Chapter 30: MVP

187 25 10
                                    

Asher's POV

Gabi nang araw na iyon, hindi ako makatulog sa sobrang kilig. Hindi ko alam na ganito pala bigla ako sasaya sa oras na tanungin ako ni Nixon kung puwede siyang manligaw. Nakasandal ako sa aking kama habang paulit-ulit na pinapanood sa aking isip ang nangyari kanina.

Huminga ako nang malalim at napangiti. I never expected na seseryosohin pala niya na manligaw sa akin. Kinuha ko ang notebook mula sa aking drawer at nagsimulang magsulat nang gabing iyon, isinulat ko ang anumang maging laman ng isip ko.

At sa bawat talata, ikaw ang aking paksa.

Natapos ang gabing iyon na nakakalahati ako ng isang kanta. At nang nagpaalam ang buwat at ginising ako ng araw ay kaagad akong bumangon para maagang makapasok. Katulad ng nakasanayan ay naghanda ako ng umagahan para kina Cavs, Lola Nora, Michelle, at Sherwin.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang nagluluto.

"Ang lapad ng ngiti mo, Apo ah!" Masiglang bati ni Cavs sa akin tsaka umupo sa upuan.

"Hindi naman, Cavs..." Lumingon ako sa kaniya. "Maganda lang talaga gising ko."

"Oh eh bakit parang sobrang ganda naman ng gising mo? Para ka na ngang nanalo sa lotto eh." Bigla itong umubo.

"Cavs?" Lumapit ako sa kaniya. Kaagad akong nag-alala, hindi naman sakitin si Cavs at malakas pa naman siya. Kaya sa tuwing may ipakita itong bihira mangyari sa kaniya ay kaagad akong kinakabahan.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Tumango-tango ito at tinapik ang aking balikat. "Ayos lang ako," sagot niya sa akin.

"Sigurado kayo?" tanong ko ulit. "Wala naman kayong masamang nararamdaman, Cavs?" Dagdag ko pa.

"Oo ah, malakas pa ako ano." Nginitian niya ako. "Sige na tapusin mo na niluluto mo r'yan mamaya mahuli pa kayo sa pagpasok."

Sinunod ko ang sinabi ni Cavs. Nagluto ako, sabay kaming kumaing dalawa at pagkatapos ay naligo at naghanda para sa pagpasok. Habang inaayos ko ang aking gamit ay tumunog ang aking telepono. Kinuha at binuksan ko ito para tignan kung bakit ito tumunog.

Nixon: See you in school, Baby.

Hindi ko naiwasang mapangiti. Nilagay ko sa bag ko ang camera, telepono, at notebook na puno ng sulat tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Pagkatapos no'n ay kaagad akong bumaba, hinintay ang aking mga kapatid at kaagad ding umalis para makapunta sa School.

Nang makarating sa School ay nasa harap ng gate si Nixon, naghihintay. Malapad niya akong nginitian at inalok ang kaniyang kamay sa akin.

"Baka may makakita, Nix." Bulong ko sa kaniya.

"Oh bakit? May mata sila." Sagot niya sa akin.

"Hindi ba masyado tayong mahahalata kung tanggapin ko iyang kamay mo tapos mag-holding hands tayo?" Tanong ko sa kaniya.

Bumulong siya sa akin, "Baby, I don't care about them. I want them to see the reason why I am always happy."

Nginitian niya ako at muling inalok ang kaniyang kamay sa akin. Tinanggap ko ito at sabay kaming naglakad papunta sa room kung saan gaganapin ang first sport, billiards.

Kagaya ng aking inaasahan, marami akong narinig na nagbubulungan.

"Yak, bakla pala si Nixon? Sayang ang pogi pa naman niya 'di ba?" Dinig kong bulong ng isang babae.

"Oo bes, sayang ang pogi niya tapos bakit ganiyan kasama niya? Ano kaya nakain niya?"

"Beh, baka naman nilalaro lang ni Nixon 'yung kasama niya. Saan ka nakakita ng ganiyan kapogi, papatol sa ganiyang tao? Eh 'di ba mahirap lang iyan? Nakikita namin iyan lagi sa resto eh."

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon