Asher's POV
"Since Nixon is new here. As usual, we're going to ask him the same question na tinanong ko sa inyo one by one from day one." Pahayag ni Ma'am Paola.
"Nixon, before I ask you. I would like to inform you that, my favorite answer that day was Asher's. If you get to beat his answer, I'm going to give you plus points agad-agad, charot lang..." Dagdag ni Ma'am Paola.
"You ready?" Tanong nito.
"Ready, ma'am."
"Okay, for my first question..." Saglit na tumigil sa pagsasalita si ma'am Paola. "What's the first thing that comes to your mind when you hear the word 'music', Nixon?"
"Si Asher po..." Nagtilian ang lahat ng nasa loob ng music room. "Joke lang ma'am." Bawi niya sa kaniyang sinabi.
"Sayang, ganda na sana ng sagot mo binawi mo pa. Joke lang din." Saad ni Ma'am Paola.
Lumingon si Ma'am Paola sa akin at nagsalita. "Ikaw naman, Ashy. Huwag masyadong kiligin, humahaba buhok mo ah."
"Ma'am naman, aga-aga ganiyan ka sa akin." Tugon ko kay Ma'am Paola.
"Sus, gustong-gusto mo rin naman." Singit ni Zia.
Si Zia, isa sa mga babae sa buong na hinahangaan ng lahat sa ganda niya. Mahaba at laging rebonded. Matangkad at maputi, she's literally the ideal girl of every basketball player in the school. They're the kind of cheerleader girl they want to see in the bleachers.
"Okay... back to the question." Ani Ma'am Paola tsaka binaling ang atensyon kay Nixon. Alam niya kasing hindi kami lagi magkasundo ni Zia dahil sa magkaiba naming ugali at opinyon sa maraming bagay.
Ngumiti sa akin si Nixon bago sagutin ang tanong. "I guess the first thing that comes in my mind for that word is Love..."
"Love comes in many forms, and so does music. Love can make you feel as if you're the happiest man in the world, the same as it can make you feel the the most miserable person..." Dagdag ni Nixon at bahagyang lumingon sa akin bago tumuloy sa pagsasagot.
"Love is all about different emotions, and so does music. That's all, ma'am." Pagtatapos niya.
Napatitig ako kay Nixon. Ang gaan ng pakiramdam ko sa pagsagot niya, parang kilala ko na siya, parang narinig ko na 'yung boses niya. Hindi ko lang alam kung saan.
Nagpalakpakan ang buong klase, pati na rin si Ma'am Paola. "Well, I'll give that a ten. And for the record Nixon ha... Parehas kayo ng sagot ni Asher." Ngumisi si Ma'am Paola.
"Second and my last question for you mister Castro before we proceed to our class. Have you ever been in love?" Tanong ni Ma'am Paola.
Mahinang natawa si Nixon. "Ma'am, is that question relevant to our subject?" Tanong niya dahilan para mapangiti ako.
"No, but my second question will always depend from the your answer on my first question." Pormal na tugon ni Ma'am Paola.
Tumango si Nixon.
"Yes ma'am. I've been in love before."
Parang may tumusok na karayom sa puso ko dahil sa sinagot niya. Siguro ay iniisip kong never pa siya na in love. Napaisip din ako, bakit ba ako naaapektuhan, wala namang kami. Wala rin naman siyang gusto sa akin, nakikipag trip lang siguro.
Nagtilian muli ang buong classroom. Pati si Ma'am Paola ay napangiti sa sagot ni Nixon. Paano nga naman, sobrang gwapo ni Nixon, at siguradong ang suwerte ng babaeng iyon.
Napailing ako sa laman ng isip ko... Bakit ba iyon laman ng isip ko?
The class continued smoothly. Pansin ko na parang wala ako sa sarili kong wisyo. Parang ang bigat pa rin sa dibdib, naririnig ko sa isip ko 'yung mga sinabi ni Nixon.
Para ring sobrang bagal ng oras dahil sa nangyari na iyon. Si ma'am Paola kasi eh. Daming pakulo lagi.
Nang matapos ang klase ay nagpaalam ako kay Nixon na pupunta ako sa CR at magkita na lang kami sa classroom. Dalawang class na lang din naman, lunch na. Makakahinga na ako.
Nixon's POV
Almost everyone left the room except for me and Ma'am Paola. She asked me to stay dahil daw may ibibigay siya sa akin. Habang hinihintay ko si Ma'am Paola sa music room ay napaisip ako kung ano ibibigay niya. Weird.
Habang wala si ma'am Paola ay nilibot ko ang buong music room, at napatigil ako sa mga CD na nakita ko. Ang dami, at isa lang nakakuha ng atensyon ko. Hindi na ako nakapagsabi at binuksan ko ang DVD player.
Nilagay ko ang CD at laking-gulat ko nang kaninong boses ang aking narinig... kay Asher.
Ilang taon na rin pala ang lumipas
Hindi makapaniwalang doon magwawakas
Akala ko tatagal ang bawat alaala
Aalis ka rin palaHindi mo man lang ako sinabihan
Hindi ko man lang napaghandaan
Hindi man lang nakapagpaalam
Kaya siguro patuloy pa ring nasasaktanHabang patuloy ang pagkanta ni Ashe mula sa CD, hindi ko matukoy kung para kanino niya isinulat ang kantang 'yon. Kung kanino man, sigurado ako sa isang bagay. Nasaktan niya si Asher.
Bigla namang pumasok si Ma'am Paola. Nakita niya ang aking ginawa at narinig kung sino ang kumakanta dahilan kung bakit nanlaki ang kaniyang mata.
"Lagot ka kay Asher!" Bungad niya agad sa akin.
Kaagad ko namang itinigil ang pakikinig at nagtanong, "bakit naman po ma'am?"
"That song is his original composition na sinulat niya nung nawala 'yung mama niya."
SHITTT. AKALA KO TUNGKOL SA EX NIYA!
Napalunok ako.
"Ayaw niyang may makakarinig niyan, ako pa lang nakakarinig niya... tapos ikaw."
"Magagalit po ba sa akin si Asher ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Paola.
"Ewan ko..." Kuwelang sagot sa akin ni Ma'am Paola.
MA'AM PAOLA NAMAN EH!
Napabuntong-hininga ako tsaka napailing. That song sounded so sad, it truly sounded like a heartbreak. I can't imagine what Asher's been through, losing his mother.
All I know, is Asher's emotion is fragile, and something to be taken care of.
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Novela Juvenil• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...