Nixon's POV
"Jerie, Dad ba iyon ni Asher?" Tanong ko kay Jerie.
She gave me a nod. "Yeah pero he rarely talks about him. I actually don't know much nga e. I only saw his face at kamukhang-kamukha nung nasa stage kanina."
I looked for Asher everywhere but I can't seem to find him. Nakababa na dapat siya ng stage pero wala pa rin siya. Bumilis ang tibok ng aking puso, I immediately thought of looking for him. I'm starting to get worried already.
Asher's POV
Tumakbo ako papunta sa garden. Hindi ko alam... hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naiiyak na ako, sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Nanlamig ang kamay ko.
Lahat-lahat ng masasakit na alaala bumabalik sa akin. Lahat ng bagay na ginawa niyang nakasakit sa akin, sa amin, lahat nang iyon bumabalik sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Biglang bagsak ng buong katawan ko sa upuan nang makarating na ako sa garden ng school. Gulong-gulo ang aking isipan. Magpapakita na lamang siya nang ganoon kadali na akala mo wala siyang ginawa na nakasakit sa amin. Tapos ano? He'll tell me to stay away from the person that I love.
Napasandal ako sa sandalan ng upuan nang biglang bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigalan. Para na naman akong batang nadapa sa sobrang paghagulgol. Sobrang sakit sa pakiramdam, sobrang bigat sa pakiramdam ng lahat.
I pulled back all the tears when I felt that there was someone in front of me... Lance.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.
Tinabihan niya ako. "Narinig ko pinag-usapan niyo kanina. I'm sorry."
Hindi ko siya tinugon. Nanatili akong deadma sa kaniya. Tahimik at parang patay.
"So..." He broke the silence. "Mahal mo na ba si Nixon?"
"Why are you asking me that?" balik kong tanong sa kaniya.
"I don't know if this is the perfect moment but I wanted to tell you for a long time now that I love you." Lance took a deep breath and sighed.
"Dapat matagal ko nang sinabi sa iyo lahat ng ito pero naduwag ako. I'm scared of what might people would say especially my parents," dagdag niya.
"Lance, itigil mo 'yan puwede ba? Huwag ngayon. Don't be so selfish. Ayaw ko nang dagdagan kung ano pang meron ako sa ngayon," tugon ko naman sa kaniya.
"Yeah I'm sorry..."
I turned my gaze to him. I was about to say something, kaso inunahan niya ako.
"I just wanted to know if you loved me noong mga oras na mahal kita..." He looked at me straight in the eye.
I sighed and closed my eyes. I did my best to keep my emotions intact. Alam ko sa sarili ko kung gaano kalakas, at alam kong kaya ko pa.
"Yes I did." Maikli kong sagot.
"Pero I don't want to lose our friendship. I didn't want to lose you as my friend so I didn't say anything. Alam ko rin sa sarili ko that even if you like me back we aren't going go work either way, Lance," paliwanag ko sa kaniya.
"Ngayon naman I really just want us to be friends. And yes, mahal ko na si Nixon," pag-amin ko.
"Matagal-tagal na rin simula noong magustuhan ko si Nixon tsaka halata niyo naman siguro iyon. Hindi ko alam kung paano niya ako kaagad nakuha nang ganoon pero malinaw na sa akin ang lahat, Lance. Mahal ko 'yung tao kaya gusto kong ingatan kung anong meron kami sa ngayon. To be honest maganda nga kung makapag-usap kayong dalawa para hindi kayo awkward dalawa."
"Now can you let me breathe?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang siya. He sat closer to me and hugged me.
"Sorry, Matmat. Hindi ko sinasadyang maging makasarili. Tsaka susubukan ko na ring kausapin iyang si Nixon." He tapped my shoulders.
"If that man can make my best friend happy then I will be there to support the two of you." He gave me a genuine smile.
I leaned my head on his shoulders and did my best to calm down. At some point, I wish I made it clear to Lance that all I want is for us to be friends.
"So friends pa rin tayo 'di ba?" tanong niya.
Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya tsaka sumagot. "Sobrang random mo rin talaga minsan e 'no? Malamang kaibigan pa rin kita. Kasasabi ko lang na ayaw ko ngang mawalan ng kaibigan 'di ba?"
Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Pagkatapos no'n ay muli akong sumandal sa kaniyang balikat.
Nixon's POV
Nang hindi ko mahanap si Asher ay pumunta ako sa huling lugar na posible niyang puntahan. Pumunta ako sa garden at nakita ko si Asher at Lance na magkasama. It felt like my heart was about to break but I endured and listened to their whole conversation.
My heart that was about to break then melted when I heard what Asher said about having me. Pagkatapos kong marinig ko, that's when I realize I had to keep him safe at all times. Hindi ako papayag na mawala sa akin si Asher.
Ayaw kong mawawala sa akin si Asher. It's been a long time already ever since I met him, and not that I him by my side hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.
Slowly I went inside the garden. Kaagad na umalis si Asher sa pagkakasandal kay Lance tsaka tumayo. Natawa ako sa reaksyon niya.
"Hey, Baby." I went near him and locked him inside my arms.
He hugged me back and lay his chin onto my shoulder. "Baby."
Lance stood up from his seat and tapped my back. "Alagaan mo best friend ko ha. Don't hurt him."
I gave him a nod. "Of course I won't."
"I'll leave you two love birds. Take care."
Lance left the garden with a smile.
I hugged my baby even tighter then gave a kiss on his forehead. "Gusto mong magkwento, Baby?"
He gently scratched my back like he wants to relieve his stress and that's what he did. "Yakap muna, Baby. Thank you for being here. Sorry hindi ako nakapagpaalam kaagad na pupunta ako rito," pahayag niya.
I combed his hair. "No need to explain, Baby. I understand. Kwento ka kapag handa ka na..."
"Makikinig ako."
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Teen Fiction• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...