A/N: This is the final chapter. No proofread. ツ
• Lunaria •
"AHH!" Tuluyan akong bumulusok pababa at bumaon ang katawan ko padausdos. Para akong isang comet na nakapasok sa atmosphere ng Earth. Nahampas kasi ako ng buntot nito. At kumpara sa laki nito ay tuldok lang yata ako. Naramdaman ko na ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko. Lintek. Ano ba kasing ginawa nila para mapasunod na parang alapin ang dragon na'to? Tsaka, hindi ko alam kung sa Atmus World nga ito nanggaling. Katulad sa Earth ay isa lamang alamat ang mga dragon samin. Siguro, sa tagal ng pagkawala ko sa Atmus World ay marami ng nagbago. Itinukod ko ang sword ko at tumayo. Napatingala ako sa direksyon ng dragon. Muli itong umungol ng malakas na para bang proud na proud sya sa pagpapabagsak sakin. Napahigpit nalang ang hawak ko saaking mga sword. Kainis.
"Hindi ka talaga mananalo kung puro ka lang sugod ng sugod." Nagulat ako ng lumitaw sa gilid ko si King Miyura. Dapat sa mga oras na'to ay nakikipaglaban sya sa iba pang mga Otsura.
"Paniguradong may weakpoint ang isang yan." Napatingin sya sakin kaya tumingin din ako sakanya. "Lahat tayo ay may weakpoint. Katulad ko, si Euria ang kahinaan ko. At kahit ganyan ka pa kalakas, may kahinaan kadin." Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni King Miyura saakin. Pero agad ko din yung binawi sa isang ngiti.
"Salamat." Sabi ko dito at ikinampay na ang aking mga pakpak. "Weakpoint, huh?" Sabi ko nalang sa sarili ko. I flapped my wings faster and enhanced my speed. Pinag-ekis ko naman bigla ang dalawang sword ko ng bumuga ito ng apoy na gawa sa liwanag at dilim. Mahirap na. Hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin. I stroked downwards to avoid its counterattack. Para lang akong nakikipag patintenro dito. Nakakainis. Mauubusan ako ng oras nito. Napansin kong akmang ihahampas nya na ulit ang buntot nya patungo sakin pero agad na akong nagcast ng spell ko. Yung spell na ginamit ko noon kay Sora, I bind its tail by my golden chains. Umungol naman ito ng pagkalakas lakas ng may mapansin ako. Yung mga mata nito, itim na itim. Ni wala kang maaaninagang puti sa mga mata nito. Walang ibang kulay kundi itim lang talaga. Kaya napaisip ako saglit. May mali talaga e. Ikinampay nito ang kanyang mga pakpak. Nagpupumilit itong kumawala. And I can't hold any much longer. Nage-emit nadin ito ng kanyang enerhiya. Kanina pa ako gumagamit ng extreme type magic. Lahat yun ay balewala at maaaring ma-drain ang energy ko kapag gumamit pa ulit ako nito ng sunod sunod. Siguro nga ay dahil hindi ko natatamaan ang weakpoint nito katulad ng sinabi ni King Miyura. Nakakainis. Ano ang kahinaan nya?! Tss. Lumipad ako patungo dito at ngayo'y nasa ibabaw na ako nito. Inikot ko ang katawan ko katulad ng ginawa ko kanina pero ngayon ay kasama na ang mga kamay ko na hawak ang Avseil at Agaile na naka-streched.
"HAHH!" Sigaw ko at sunod sunod na hiwa ang natamo nito mula sa dalawang sword ko. Napaungol pa ito ng malakas. Pinadaloy ko ang kapangyarihan ko dito kaya mas malalim ang natamong sugat nito at lumikha iyon ng matinding pagsabog.
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasíaParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...