Chapter 34: Descendant of Crone

2.4K 96 2
                                    


• Lunaria •

Tumalikod na si Khalil at nagsimula ng maglakad palayo.

Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at basta nalang ako napaupo sa lupa. Wala akong pakialam kung maputikan man ang damit ko. Wala naman ako sa taong anyo ko. Hindi ko inalis ang tingin sa papalayong Khalil sa harap ko. Bawat hakbang nya ay sumisikip ang dibdib ko. I can't bear the pain. Patuloy lang akong umiiyak. Nawalan na ako ng lakas para pigilan sya. Akala ko ba tanggap nya ako? Pero wala naman syang sinabi. Dapat manatili akong positibo. Pero ngayon ko lang narealize na nakakapagod maging positibo, pero ang mga nangyayari ay ganun padin. Ako nasasaktan, ako umiiyak. Mahal nya parin ako. At sa ngayon, yun nalang ang pinanghahawakan ko para manatiling lumaban.

Yun nga lang hindi na katulad nung kahapon. Na sobra nya akong minahal ng walang pagdadalawang isip.

Mabawasan ang pagmamahal? Pwede ba yun? Tama nga ang hinala ko. Hindi ganun kadali ang lahat. Nagsinungaling ako sakanya. I made him believe with the lies I fed. Akala ko kaya ko na. Hindi pala.

• Khalil •

Umalis na ako doon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at yakapin nalang sya. Hindi. Masyado pang magulo ang lahat. I have to sort things out. And damn it. Aaminin kong ang ginawa kong pagtalikod at paglayo sakanya gave me such pain. Pakiramdam ko napakaraming espada ang nakatusok sa dibdib ko. Parang bawat hakbang bumibigat yung dibdib ko. Bawat hakbang ay sya ring pagtulo ng mga luha ko. Alam nya palang mapupunta ako sa gubat na yon. Akala ko ako ang nakahanap sakanya, I thought that was destiny. But fuck that thought. She made me believe, she fed me those fucking lies at paniwalang paniwala nya ako doon. Siguro nga kung hindi ako ang susi, or descendantㅡwhatever that crap is ay malamang wala lang ako sakanya. Walang Khalil, walang Kozue. Ah, wala nga pala talagang Kozue. Because it was Lunaria afterall.

Kahit basang basa na ako ng ulan ay kalmado lang akong naglalakad paalis ng gubat. I felt like my life turned into some twisted joke in a fantasy storyline. Darn. I was the key? Now that really felt surreal. Ayoko naman talaga syang iwan dunㅡgusto kong patahanin ko sya at sasabihing magiging ok lang ang lahat. Pero hindi e. Kailangan nya munang pag-isipan ang mga ginawa at mga gagawin nya. At ako din, kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Nakalabas na ako ng gubat at tahimik na naglalakad ng may magsalita sa likod.

"Khalil Climente." Napalingon ako at nakita ko doon si Jairo na nakatayo sa isang malaking bato. Napakunot pa ang noo ko dahil sa attire nya ngayon. Nagpapatawa ba sya? Tsaka anong ginagawa nya dito? Ang alam ko ay nasa Starryburn lang siya. Wrong timing nga naman.

"Saan ang cosplay, Kuya Jairo?" Tanong ko dito. Naka-coat kasi ito na itim na gawa sa fur ang bandang leeg nito. Hanggang paa naman ang haba nito. At talagang naka-all black si Kuya Jairo. At parang may metal-like na tinik sa magkabilang balikat nito which is nakakapagpadagdag para magmukha itong astig. Nakakamangha na nakakatawa man ang itsura ni Kuya Jairo ay hindi ko parin magawang tumawa. Ngiti nga hindi ko magawa tawa pa kaya? Masyado pa kasing fresh ang sugat sa puso ko, at hanggang ngayon ramdam ko parin na parang may mabigat na bagay sa may puso ko. Para akong nasawi sa isang laban sa nararamdaman ko ngayon.

"Himala at tinawag mo kong kuya. Mahal mo siya diba?" Ngayon ay nawe-weirduhan at nahihiwagaan na ako kay Kuya Jairo.

"Ano po bang ginagawa nyo dito? Kung may mga tanong kayo, next time nalang po. Wala ako sa mood." Saka ko na sya tinalikuran matapos kong sabihin iyon. Nakakaisang hakbang palang ako ng bigla nalang syang sumulpot sa harapan ko. T-Teka, papaanongㅡ

"Dapat magdesisyon kana. Time is running, Khalil. Intindihin mo sya, ang sitwasyon nya."

"Oo, pinipilit kong intindihin. Pero pano ko sya maiintindihan kung mismong sarili ko hindi ko maintindihan? What's going on? What happened to my once normal life? Ni hindi na nga ako sigurado kung alin sa paligid ko ang totoo." Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang sinasabi ang mga salitang yun. Si Kuya Jairo naman ay seryoso lang nakatingin sakin habang ang mga kamay nito ay naka-cross arms sa loob ng makapal na coat.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon