Chapter 20: Lunaria Vexle-Viqxusred

3.2K 96 2
                                    


The Author

"SABI KO NA NGA BA!" Umalingawngaw ang boses na iyon sa buong palasyo. Punong-puno iyon ng galit, at takot.

"Horos! Huminahon ka. Walang magagawang solusyon yang galit mo. Umisip nalang tayo ng paraan para maiwasan ito." Suhistesyon naman ni Myera, isa sa mga Goddess ng Atmus World, sa Agaile Region. Kung saan naninirahan ang mga Dark Angels. Hindi naman lahat ng Dark Angels ay masasama. Kaya lang sila tinawag na ganun ay talagang likas at literal talaga na 'Dark' sila. They are the death, the destruction, the downfall. Ang mga pakpak ay literal na dark, in short ay kulay itim.

Ang Atmus World ay may dalawang region lamang o dalawang side. Ang Avseil Region at Agaile Region. Kumbaga para silang isang Yinyang.

[A/N: Agaile is pronounced as A-jayl. Avseil is pronounced as how it was spelled.]

Sa Avseil naninirahan ang mga Light Angels. Ang mga anghel na nagtataglay ng mga puting pakpak. Mga anghel na nagtataglay din ng pambihirang healing power. Ang mga anghel na ito sa Atmus World ay kailanma'y hindi naging isa. Noon pa man ay may boundary na ang bawat teritoryo nila. Walang nakakaalam kung kelan itinayo ang boundary na iyon at kung bakit iyon itinayo. Ang tanging nasa isip ng mga Light at Dark Angels ay para iyon sa ikabubuti. Kung ano man ang dahilan ay na kay Crone na iyonㅡang creator ng mundo nila o tinuturing nilang 'kataas-taasan'. Mas mataas pa sa posisyon ng mga Gods at Goddesses na namumuno sa bawat region.

Ayon nga sa alamat/legend/myth ay ang kanilang mundo ay nasa ibabaw ng isang siyudadㅡang Starryburn City. At syempre ay hindi ito alam ng mga tao. Pero ang hindi nila alam, totoo ang myth na iyon. Kapag natunton mo ang pinaka-taas ng himpapawid, may makikita kang isang portal. Isang hugis itlog na portal na kakulay ng langit. Parang tubig ang nasa loob nito na nagpapaikot-ikot. Kung makulimlim ang langit ay ganun din ang kulay nito. Animo'y isang salamin sa himpapawid. Malaki ito at malapad. At kapag pumasok ka doon ay agad kang mapupunta sa isang hill, at sa harap mo ay isang malaking bulaklak. Na nagliliwanag, at may dumadaloy na enerhiya sa petals nito. The flower with the golden glow. Ang lugar ay napapaligiran ng mga clouds. At palaging gabi ang lugar na yun. Tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag. Kailanma'y hindi masisilayan ang araw.

Bigkasin mo lang ang pangalan ng alinmang region ang nais mong puntahan, sa isang iglap ay nandoon kana sa iyong paroroonan. Sa ngayon ay nagkaroon ng isang pagpupulong ang mga Gods at Goddesses sa Agaile Region. Dahil ito sa balitang natuklasan nila. Simula nung ipatapon nila ang anghel na half light at half dark, ngayon lang ulit sila nagtulungan ng mga taga Avseil. It was a mistake for making that outcast angel to exile. They thought that they should have killed her. Now an incoming misfortune in both regions is going to happen. The outcast angel has found her key, her last card to freedom.

"The descendant." Sambit ni Horos. Isang God din sa lugar ng Agaile. Ang mga Gods and Goddesses ang namumuno sa mga anghelㅡalthough isa din naman silang anghel, may pakpak din.

"It is the key to the locks we've made to bind her. And that should not happen!" Sigaw muli ni Horos sa mga kasama nila. Namomroblema sila kasi once na nawala na ang mga locks na nilagay nila sa Anghel na yun, panigurado ay katapusan na nila. Kaya dapat ay maunahan nila iyon bago pa man mangyari ang mga bagay na tatapos sakanila.

"Ano na ang gagawin natin?" Sambit ni Venice. Isang Goddess. Anim ang namumuno sa Avseil at Agaile. Tatlong Gods at tatlong Goddesses bawat region.

"Terminate her. Avseil and our region will send the strongest Otsura down to Starryburn to terminate her." Saad ni Horos. Otsura naman ang tawag sa mga  warrior angels sa mundo nila.

"Pero bakit kailangang madami sila? That angel is already binded and half of her power was sealed. Kaya madali nalang para satin ang i-terminate sya. Hindi na kailangan ng madaming Otsura." Sabi naman ni Myera.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon