16

205 2 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Namulat ako ng wala si Santa sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone sa bedside table at tinignan ang oras. 7 a.m na pala. I stretched bago tumayo.

Pagpasok ko sa bathroom ay amoy ko agad ang gamit na bodywash ni Santa. Basa pa ang shower room. I sighed and continue the things I need to do.

Matapos mag ayos sa sarili ay napagdesisyonan ko na tawagan si Santa. I typed her name to my phone and called her. May nag ring na phone sa table kung saan may makeup niya.

Great! Ngayon paano ko siya hahanapin sa lawak ng resort na'to? Ilang resto ang tinignan ko. Baka nag coffee o kaya'y kumain. I sighed.

I admit lumabas ang tanong na iyon kagabi sa utak ko. It's a sudden question pero ilang araw na rin iyong gumagambala sa isip ko. She's unpredictable. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong gingawa namin.

Pero siguro ako din itong minamadali siya. So I realized na kung ano man ang meron kami ngayon, siguro I need to wait for her. I want her to be mine, fast. But I can't just tell her at gagawin niya agad.

Ako mismo alam ko sa sarili ko na mahirap din para sa kanya ito. What if hindi niya nga ako gusto tapos, dahil lang sa sulat ay pinagbigyan niya ako?

Shit! Ang sakit naman nun kung iisipin.

Dinala ako ng mga paa ko sa restaurant na gusto ni Santa. Dito kami kumain nung unang araw namin sa resort.

Agad na nakita ko si Santa, pero kumunot ang noo ko ng makita siya na may kausap na lalaki. Tagis bagang kong tignan ko ang likod ng lalaki sa gawi ko.

I gritted my teeth ng hindi ako napansin ni Santa na nakapasok sa restaurant. She's talking to the guys like their topic is very interesting for her! Tumawa pa siya na kaunti sa sinabi ng lalaki.

"Hi. Nandito ka lang pala." ani ko ng makalapit sa table nila.

Nakita ko ang pagkagulat niya ng makita ako. Oh. That's right. Magulat ka. Ako dapat ang kasama mo ngayon, bakit may iba ka pang kasama.

Tinignan ko ang lalaki. He's wearing a glasses. Kahit na ganon ay agad na nakilala ko ang lalaki.

Sino ba naman ang hindi. Eh ex lang naman ito ni Santa!

Fucking Great!

"Llowes. Si Klaus..." pakilala niya sakin. As if hindi kami magkakilala.

Classmate kami nung college. At laking sakit sa ulo ang lalaking ito sakin. He's a pain in the ass, palaging nakasunod nung college pa kami ni Santa! Pati ba naman dito?

Pero come to think of it? Bakit ba siya nandito? Alam ba niya na umuwi si Santa kaya sinundan niya dito?

Humalakhak ang lalaki. "Santa..." tumagis ang bagang ko sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ni Santa. "..kilala namin ang isa't isa."

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon