• Khalil •"Grabe pare. Ang misteryosa nya naman." Komento ni Luis. Naikwento ko na nga pala sakanila ang nangyari kagabi.
"Baka naman strategy nya lang yon para makuha attention mo?" Dagdag pa ni Luis.
"Di naman siguro." Sabi ko naman. Bigla namang ngumiti ng nakakaloko si Kenneth.
"Asus. Dinedepensahan mo lang sya kasi gusto mo sya!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Kenneth. I didn't saw that coming, sapul ako dun ah.
"Pero nakita ko na yung babaeng tinutukoy ni Khalil. Maputi sya at mahaba ang itim nyang buhok. Sayang nga lang at di ko nakita yung mukha, nakatalikod kasi." Sabi ni Kevin.
"Talaga 'tol?" Di makapaniwalang sambit ni Kenneth, pagkatapos ay binaling nya naman ang tingin nya sakin.
"Dapat kasi kumuha ka ng picture nya e. Bagal mo kasi." Dagdag pa ni Kenneth.
"Ang demanding mo ah. Upakan kaya kita?" Naiinis kong sabi sakanya. Tinaas nya naman ang dalawang kamay nya, na para bang pinapahiwatig na suko na sya.
"Kalma, bro. Jino-joke lang kita e." Natatawang saad ni Kenneth. Pare-pareho talaga sila eh. Siguro kasama na ako dun, di ko lang napapansin. Lol!
"Tama na nga ang daldalan. Gusto nyo bang dito nalang tumambay buong maghapon? Sayang naman ang pinunta natin dito, edi sana nasa kani-kanilang bahay nalang tayo." Medyo naiinis ding sabi ni Jiro. Sabay-sabay namang nagsabi ang tatlo na, "Hindi!"
"Yun naman pala e." Sabi ni Jiro.
"Ano pang tinutunganga nyo dyan? Magready na kayo! Para kayong hindi mga lalake eh!" Ang init ata ng ulo ni pareng Jiro ah. Hahaha, like a boss talaga ang dating.
Pagkatapos sabihin yun ni Jiro, agad namang nagsitayuan 'tong mga kasama kong may sayad sa utak. Haha. Takot naman pala eh.
"Saan ba ang punta natin ngayon?" Tanong ko kay Jiro.
"Sa museum ng Baryo Margarita." Sagot naman ni Jiro habang busy kakadutdot sa cellphone nya.
"Posible palang magkaron ng museum sa isang baryo?" Tanong ko ulit. Kasi naman, museum? Sa isang baryo? I don't think so.
"Posible. Kakasabi ko nga lang diba?" Okay. Wala talaga sa mood si pareng Jiro. Ang taray eh. Hahahaha.
"O-Okay." -Ako.
°°°
Mga bandang 1 PM na kami nakarating sa museum ng Baryo Margarita. Kumain pa kasi kami sa bahay. Marami ding mga turista ang nandun. Hindi lang naman kasi kami ang nagbabakasyon dito.
"Oy Jiro! Kuhanan mo ako ng litrato. Isama mo yung museum sa likuran ko ah!" Ang ingay talaga ni Luis eh.
Binaling ko nalang ang tingin ko sa museum. Malaki sya. Andito na sya sa may bandang dulo ng baryo. Mas kaunti ang kabahayan dito. Malaki nga naman ang museum, parang nilaan talaga ang space dito para sa museum. At sa itsura palang, halatang luma na.
Umakyat na kami sa may hagdan. At sa entrance ng museum ay may malaking granite rock ang nasa gilid. May naka-ukit dito.
магgагїта мойно
Ж
1973-1985Yun ang nakaukit sa bato. Pinicturan naman yun ni Jiro. Pero nakisingit yung tatlo kaya sinali narin ni Jiro. Nakakaadwa nga yung mga itsura eh. Si Luis naka-wacky, si Kenneth naka-peace sign, si Kevin naman naka pogi sign. Pffft. Pinipigilan ko lang tumawa.
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasíaParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...