Chapter 8: Selos

340 53 3
                                    

Asher's POV

"Ano na namang nainom mo?" Kaagad kong tanong.

Sasagot sana ang binata nang nagsimula nang lumabas ang mga kaklase namin sa loob ng silid. Pumasok ako para kunin ang aking bag at kaagad ding lumabas. Ganoon din ang ginawa ni Nixon.

"Baby!" Tawag ni Nixon sa akin ngunit hindi ko ito nilingon.

Tumabi sa akin ang binata habang naglalakad palabas ng paaralan. Habang naglalakad ay hindi ko namalayan na nasa likod pala namin si Jerie kasama si Lance.

"Hoy!" Sigaw ni Jerie. "Anong gagawin niyo ha? Sama ako." Dagdag niya.

Napailing ako tsaka sinagot ito, "pupunta ako sa trabaho, kung gusto niyong gumala kayo na lang, tsaka na ako."

Pinagkrus naman ni Jerie ang kaniyang braso tsaka tumugon sa aking sinabi. "Andaya ha, sabagay..."

Umakbay sa akin si Jerie. "I'll go ahead na muna ah? Mauna na ako sa inyong tatlo." Pagkasabi niya ay nauna na itong lumakad palabas ng school.

"Matmat." Tumabi sa akin si Lance.

Pinaggigitnaan ako ng dalawang binata. Pansin ko ang mga matang nakatuon sa aming tatlo habang palabas ng paaralan. Mga babaeng nagbubulungan, kesyo ang pogi raw ng mga kasama ko. Ang ganda raw ng buhok, mukha, tindig, kulay ng balat.

Jusko, inyo na, mas gusto kong mapag-isa.

"Mauna na rin ba ako?" Tanong ni Lance.

Tumango ako. "Malamang, mauna ka na." Ani ko.

Tumango lang din ang binata at nagpaalam. "Sige-sige, kita na lang tayo bukas. Pogi mo, Mat."

Mahina itong natawa bago nauna sa paglalakad. Kumunot ang aking kilay. Ako? Pogi? Tsk.

Nilingon ko si Nixon. "Ikaw? Mauna ka na rin, pupunta pa ako sa trabaho."

Umiling siya. "Hintayin kita, puwede?"

Ngumisi ako bago siya sagutin, "anong hihintayin? Umuwi ka na lang para maaga kang makapagpahinga."

Muli itong umiling. "Gusto kita hintayin, para kasama pa rin kita. Please?" Pangungulit nito sa akin.

"Umuwi ka na, please?" Magiliw ko siyang nginitian.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga bago ngumiti at naunang maglakad.

Anong meron do'n?

Nauna nga itong maglakad, tinatamad akong habulin. Hindi naman ako nanghahabol. Hinayaan ko itong umuwi na, mas maganda rin para walang abala sa trabaho ko.

Huminga ako nang malalim at mag-isang naglakad papalabas ng paaralan. Nang makalabas naman ay kaagad akong sumakay sa tricycle para makapunta sa kainan nina Ninang Abba.

Narating ko ang restaurant tsaka kaagad na bumati kay Kuya Roston.

"Kuya Roston!! Ako na d'yan! Bihis lang ako!"

Tumungo sa akin si Kuya Roston na nahihirapan sa cashier. Ang daming customer. Ang saya!

Mabilis akong nagbihis para palitan si Kuya Roston sa kaniyang trabaho. Isa sa mga gusto ko sa tuwing nag t-trabaho ay ang pagiging cashier, tsaka ang mag serve ng pagkain sa customer.

Nang makabihis ay hinarap ko ang mga customer. "Good day! Welcome to Pagka-inn-an! May I take your order?" Magiliw kong bati.

Nakakapagtaka kung paanong naging masigla yata ako ngayong araw...

Kinuha ko isa-isa ang order ng customer para makaupo na sila sa kani-kaniyang puwesto para makapaghintay na lamang sa kanilang pagkain.

Laking gulat ko nang magtama ang mata namin ng sumunod na customer... Si Nixon.

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon