Chapter 28: Half-brother

202 32 9
                                    

Nixon's POV

I woke up early in the morning with a smile painted on my lips. Kaagad akong bumangon sa aking kama at binati kaagad ako ni Agnes. I'm kinda glad that Mom and Dad already left for work.

I took my phone from my side table and chatted Jerie.

"Ready na ba lahat para mamaya?"

I hit send.

Habang pababa ay tumunog ang aking cellphone.

Jerie: Ready na, Boss. May bayad to ha. Don't forget. :p

Napailing ako. Kung hindi ko pa ililibre si Jerie ay hindi pa niya ako tutulungan sa balak kong gawin. I did my morning rituals, and left home.

Asher's POV

6:43 AM

Tapos na kaming tatlong magkakapatid at handa nang pumasok, nagpaalam na rin kami kina Cavs para makaalis na. Maliit na bag lang ang dinala ko, na paglalagyan ng camera dahil buong araw naman akong nasa labas dahil kailangan ko ngang kumuha ng mga pictures for this year's intramurals.

Ilang minutong biyahe ay narating na rin namin ang School. Binigyan ko ng baon sina Michelle at Sherwin at kaagad namang tumungo sa kanilang classroom nang magkasama. Mag-isa akong pumasok ng school.

Punong-puno ng buhay ang buong paaralan pagdating pa lamang sa mga venue ay sobrang ganda na! Dumagdag pa rito ang mga suot ng mga estudyante na uniform colors according to their grade level, ang iba naman ay suot na kaagad ang pina-print nilang t-shirt na dapat ay sa ikatlong araw pa isusuot kung hindi ako nagkakamali.

Halos lahat ng estudyante ay nasa labas ng kanilang classroom, pansin ko habang papunta ako sa aking classroom ay iba sa mga estudyante ay nanatili sa loob ng kanilang silid. Ang iba naman ay nakatambay sa labas at nakaupo, nagkukuhanan na ng pictures.

Ang iba ay nasa court na, nag r-reserve na ng kanilang pwesto para maganda ang pwesto habang manonood ng sports.

Monday: Badminton at Volleyball.

Nang marating ko ang classroom ay hindi ako nakapasok... nakalock ang classroom. Dapat nakabukas ang classroom eh.

Naupo ako sa sahig at sumandal sa pinto at sa lakas nang bigla kong pagsandal ay may nahulog na sticky note. Marahil ay hindi ko napansin na nakadikit pala iyon sa pinto. Paano, green na nga 'yung pinto, green pa 'yung sticky note.

'Will open by 3:30 PM, Be at the court. Bawal ang nasa classroom.'

Napailing ako at kaagad ding tumayo para bumalik sa court. Gusto ko pa naman sanang sa room muna dahil mamaya pang 9 AM ang start ng badminton, pagkatapos pa no'n ay siguradong hindi saktong 9 AM ang start ng game.

May opening program pa. Ang dami pang mangyayari. Tsk.

Habang papunta sa court ay may nakasalubong akong binata na putikan ang shirt.

"Ayos ka lang?"

Lumapit ako sa kaniya para tignan kung anong nangyari. "Ayos lang, nadapa lang ako," sagot niya sa akin.

"Anong nangyari at bakit ka naman nadapa?" Tinulungan ko siyang pagpagin ang putikan niyang shirt.

"May dumanggi lang sa akin. Hindi ko kilala kung sino, pero babae siya. Mukhang bago dito Kuya eh, hindi ko rin kasi nakikita, hindi naman ganoon kalaki school natin," paliwanag niya.

Sinamahan ko muna siyang maupo sa bench para maayos ang kaniyang damit.

"May dala ka bang pamalit?" Tanong ko sa kaniya.

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon