06.

1.2K 4 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Nauna si Santa na lumabas. Sumunod naman ako. Umakyat muna ako sa kwarto para magbihis ng maayos na damit, dahil naka Santa Claus costume parin ako hanggang ngayon. At dahil sa ginawa ni Kuya ay mas may dahilan ako sa pagpapalit ng damit ko.

Nadatnan ko sila sa sala. Nag uusap sina Caleb at Kuya. Ganun rin sina Santa at Ate Evangeline.

Napatingin si Santa sa aking pagbaba habang nag uusap sila ni Ate Evangeline.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. My brother's laugh caught our attention.

Napailing siya. "Bakod na bakod ha!"

Kinuha ko ang malapit na unan sa couch at binato sa kanya. "Ulol" sabi ko.

Nakuha naman ni Kuya ang unan. Natatawa pa.

"Sama ka'yo? Club daw sagot ni Enzo?" tanong ni Kuya.

Tumingin ako kina Santa. "Ka'yo?" tanong ko ulit sa kanila. Baka hindi sila payagan. "Papayagan ba ka'yo? Kung hindi naman ay hindi rin ako sasama."

"Grabi naman yarn." Muntik ko ng ulitin ang pagbato ng unan kay Kuya kung hindi nga lang sumagot si Santa.

Tumingin si Santa sa Ate niya. Tumango si Ate Evangeline na nagpangiti kay Santa.

"Sige. Sama kami." aniya.

Caleb is already 20 years old. Kami naman ni Santa ay 24 at sina Kuya at Ate Evangeline ay 25. Kaya pwede na kaming pumasok lahat sa club.

Nag okay naman sina Tita Shela na sumama sa amin ang mag kapatid. Uuwi na sina Tita Shela at Tito Hans sa bahay nila, at ihahatid nalang namin sina Santa sa kanila kapag umuwi na kami.

May bahay parin naman sila sa Pinas. Hindi nila ito pinabili para may vacation house raw sila.

Nang makarating kami sa club ay sumalubong samin ang malakas na tugtog. Kuya Nikolas is busy with his phone.

"Sabay ka'yo sakin. Puntahan natin si Enzo." aniya. Sumabay kami kung saan siya pupunta. Nakita namin si Enzo na may kasamang babae.

"Hi!" bati niya samin.

"Sagot mo ba talaga? Dahil hindi ako titigil hanggang wala ng laman yang pitaka mo!" ani ni Kuya Nikolas.

Napailing si Enzo. Magka klase sila ni Kuya. "Parating narin si Gino, kasama nun yung girlfriend niya.." nagkibit balikat pa ito. May girlfriend na si Gino?

"Hmm? Ganon ba?" taas ang kilay ni Kuya Nik, nang sabihin iyon, mukhang hindi rin alam ni Kuya na may girlfriend na si Gino. "Kasama ko si Klaus." aniya pa

Tumango si Enzo. "Loko! Sinama mo yan?! Kulang nalang ay mabankrupt ako sa inyong dalawa. Walang hiya rin yang kapatid mo, palaging nagpapalibre sa akin kapag nakikita kami." biro niya.

Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon