ma-issue."
"Asus." Malambing na kinurot ni Ma'am Paola ang aking pisngi. "Huwag nga ako, Asher. Kilala kita, tsaka dumaan na ako d'yan 'no." Dalawang beses na tumaas ang mga kilay ni Ma'am Paola.
"Eh ma'am, paano niyo malalaman kapag nagseselos kayo?" Muli kong tanong.
"Aba ewan ko rin. Hindi naman ako selosa. Bakit, may pinagseselosan ka ba? Syempre kung may pinagseselosan ka, edi may natitipuhan ka nga?" Magkasunod na tanong ni Ma'am Paola sa akin.
"Ma'am naman, akala ko ba kakampi ko kayo, eh ba't parang naka hot seat ako sa inyo?" Pagmamaktol ko tsaka ngumuso.
"Eh nako, hayaan mo na ako, gutom lang 'to..." Palusot niya.
"But! Seriously, hindi ako sure ha. Pero kapag, mabigat pakiramdam mo, o parang nasasaktan ka na nagagawa nung taong 'yon sa ibang tao, 'yung mga bagay na gusto mong gawin niyo. Basta 'yon!" Sagot ni Ma'am Paola sa akin.
Napaupo ako at isinandal ang aking ulo sa pader. Muling pumasok sa isip ko ang imahe ni Nixon, sa tuwing hinahawakan niya ang aking kamay nang patago. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring 'yon.
"HOY! Ngiti-ngiti ka d'yan, pabalikin kita sa classroom eh. Tara nga rito!" Tawag ni Ma'am Paola.
Napailing ako at pumunta kay Ma'am Paola.
"Ito ha, katulad ng sabi ko kanina. Three days ang intrams natin..." Simula niya.
"Sa unang araw, badminton muna, tsaka volleyball. Wala masyadong hassle, kasi magagaling naman lahat ng players natin sa badminton, kayang-kaya nilang lumaro..." Sunod niya.
"Second day, ito ang masaya. Magkakaroon tayo for the first time ng eSports. Bale, 8 teams, 5 member each, maglalaban-laban sila, Playoffs, Semi-final, then finals. eSports, chess, track and field, billiards. Halos lahat puwedeng indoor." Dagdag ni Ma'am Abba.
Habang nagsasalita si Ma'am ay tahimik lamang akong nakikinig at binabasa ang schedule na hawak niya sa kaniyang kamay para alam ko ang mga oras kung kailan ako iikot sa school para makakuha ng litrato sa bawal laro.
"At sa last day, bale sa umaga, Basketball lang naman. Kasi sa hapon, awarding na para sa mga players." Pagtatapos ni Ma'am Paola.
"So bigyan kita ng copy ng schedule, tapos lagi kang mag-online if ever man magkaroon ng conflict o changes in schedule para ready tayo. Ka-stress naman 'tong intrams na ito, Lunes at Martes naman, ibibigay na mga jersey ng players, tapos mga pinatatak na t-shirt ng students na alam ko, umiikot na today listahan ng mga magpapatatak for instrams. Colorful ng sobra this year kaya sobrang happy ko!" Pahayag sa akin ni Ma'am Paola at pumalakpak.
Natawa ako sa reaksyon ni Ma'am Paola. Nakakahawa talaga 'yung saya niya, siya 'yung teacher na sobrang sarap kasama kasi makikipag-vibes siya sa iyo, at kahit gaano ka-stress at hassle ng mga gawain, lagi siyang masaya kaya ang comportable gumalaw sa tuwing may kailangan, o tanong, o kaya naman may mga event na tulad na lamang nito.
"Ay sige na pala, dito ka na muna, or kung gusto mo balik ka na sa class. Ang alam ko, walang classes today since preparation nga for instrams, half-day lang yata kayo." Ani Ma'am Paola.
"Dito na lang ako Ma'am Paola, maggigitara na lang muna ako." Ani ko.
"OMG! Parinig ako ng tinutugtog mo kanina! Nakakamiss na paggigitara mo, mag-play ka naman for me!" Magiliw na sabi ng Ginang.
"Ma'am, hindi ko pa nga po tapos 'di ba?" Pahayag ko sa kaniya.
"Ihh ayos lang iyon. Kaya mo 'yan, play ka kahit chorus lang, tapos palakpak ako, judge ko, kasi mapanghusga raw ako. Jusko, bait-bait kong tao naging mapanghusga pa talaga ako..." Sinapo ni Ma'am Paola ang kaniyang ulo.
"Hirap sa mundo natin, kahit anong kabutihan ipakita mo, kung may inggit sa iyo, sisiraan ka no'n para magmukhang lamang sila sa iyo..." Dagdag pa niya.
Umiling ako, "sige Ma'am, tugtog na ako, bawas negativity, hindi iyan ikauunlad natin.
"Ay true ka d'yan. Apir!"
Um-apir sa akin si Ma'am Paola at parehas kaming natawa.
Huminga ako ng malamim at sinimulang tumugtog.
"Saang kanto ka nga ba nagmula at bakit parang hindi ka estranghero sa aking mga mata."
Simula kong may ngiti sa labi habang isip-isip ang lalaking inspirasyon ng kanta... si Nixon.
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Teen Fiction• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...