Asher's POV
Paglabas ko ng silid ni Ma'am Paola ay kaagad akong nagtungo sa canteen upang hintayin si Lance dahil sinabi kong sabay kami mag l-lunch. Naupo ako sa bench, habang nakadungaw sa watawat. Huminga ako nang malalim, ni hindi ko alam ang rason kung bakit parang biglang ang bigat ng damdamin ko. Siguro dahil sa sinabi ni Nixon, pero imposible naman siguro no'n. Hindi naman ako ganoon kadali maapektuhan.
Pipikit pa sana ako at sasandal muna sa bench nang narinig ko ang boses ni Lance.
"MatMat!!!!" Malakas niyang sigaw. Hindi ko na ito nilingon, bagamat sigurado akong natakbo ito papunta sa akin.
Animo'y parang tanga, mula sa malungkot kong mukha ay mahina akong natawa. Nilingon ko si Lance ng may malapad na ngiti sa labi. "Hi." Maikli kong bati.
Ngumiti ito tsaka tumabi sa akin. "Hi, Mat..." Inakbayan niya ako, "Kanina pa kitang hinahanap, saan ka galing?" Tanong niya sa akin.
"Ha?" Nagtama ang aking makakapal na kilay. "Ako pa itong nawawala? Eh nandito lang ako kanina pa." Umiling ako tsaka tumayo sa kinauupuan.
"Tara, kumain na tayo. Nagugutom na ako, libre mo ah?" Saad ko tsaka tinapik ang kaniyang braso.
Palabas ng school ay nakasalubong namin si Nixon, kasama si Jerie.
"HOY!" Malakas na sigaw ni Jerie. Ang mga estudyanteng malapit sa amin ay napalingon, marahil ay sa gulat.
Nakisabay si Jerie sa paglalakad naming dalawa kasama si Nixon. Nilingon kami ni Jerie habang naglalakad. "Hinahanap kita, Lance kasi wala lang. Hinahanap kasi ni Nixon si Asher, kaya dapat may hinahanap din ako."
"Kakain kami sa labas ni Asher, bakit?" Ani Lance.
"Ay date?" Tanong naman ni Jerie.
"Parang ganoon na nga. 'Di ba, Asher?" Pabalik na tanong naman sa akin ni Lance pagkatapos sagutin ang tanong ni Jerie.
"Ewan ko sa inyong dalawa ang ingay niyo." Inunahan ko sila sa paglalakad.
Napailing ako nang marinig ang bulong ni Jerie. "Hindi naman ako maingay ah?"
Nixon's POV
I remained silent and continued walking. I'm bearing with myself not to walk by Asher. Gusto ko man, but I don't want to make him feel awkward, hindi ko rin alam kung ano ba talagang mayroon sa kanila ni Lance.
One side, they're best friends, but yet they're having lunch together. Hindi kaya mag-ex talaga sila? Tapos 'yung kantang sinulat ni Asher ay para kay Lance?
Napailing ako sa inisip kong iyon at pinili na lamang pagmasan ang paglalakad ni Asher. Ang simple nito lumakad, hindi mabigat ang kaniyang mga paa sa tuwing naglalakad. Hindi mapakali ang kaniyang kamay kung saan niya ito ilalagay; minsan ay nakapatong sa laylayan ng bag, minsan nasa bulsa, minsan naka krus ang braso niya, minsan wala lang.
Matapos ang ilang minutong lakaran, ay nakarating kami sa kakainan namin. Maraming tao, halos puno na ang loob nito. Tanging dalawang pares na lamang ng mesa ang mayroon, bawat mesa ay may dalawang silya. Napabuntong-hininga ako.
Iniisip ko pa lamang, ay hindi ko alam!!! Ang gulo, bakit ba ako naaapektuhan? Wala namang meron sa amin. Naupo ako sa isang silya.
"Punta muna ako sa CR." Dinig ko saad ni Asher.
"Lance tabi na tayo!!" Akit ni Jerie.
"Pero-" Hindi natapos sa pagsasalita si Lance nang sagutin siya ni Jerie.
"Hep! Be a gentleman duh!"
Bleh!
Lumakas ang pakiramdam kong makakaharap ko habang kumakain si Asher. Itinago ko ang ngiti sa aking isipan. Para mang baliw, pero HAHAHAHA. Bakit ba ako ganito?
Nang makabalik si Asher ay nginitian ko siya. Umiwas ito ng tingin sa akin... Ni hindi man lang tinugunan 'yung ngiti ko. Tsk.
"Jerie palit tayo. Init doon sa kabilang mesa." Anito.
Bahagya akong napailing. Ayaw mo lang ako katabi, kasi gusto mong katabi si Lance. Tsk.
"Puwede naman sigurong pagtabihin na lang 'yung mesa 'di ba? Ang laki ng problema much." Ani Jerie na siya mismo ang tumayo at hinila ang silya at mesa.
Sa kaliwang bahagi ay magkatabi si Jerie at Lance. Habang sa kanan ay magkatabi kami ni Asher. Magkatabi man kami, ay hindi ko alam kung bakit, pero naiinis ako dahil magkatapat ang upuan ni Asher at Lance.
Sinubukan kong tapikin ang hita ni Asher gamit ang aking tuhod, ngunit ni hindi man lang ako nito pinansin.
Dumating ang waiter sa mesa namin at binigyan kami ng tag-iisang menu.
"Ano gusto mo, Mat-Mat?" Kaagad namang tanong ni Lance. "Ako ba?" Banat nito.
"CR din muna ako." Saad ko tsaka tumayo para pununta sa CR.
Asher's POV
Pansin kong sinusubukang kunin ni Nixon ang aking atensyon. Paano, kanina pang nagpapapansin, ngunit hindi ko gustong kausapin muna ito, lalo na at nasa harap kami ni Lance at Jerie. Hindi ko gustong magkaroon ng anumang malamig na pakikitungo nang dalawang mokong sa isa't-isa.
"Anong gusto mo, Mat-Mat?" Tanong ni Lance na balak ko lamang tugunin ng isang ngiti nang bigla niya itong sinundan. "Ako ba?"
"CR din muna ako." Ani Nixon. Hindi ko ito pinansin, ngunit nang nakatayo na ito, kaagad naman akong lumingon para sulyapan ang binata.
"Crush mo si Nixon ano?" Mahinang tanong ni Jerie na kung tutuusin ay malakas pa rin.
"Hindi 'yan. Straight 'yon, hindi papatol si Mat-Mat sa straight, 'di ba?" Sagot naman ni Lance.
"Sus, ako pinakamatalino sa atin! Mata niyo pa lang nababasa ko na. Masasabi ko nang, hindi lang ganda ang meron ako, may brains din ako." Patukso kaming nginitian kami ni Jerie.
"Alam niyo, um-order na lang tayo, ano po?" Suhesyon kong nagpatahinik sa dalawa.
Habang um-o-order naman kami, ay ang tagal bago pa dumating si Nixon. Nakakapagtaka, ano ba ginagawa no'n sa CR? Naliligo?
Nixon's POV
Hinarap ko ang salamin sa CR at nginitian ang sarili ko. Sa gwapo kong 'to, iniiwasan ako ni Asher? Grabe, wala naman akong masamang ginagawa, Lord ah? Sa bigat ng nararamdaman ko, alam kong nagseselos ako. Alam ko rin na hindi dapat ako nagseselos dahil wala namang sapat na dahilan para magselos ako. Kasi nga mag best friend lang sila hindi ba? Assuming lang siguro ako.
Ilang minuto akong nanatili sa loob ng CR habang nag-iisip-isip, hindi ko alam anong gagawin paglabas ko sa CR, paano ako aakto. Paano na lang kung magkahawak na pala kamay ni Asher at Lance? Paano kung tumatawa si Asher dahil kay Lance habang wala ako? Paano na lang kung mas masaya pala si Asher kung hindi na lang ako sumama sa lunch nilang dalawa. Hindi! Si Jerie talaga may kasalanan. Paano, hinila pa niya ako.
Nang makalabas, ay tanaw kong nakain na si Lance at Jerie, habang si Asher ay hindi pa ginagalaw ang pagkain nito. Mula malayo ay tanaw kong may spaghetti at sundae sa pwesto ko. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong iwaligwig ang buo kong katawan.
"Ah... Sorry natagalan." Ani ko tsaka umupo.
"Buti tapos ka na. Kain na tayo. Hindi magandang may magsosolong magsimula kumain. Pinauna ko na 'yung dalawa." Ani Asher.
"Sino pala um-order ng pagkain ko?" Tanong ko.
Tumigil sa pagkain si Jerie at pinagpitik ang kaniyang daliri "Syempre si Asher, tinatanong pa ba yon." Tumaas ang kilay nito.
Sa sinabi ni Jerie ay hindi ko nang nagawang itago ang ngiti na nais ko nang pakawalan. Natunaw ang lahat ng kaisipang bumalot sa isip ko kanina nang lingunin ako ni Asher.
"Kumain ka na, Nix." Nginitian niya ako tsaka nagpatuloy sa kaniyang kinakain.
Nix... Bagay...
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Подростковая литература• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...