Asher's POV
Ilang araw ang lumipas, lamay na ni Cavs. Maraming tao ang nakiramay. Maraming tao ang dumalaw para kay Cavs. Ilang araw akong nanatiling gising at nanatili sa kaniyang tabi.
Laking pasalamat ko na lamang na sa mga oras na iyon ay nandoon si Papa hindi lang para sa akin, ngunit para sa aking mga kapatid at para gastusan at bigyan ng magandang libing si Cavs. Huling araw na ito ng lamay, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Cavs. Ilang araw na akong hindi umiiyak dahil sa tuwing tinitignan ko siya ay parang natutulog lamang ito. Hindi pa rin kayang gawin ng aking isip na tanggapin ang lahat ng nangyari.
Si Jerie at Lance ay dumadalaw rin para samahan ako. Sa umaga ay pupunta si Jerie para tulungan sina Tita Cora sa paglilinis. Si Lance naman ay sa gabi. Si Apollo ay pumunta rin, gusto niya raw akong makasama ngunit hindi ko maramdaman ang kagustuhang makipag-usap sa kahit kanino.
"Kuya," tawag sa akin ni Apollo.
Inabutan niya ako ng tinapay na may palaman sabay ngumiti. "Kain ka raw, Kuya. May nagpapabigay." Akmang aalis siya ngunit pinigilan ko ito.
"Sino nagpapabigay?" tanong ko.
"Huwag ko raw sabihin pangalan ni Kuya Pogi eh." Ngumiti siya sa akin at umalis na.
Sunod-sunod nang mga araw na may nagpapabigay ng tinapay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa taong iyon o maiinis ako sa kaniya. Kinain ko ito at binuksan ang aking telepono, hindi ko pa rin binabago ang wallpaper ko. Litrato pa rin namin ni Nixon kaya't sa tuwing bubuksan ko ito ay naaalala ko siya.
Sana nandito ka...
Sumapit ang Gabi at dumami lalo ang tao dahil huling lamay na ito ni Cavs. Naging abala kaming lahat sa mga bisita kaya hindi na ako nakatulog nang gabi na iyon.
Nixon's POV
"Dad." Tinawag ko si Dad nang makababa sa hagdan. Kadarating lang nito I didn't expect he'll be here.
"Aren't you supposed to leave nung isang araw pa? Bakit hindi ka pa umaalis?" Dumiretso siya sa kusina.
"Dad, I don't want to leave. I want to stay." Sinundan ko siya sa kusina at naupo.
"Is this about Asher?" tanong niya sa akin.
I nodded and told him, "I love him, Dad. And I don't care what people might think of me just because I love someone with the same gender."
Naupo siya sa tabi ko. "You know it was your Mom who convinced me to go here and talk to you. She's been worried about you."
"What did she say?" I asked.
"She told me to let you love who you want to love. Abigail even said it too. So I'm here to ask you..." He looked at me straight in the eye and ask, "Do you love Asher?"
"I love him, Dad. After that dinner I felt like I'm not myself anymore. Time seemed to be so slow. I want to be with him, Dad. I know you're not supportive this but please atleast accept and respect me as your son. Asher makes me happy, and I love him so much. And now is the time he needs me the most."
Dad stood from his chair and hugged me. "I'm sorry for what I did, Son. I'm sorry. Dad is here now. What can I do?"
"Help me, Dad."
Asher's POV
Araw ng libing ni Cavs. Inayos ko ang suot kong polo at naghihintay na sa akin sa baba sina Papa, Apollo, Michelle, at Sherwin. Kagabi sa huling lamay ay sinabi ni Papa na binili niya ang luma naming bahay para roon kami manatili kasama sina Tita Cora.
Si Apollo ay tuwang-tuwa dahil makakasama niya si Michelle at Sherwin. Aaminin ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa kisame at bumulong, "salamat sa lahat-lahat, Cavs." Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata.
Huminga ako nang malalim bago lumabas. Naghihintay na ang lahat. Bago kami lumabas ng bahay ay niyakap ko muna si Papa at ang aking mga kapatid. Kumuha kami ng huling mga litrato kasama si Cavs.
Habang naglalakad papunta sa Simbahan ay tumabi sa akin si Tita Cora. "Sigurado ako hindi iyon magpapahinga." Si Cavs ang tinutukoy niya.
"Babantayan ka pa no'n mula sa malayo," saad niya sa akin.
Si Lola Nora naman na nasa tabi ko ay umakbay sa aking braso. "Alam mo Asher, sobrang saya namin at ikaw ang naging apo namin ni Cavs. Sobrang saya."
Inakbayan ko si Lola Nora at nagpakawala ng isang buntonghininga. Nang marating ang Simbahan ay naggawad ng isang misa ang pari bago namin tuluyan ihatid si Cavs sa kaniyang pahingahan. Papunta sa Sementeryo ay nagsimula nang umiyak ang mga nangulila kay Cavs.
Hindi ako umiyak, sa mga oras na ito ay ayaw ko nang umiyak. Sigurado akong hindi magugustuhan ni Cavs na sa oras na ihatid ko siya ay naiyak ako. Nanatili akong matatag hanggang sa aking makakaya at pinatatag ang loob nina Sherwin at Michelle, lalo na si Lola Nora.
Si Sherwin ay umiyak nang sobrang lakas at nagsumamong gisingin ang kaniyang Lola at sabi nito'y natutulog lamang siya. Totoo nga, tila natutulog ka lang, Cavs. Sana sa pagpikit ko muli ng aking mga mata ay ikaw ang bumungad sa akin.
Natapos ang libing ay sinabi kong nananatili muna ako rito para magpahangin. Nang mag-isa na ako ay huminga ako nang malalim bago isara ang aking mga mata. Sa pagpikit ko ay nakita ko si Cavs.
Magkasama kaming dalawa at nagluluto kami sa kusina ng paborito naming putahe. Magkalaro kami sa pagluluto at tila magkaibigan lamang ang turingan namin. Pagkatapos kong magbalik-tanaw sa nakaraan ay tsaka pa lamang bumuhos ang mga luha.
Niyakap ko ang aking sarili nang sunod-sunod na ang pagpatak ng luha. Napaluhod na lamang ako sa lupa kung saan inilibing si Cavs.
"Cavs, hindi ko kayang wala ka..."
"Bisitahin mo ako sa panaginip ko ha..."
"Yakapin mo ulit ako sa panaginip ko..."
Hinaplos ko ang lupang pinaglibingan ni Cavs. Bigla akong nagulat nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko.
"Baby, I'm here. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Dapit-Hapon
Teen Fiction• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Masipag, matapang, matibay, matalino, at madiskarte... ilan lamang iyan sa mga bagay na maaring gamitin...