Wakas

250 5 0
                                    

****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****

"Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong wala na si Papa, Santa." aniya.

Klaus Martin Fuento. My dream boy. Sobrang lapit ngunit sobrang hirap na maabot.

Nakasandal siya sa aking balikat. Mabigat sa dibdib na makita siyang sobrang lugmok sa pagkawala ng kanyang Papa. Namatay si Tito Bernard sa sakit na stage 3 cancer. Tita Selene is in great pain dahil sa pagkawala ni Tito.

Nasa bahay kami nila Klaus. May mga ibang tao rin na pumunta para makiramay. Naka upo kami kaharap ang kabaong sa harap ng bahay nila. Puno ng puting bulaklak ang paligid. Madaming nagmamahal kay Tito.

Ang kanyang mga kasamahan sa pagiging engineer ay nagpapadala ng mga bulaklak, kaya iba't ibang bulaklak ang nasa paligid ng bahay.

"Gusto kong maging engineer dahil sa kanya... He promised to be with me at my graduation, Santa."

Naiiyak ako sa sinabi niya, pero tinatagan ko ang sarili. Hinagod ko ang likod niya. It must have been really painful for them to witness the death of their beloved father.

"Andito lang ako, Klaus. I'll witness every event in your life. At ako ang pinaka malakas ang palakpak 'non."

Malakas akong napahagulhol. Malaki ang kasalanan ko kay Klaus. Hinagod ng aking daliri ang mukha niya sa picture. Malawak ang kanyang ngiti habang nakasuot ng toga.

I am so selfish. Hindi ko man lang tinupad ang sinabi ko sa'yo na kasama mo ako sa bawat pangyayari sa buhay mo.

Natakot ako na baka ipagtabuyan mo ako kapag nalaman mo ang ginawa ko sa'yo. I'm so sick of doing that to you and to your girlfriend.

Paano ko nagawa yun, knowing you have a girlfriend!?!

I cut all my connection to him. Lahat ng social media ko ay deleted na. Kinain ako ng konsensya ko ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali na nagawa ko. At hanggang ngayon ay ganon parin. I don't know how can I overcome it.

"Babalik kami sa pilipinas next month, don sana ta'yo magpapasko" Nasa hapag kami at kumakain ng sabihin iyon ni Dad. Tumingin ako kay Ate Evangeline, nagtama ang mga mata namin.

"Gusto niyo bang sumama?" ani Mama.

"Don't know." Sambit ni Caleb. Ate Evangeline just shrugged.

"Ikaw, Santa?"

Hindi ko alam. Wala akong masagot. Kaya ko na ba na makita ulit si Klaus? Alam ko na wala na siyang girlfriend pero takot parin ako na magkita kami dahil sa guilt ko.

"Hindi po ako sasama." pinal ko na pahayag. 

"Ganun ba? Sayang naman at sa dalawang taon natin na nagpasko sa U.S ay iba talaga pag sa pinas na. Mas masaya ang pasko 'ron."

Wala sa sarili akong napatango sa sinabi ni Mommy. I can't. Hindi ko kaya na makita ulit si Klaus.

Ilang araw nalang ang bibilangin at aalis na sila Mom at Dad kasama si Caleb sa pinas. Si Ate ay hindi daw sasama dahil wala akong kasama rito. May trabaho na rin siya kaya napagdesisyonan niya na hindi nalang din sasama.

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon