03

1.3K 8 2
                                    

****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****

"Klaus dali na! Nandito na ang mga cousins mo!" sigaw ni Mama.

I sighed. Bakit ako pa ang gagawing Santa ngayon!? Binuksan ko ang pinto at nakita si Kuya Nik na natatawang tinitignan ang ayos ko. Napailing ako sa kanya.

May mga cousins kami na bata at naisipan ni Mama na maging mascots kami, dahil bumili pa talaga sila ng Santa costume tapos si Kuya Nik naman ay reindeer. Kulang nalang ay may balbas ako, pero mas mabuti naring wala nakakahiya na kayang mag suot ng costume! Kahapon pa'to sa bar tapos ngayon ito parin!

"C'mon Santa!" aya ni Kuya Nik, inakbayan niya ako habang pababa kami sa sala. Nasa sala na ang iilang bata. Humiyaw sila ng makita kami ni Kuya Nik.

"Hohohooo Merry Christmas!" sigaw ni Kuya. Papansin siyang humawak sa kanyang tiyan habang tumatawa na parang si Santa.

Oh diba, dapat siya nalang naging Santa kung ganito din naman ang gagawin niya.

"Santa!!" Sigaw ng mga bata.

I feel exhausted playing games with the kids. Hindi sila nawawalan ng energy. Si Kuya Nik naman ay pinapasakay sa likod niya ang iilang bata ng sabihin sa kanya na dapat daw ay sumakay sila sa likod niya dahil siya si Rudolph the red-nosed reindeer.

"Santa, wish ko po buhatin niyo ako!" Matinis na sigaw ng isang batang babae. Binuhat ko siya pataas kaya tawa siya ng tawa, nang makita ng ibang bata ay gusto rin nilang gawin ko iyon sa kanila.

Goddamn, this is like a work out routine ilan ba timbang nila!? Akala siguro nila magaan sila purkit bata.

"Wait! I need to go to my room." sabi ko. I need to rest nakakapagod na.

"Kuya, ikaw muna dito."

"Oh no. Nakakapagod na. Wag mo akong iwan!" bulong niya ng madiin. Para siyang nabagsakan ng langit at lupa dahil sa pag alis ko. Bahala siya dun. Pagod na ako! Okay lang sana kung may bayad pero wala!

I exhaled in exhaustion ng makahiga ako sa kama. I unbuttoned my polo. Ang init kasi.

Ipinikit ko ang mata ko nang bumukas ang pinto ng kwarto. Not minding who it was. Baka si Kuya Nik lang ay nanatili akong nakapikit. Napakunot ang aking noo ng marinig ang isang takong at ang pag galaw ng aking kama, hudyat na umupo siya dito.

I smelled a very familiar scent. The scent that once got me crazy. It triggers so many memories. So nostalgic. It lingers in the air like telling me to open my eyes and see to confirm my delusions.

"Santa..." Sambit ko habang tinitignan kung sino ang nasaharap ko ngayon. Nakangiti habang nakatingin sa akin. Santa Celestine Guevara is in front of me!

"Yes, Klaus? Do you miss me?"

Totoo siya?! She's real. Totoong nasaharap ko na siya. Ni hindi ko maialis ang tingin sa kanya dahil takot ako na baka mawala siya.

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon