19

213 4 0
                                    

****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****

"You waited?" tanong ni Santa. Magkatabi kami. Tanging kumot lang ang takip sa hubad naming katawan.

We talked about the days when we started to realized that we like each other. At dumating kami sa pag-uusap kung saan naghintay ako na sumulat siya pabalik sakin.

"Yes. I did." sagot ko. I watched our intertwined hands above the blanket. Nagmistulang sabik ako sa mga ginagawa namin na, ngayon na mukha kaming may relasyon.

This is beyond my imagination. Her soft skin with mine. Iyong kamay niya na gusto ko lang hawakan ay malaya ko ng nahahawakan ngayon. Dumako ang tingin ko sa kanyang labi. Ilang ulit ko bang gustong makita at mahalikan ang mga labi na iyan noon.

Bumuntong hininga si Santa. Lumipat ang tingin ko sa mga mata niya. " I'm sorry. Ang sabi ko nga. Takot ako. Nabasa ko lahat ng sulat mo pero, I don't have the courage to reply back." aniya.

Napatango ako. " I understand. Akala ko lang umalis kayo sa address na iyon kaya hindi ka nakapag sulat."

"No. Iyon parin ang address namin sa U.S." tumagilid siya ng higa para humarap sa'kin. Nagkatinginan kami. Hinawakan niya ang pisngi ko at dinama ito.

"I'm sorry kung na feel mo na baliwala ang effort mo sa'kin. Actually every week akong nag-aabang ng sulat mo dahil para sa ganung paraan parti parin ako ng buhay mo. I really appreciate it, Klaus. And I'm sorry if you feel that it doesn't matter to me, because it does matter to me. You matter to me, Klaus."

May nagbabadyang luha sa mata ni Santa habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Her eyes sparkled, reflecting the light of the lamp beside us.

Hinalikan ko ang noo niya. "It's okay. You don't have to feel sorry. Ginawa ko yun dahil yun ang gusto ko. Kahit hindi ka nagrereply ay palagi parin akong nagsusulat dahil naging parti na yun ng buhay ko, Santa." 

Hindi ko man aminin noon ay malaki na ang naging parti niya sa buhay ko. Mula noon hanggang ngayon. Kaya nang masabi niya ang nararamdaman sa mismong tabi ko ay parang nawalan ng isang malaking tinik sa aking dibdib.

Our breathing feels slow. Na bawat paghinga namin pareho ay nagkakasabay. Sabay ng tibok ng aming puso. It feels so cliché but I feel at peace right now.

"Kaya kahit ganun ay wala akong ibang iniisip kundi ay masulat ko at masabi sayo ang takbo ng araw ko. It feels normal na gawin 'yon. Iyan din naman ang ginagawa ko nung magkasama pa ta'yo. At kung mimsam ay hindi ko nagagawang magsulat ay parang may kulang sa araw ko." muli kong sabi.

"2 years akong wala. Hindi ako nakapunta sa graduation mo sa college. Sobrang nasaktan ako nun. Iyon ang gusto mong makita ng Papa mo. Kaya nung makita ko ang graduation picture mo kasama ang sulat mo, umiyak ako ng sobra sobra. Nangako ako na kasama mo ako sa araw na iyon pero... wala ako." tuluyan ng lumuha si Santa. I quickly wipe her tears away.

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon