Chapter 29: Shooting Stars

171 27 6
                                    

Nixon's POV

Pagkatapos magkwento ni Asher ay kaagad ko itong niyakap at pinatahan sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ramdam ko 'yung sakit niya. It feels like when he gets hurt, nasasaktan din ako.

I combed his hair as he slowly dries up his tears. Then kissed his forehead, I help his chin up while facing me. I badly want to kiss him but I don't want to take advantage of his vulnerability.

I'm falling for you, Velasco.

Napalunok ako. As I was hugging him, I can feel my pants tighten. Napailing na lang ako sa sarili ko, why betray me now, self?

Asher's POV

Pagkatapos nang nangyari sa garden ay sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Kalmado na ako, waka na akong masyadong iniisip, naging normal na ulit ang galaw ko. I wonder what Nixon did to me that in a short span of time nagawa niyang baguhin ako.

He changed me in a way that, I became comfortable with him too much that... I'm scared of losing him at some point.

Nakatapos na kaming mag-lunch dalawa, at nanonood na ng game. Ang kanina ko pang pansin ay sobrang likot nito. Para siyang kiti-kiti, kanina pang gumagalaw ang kaniyang tuhod kung saan-saan. Kung saan-saan din ito tumitingin.

"Hoy, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin tsaka ngumiti. "Ano iyon, Baby?"

"Wala, bakit parang kinakabahan ka?"

"Ha..." Lumingon-lingon ito sa paligid. "Sinong kinakabahan?"

Napanganga ako. Anong nakain nito, parang sinapian.

"Ikaw malamang, kanina ka pang galaw nang galaw parang kang may iniisip na ewan," saad ko.

"Hmm..." Saglit itong tumigil. "I'm fine, Baby. Init lang dito sa court. Wanna go somewhere?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa aking relo, 3:12 PM na. Malapit nang magbukas ang classroom. Napaisip ako na maganda ngang umalis na muna kami sa court, hindi ko rin naman gusto ang sport.

"Tara, Nix. Punta na lang tayo sa room, mas maganda pa roon." Tumayo ako sa aking kinauupuan at kaagad namang sumunod sa akin ang binata.

Nang makaalis kami sa court ay pansin kong parang may iniisip pa rin si Nixon. Magkatabi kaming naglakad, nakakapanibago dahil hindi ito madaldal. Kinuha niya ang kaniyang telepono, pansin kong nag-type ito kaya kaagad kong inisip na, baka may kausap siya o may kakilala siyang nasa school.

Or baka, may tao siyang iniiwasan na nasa school. Tsk, ano ba 'tong iniisip ko.

Nang malapit na kami sa classroom ay tumigil sa paglalakad si Nixon at sinabi. "Una ka na roon, Baby. Iihi lang ako." Paalam niya.

"Hindi na sasamahan na kita para sabay tayong—" Hindi ako nakatapos sa aking sasabihin nang sumingit siya.

"Nah, Baby. Mauna ka na sa room, susunod na lang ako, baka matagalan din ako eh." Malapad itong ngumiti sa akin.

Tumango-tango na lamang ako, umiiral na naman pagiging weird niya. Nasa isip ko ay, baka may kikitain siya sa school? O may kaibigan siyang pupuntahan sa school, siguro iyong kausap niya sa phone kanina.

Iniwan na ako ni Nixon sa gitna ng hallway. Nakasimangot akong naglakad papunta sa classroom. Nang marating ang classroom ay napatanga ako sa bumungad sa akin. Bukas na ito, at puno ng decorations. Kanina naman wala iyon ah?

Ang daming nakatiklop na papel sa pisara. Iba't-ibang kulay, ang dami ring nakadikit na rosas. May mga nakasabit na palamuti sa dingding, may mga lobo pa.

Dapit-Hapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon