"What kind of Truth or Dare is that?" hindi makapaniwalang saad ni Santa, kunot noo niya akong binalingan ng tingin.
Kibit balikat ako. "I don't know, to have some fun? So you'll always have to tell the truth."
"Hindi kaya nakakatuwa yung Dare!" aniya pa.
"I mean where at the beach? and... walang tao. Most of people are at the party." taas kilay kong sagot, hinahamon siya.
Binalingan niya ng tingin ang buong lugar. Like scanning the place if may tao ba. Nasa isang sulok kami sa ibang banda ng beach, malayo-layo sa pwesto ng mga restaurant at wala ring tao. But I don't think she'll say yes.
Nang dumako ang tingin niya pabalik sa akin ay pinagtitigan ko siya. "So?" tumaas ang isa kong kilay.
I don't think that she'll say yes, pero nagulat ako ng tumango siya ng dahan-dahan. I didn't expect her to agree with this game. Napakagat labi ako para hindi maipakita ang pagkamangha.
Ito ba ay dahil nakatira na siya sa America? She's this liberated? or... she's down because of me.
Tinignan ko siya gamit ang mapupungay kong mga mata. I am also biting my lips para mapigilan ang pag ngisi.
"Why are you looking at me like that?" She asked.
I only shook my head at inalis ang tingin sa kanya. "Nothing." ani ko bago inilagay ang maainom sa buhangin.
"I hate hard liquors, mabuti at bumili ka ng favorite ko!" masaya niyang sabi ng makita ang beer na dala ko.
"Hey!" aniya nang itago ko ang beer sa likod ko, akmang aabotin niya ito pero pinigilan ko ang kanyang kamay.
Magkalapit ang mga mukha namin habang nakahawak ako sa kanyang kamay na gustong abotin ang beer sa aking likod. "I know you like beer, and I also know you don't like hard liquors...but we're doing a game. Now, where is the fun kung iinom ka lang ng favorite mo, unless gusto mong maghubad parati? Hmmm?" I said smirking.
She's giving me a death glare at inalis ang kamay na hawak ko. Napatawa ako sa inasal niya.
"But on the other hand..." kinuha ko ang beer sa likod ko at nilagay sa harap ulit namin. "Sige. No hard liquors for you." sambit ko. "Now shall we start?" nakangisi kong saad.
"May binabalak ka ba?" tanong niya, umayos ako ng upo.
"Hmmm?" taas kilay akong tumingin sa kanya. "Nothing at all." natatawa kong sagot. "Diba dapat ako ang kabahan dahil ako ang iinom ng matapang na inomin?"
Nakikita ko na hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko, pero kalaunan ay inalis niya rin ang tingin sakin ng hindi ko inalis ang tingin sa kanya, at nagkatitigan na kami.
Tumikhim siya. "S-Sige na, magsimula na ta'yo."
"Rock paper, scissors? Kung sino ang mauuna?"
Ganun ang ginawa namin, una ay pariho kaming papel... Pero natalo niya ako sa pangalawa dahil nag gunting ako at siya naman ay bato.
BINABASA MO ANG
Santa, Klaus. ( Celebration Series #1)
RomansaCelebration Series #1: Christmas [VERY MATURED CONTENT] U N E D I T E D End: March 13, 2024