• Khalil •Pakiramdam ko para akong na-threaten sa sinabi ni Jiro saakin kahapon. At oo, aaminin kong natakot ako dun. I was scared that he might win her heart and I'm gonna lose her for the rest of my life. And that would be my worst nightmare. I can't let that happen. Nagready na ako para pumasok. Iniisip ko kung ano kayang plano ni Jiro ngayon?
At oo nga pala. May Kozue-solvig-case pa pala ako. Natawa naman ako sa naisip ko. Dinibdib ko na talaga ang pagiging investigator nito e. Bumaba na ako para kumain at pagkatapos ay umalis nako ng bahay.
Halos makalimutan ko na nga yun dahil yung mga sinabi lang ni Jiro ang nasa isip ko. Lakas nyang manakot ah, leche. Effective e. Binati ko agad si Kozue ng 'Good morning' ng makita ko sya. Para naman syang nagulat pero binati nya din ako pabalik. Bakit naman sya nagulat? Then napansin kong nag lighten up ang mood nya.
"Khalil, may bagong bukas na karinderya malapit dito sa school natin. Gusto mong sumama?" Masiglang sabi nya sakin. Para naman akong naka-jackpot sa mga narinig ko. At sino ba naman ako para tumanggi? Mukhang sumasang-ayon sakin ang tadhana. Haha.
"Sige ba. Dun tayo maglunch mamaya?" Tumango naman sya sinabi ko. Pagkatapos ay nginitian ko sya. Ayos! Chance ko na'to. Napansin ko namang bigla syang yumuko.
"Kozue, ok ka lang?" Tanong ko sakanya sabay kulbit. Tumingin naman sya sakin. Tinging malungkot. Takte, bakit sya nagkakaganito?
"G-Gusto ko lang sana itanong kung galit ka sakin kahapon?" Dafuq! Ako galit? Hindi ako magagalit sakanya!
"Hindi ako galit ah! Pano mo naman nasabi?" -Ako. Yung mukha nya, ganun parin. Tapos bigla syang nagpout. Dang! Don't pout.
"Para kasing iniiwasan mo ako kahapon tapos ang cold mo pa." Damn it. Ganun nga ba ako kahapon? Magulo lang talaga ang isip ko nun. Hinawakan ko naman ang kamay nya kaya napatingin sya sakin mula sa pagkakayuko.
"Sorry about yesterday. Magulo lang talaga ang isip ko nun. Sorry talaga." Then unit-unti ko ng nasilayan ang ngiti nya. Yung ngiti nya, pamatay.
"Okay. Pero kung may iniisip ka man, wag mong sarilihin. Ikaw nga nagturo sakin nyan e." I chuckled because of what she said. Tama nga naman, ako ang unang nagturo sakanya na huwag masyado solohin ang mga problemang yan. Napatigil lamang kami ng biglang may nagsalita.
"Ow, parang nagkakamabutihan na ah?" Biglang singit ni Kenneth. Napansin ko namang namula si Kozue sa sinabi ni Kenneth.
"At talagang may paghawak pa talaga sa kamay huh?" Bigla ko namang nabitawan ang kamay ni Kozue dahil sa sinabing iyon ni Kevin. Mga istorbo, bwisit. -__-
Umupo na sila sa kani-kanilang upuan at ito namang si Jiro ay tinapik ang balikat ko sabay sabing, "Dumadamoves kana, pare." Napangisi naman ako sa sinabi nya at hindi na sumagot pa.
"Si Luis nga pala?" Pag-iiba ko ng topic.
"Excused yun ngayon. May conference meeting sila sa industry nila at kailangan sya don." Bored na sagot ni Kenneth. Napatango nalang ako.
°°°
Gaya nga ng sinabi ni Kozue ay dun kami magla-lunch sa sinasabi nyang karinderya. Yayayain pa sana nya yung tatlo pero pinigilan ko sya. Nagtaka naman sya pero 'basta' lang ang sinabi ko. Ang totoo nyan, kaya ayaw ko na kasama namin yung tatlo kasi baka di ako makadiskarte kay Kozue kung may mga asungot. -__- Call me selfish, now.
"Hm! Ambango. Mas lalo akong natatakam!" Sambit ni Kozue ng mailapag na sa harap namin yung pagkain. Lihim naman akong napangiti. Ang cute nya tingnan.
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasyParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...