17

224 3 0
                                    

****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****

"Santa!" Tawag ko. Matapos kong bayaran ang pinagkainan namin ay sinundan ko agad siya. Nakatatalikod siya at hindi ako pinapakinggan sa patuloy ko na pagtawag sa pangalan niya.

May iilan din na tao ang tumitingin sa gawi namin dahil dun, which I don't give a fuck.

Nakarating kami sa villa. Padabog niyang binuksan ang pinto.

"Santa, please." Umupo siya sa kama. Natalikod parin sa akin. I sighed.

The silence stretched. Nanatili akong nakatingin sa kanyang likod. I don't know what happened. Ang gusto namin na mag enjoy sa resort ay parang nawala sa isang iglap.

Hindi ko alam kung saan nagsimula o saan patungo ang away na ito. Mabigat sa dibdib. Kahit ilang segundo, minuto o oras. Mabigat ang nararamdaman ko na makita kaming ganito.

"I'm sorry." pabulong ko na sinabi.

I don't want this feeling. I don't want us to be like this. Gusto ko siyang intindihin.  Gusto kong pakinggan lahat ng sasabihin niya, kahit ano pa iyon.

Sabi ko sa sarili ko kapag nagkita kami ulit ni Santa. I will listen to whatever explanation she will say. Nasaktan lang ako nang wala siyang sinabi kagabi sa tanong ko pero ngayon ay handa na ulit ako na masaktan niya ulit.

Kahit ano, Santa. Kahit ano. I will listen to whatever explanation you have. Whole heartedly accept anything from you!

Umupo ako sa tabi niya. Nakita ko ang pag alis niya ng luha sa pisngi. Inabot ko ang baba niya para makatingin sakin.

"I'm sorry." ulit ko. Masakit pala na makita siyang umiiyak sa harap ko.

" I'm sorry kapahon at kanina. Gusto ko din na mag-usap tayo. Pumunta tayo sa resort para mag enjoy, at hindi para sa ganito. I don't want to see you crying in front of me, Santa. So hushed now, baby."

Pinunasan ko ang luha na muling bumagsak sa kanyang pisngi gamit ang aking daliri.

"Sorry din." aniya. "Gusto ko na mag usap tayo kagabi pero tinabunan ako ng hiya at... takot."

Her eyes gleam with sadness. Namumula ang pisngi at ilong niya dahil sa nagbabadyang luha.

"Wag kang matakot na magsalita sa akin, Santa. Siguro nga ako pa ang dahilan ng pag- aaway natin dahil sa tanong ko sayo kahapon. Ayaw ko na maging dahilan ng takot, kaba o kalungkotan mo . Wag kang mag-alala hindi ko na iyon itatanong sa'yo." sagot ko.

Kahit na gusto ko na mas higit pa ang tawag samin ay ayaw ko na madaliin siya sa kung ano ang gusto niya. If she wants me to wait, then I'll gladly wait for her. Kahit gaano pa iyon katagal.

"No, Klaus. I think... you need to hear my explanation." sagot ni Santa. Nanatili na nakatuon ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak. Humigpit ang hawak niya.

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon