Chapter 22: Unfolding The Mysteries

2.6K 96 0
                                    


• Khalil •

"Tsk. Di ko padin maintindihan." Sabi ko sa sarili ko. Kasalukuyan akong nagre-research tungkol sa mga bagay na gumugulo sakin. Tumingin nadin ako sa internet, pero mukhang wala naman akong napala. Hanggang sa sumagi sa isip ko yung canyon na nakita ko noon. Puntahan ko kaya ulit? Pero nung last time, hindi ko na nakita ulit yun. Imahinasyon ko lang ata yun.

As days passed, that experience became a distant memory and it's slowly becoming an imagination than a memory. Puntahan ko kaya ulit si Aling Gabriela? Baka naman may maitulong siya sakin. Tama! Sya din yung nagsabi about sa tatahakin ko daw na landas. Pero sa ngayon, iintindihin ko muna yung myth tungkol sa half light & dark angel na si Lunaria. Kung imahinasyon ko lang talaga yung canyon na nakita ko, eh bakit may painting nung anghel ang museum ng Baryo Margarita? Hindi man ako sigurado pero alam kong nakita ko ang painting na yun doon sa canyon.

Andito nga pala ako sa Grand Library ng Starryburn. Paniguradong dito ko makikita ang myth na yun dahil tungkol iyon sa Starryburn.

"Ayun! Nahanap ko na." Sabi ko ulit sa sarili ko sabay kuha sa libro na may dark violet na cover. May mga design din ito sa gilid na curved lines na kulay gold. Pagkatapos kong tingnan yung libro ay agad na akong naghanap ng mauupuan. Pero before yun, may kinuha pa akong isang libro. Nakuha kasi nito ang atensyon ko kaya kinuha ko na din.

Inilista ko pa nga sa isang pad ang mga gagawin ko ngayong araw. Saturday ngayon so free time ko. Mukha na nga akong timang sa mga pinaggagagawa ko pero ayos lang. Ako lang naman ang nakakaalam. Naisip ko tuloy si Kozue. Ano na kayang ginagawa nya ngayon?

Ano ba Khalil! Wag mo nga munang isipin si Kozue.

Haist. Di ko mapigilan e. Puntahan ko nalang sya mamaya. Bakit kasi walang cellphone yun? Kung may pera lang ako edi sana binilhan ko na yun. Haha. Sinimulan ko ng buklatin yung libro. Naka-entitle dito na "Starryburn". Ang astig nga nung book cover e. Yung kulay kasi sa taas nung libro, black. Then unti-unting naging violet sa gitna, then sa pinakadulo ay gold. Makakapunta pa kaya ako kay Kozue? Mukhang mahaba-haba pa ang babasahin ko. Pero sabagay, may mga tanong pa akong kelangan tanungin tungkol sakanya. Yung mga nakita ko, is there any scientific explanation for it?

°°°

Mga bandang 6 na ako umalis ng library. Actually, di ko na namalayan yung oras. Kung hindi pa siguro ako sinabihan nung librarian na magsasarado na sya, malamang dito na ako makakatulog. Hiniram ko yung dalawang libro saka dumiretso ng uwi. Di na nga ako makakapunta kila Kozue. Saktong pagkalabas ko ng library eh nagtext si mama. Walang Kozue ngayong araw T__T pakiramdam ko tuloy parang ang tamlay ko.

Naalala ko, ganitong-ganito din ako kay Zyra dati. Teka, bakit ba napasok na naman si Zyra sa usapan? Tsk. Napapraning na talaga ako. Kinokontra ko yung sariling isip ko. Makauwi na nga.

"Khalil!" Nagulat ako dahil masigla akong binati ni papa.

"Oh pa, anong meron? Ganda ng mood natin ah." Sabi ko saka sinarado ang pinto. Naaamoy ko pa yung niluluto ni mama. Bigla naman akong inakbayan ni papa ng makalapit ako sakanya.

"Ba't ka ginabi?" Tanong nya, nakangiti pa siya sakin nan. Magsasalita na sana ako ng bigla naman akong inunahan ni papa. Yung totoo? -___-

"Nanliligaw na ba ang anak ko kaya ginabi? Alam mo anak, ganyan din ako dati kaya dapat matiyaga talaga tayo para" Pinutol ko na yung sinabi ni papa dahil alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito.

"Tay." Pamutol ko sakanya kaya napatingin naman sya sakin.

"Tay, hindi ako nanliligaw. Galing akong library ng Starryburn." Napatigil naman sya dahil sa sinabi ko. Napahiya ko ata. Pffft. Yung itsurap ni papa. Hahaha, minsan lang 'to maging ganito.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon