A/N: Play Wherever You Are by One Ok Rock.
Epilouge
• Khalil •
Nagising nalang ako na para bang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang napakaganda ng pagtulog ko. Maganda naman talaga. Napanaginipan ko kasing magkasama kami ni Lunaria, masayang masaya talaga kami nun. Lahat pa ng masasayang alaala namin nandun. And guess what? May anak na daw kami. We really looked like a happy family out there.
Pero teka nga lang. Inilibot ko ang tingin ko sa lugar. Ang lugar na'to. Ito yung cliff ng Baryo Margarita. Papalubog na ang araw. Teka, paano nga ulit ako napunta dito sa may cliff?
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Kasabay nun ang pag-alala ko kung bakit nga ba ako nandito. Ang naaalala ko ay nakalabas na ako ng bahay. Hindi ko din alam kung pano ko napawalang bisa ang mahika ni Lunaria. Basta, tumatakbo na ako nun. Ng biglang may humablot sakin at inilipad ako sa ere. Hanggang sa nakatakas ako sa hawak nito at tumatakbo na ulit ako paalis dito. At... At?
Napatayo nalang ako at pinagpagan ang sarili ko. Di ko maalala. Pagkalingon ko ay doon ko nakita ang nakahandusay na si Lunaria. Agad ko syang nilapitan. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon.
"Lunaria?! Gising! Gising!" Pilit kong tinatapik ang mukha nya. At doon ko napansin na kulay abo na ang buhok nya, hindi na gold. Pati ang mga pakpak nya, isa na lamang itong plain na pagkaputi. Anong nangyari?? Bakit wala akong naaalala? Pero hindi ko nalang inaasahan na makakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Sobrang sakit nito na parang pinupukpok ang ulo ko.
"AAHH!!"
°°°
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Naga-adjust pa ang paningin ko sa liwanag. Puti. Puro puti lang ang paligid. Nakita ko din ang isang dexstrose sa gilid ko. Nasa ospital ako? Pero ang huling alala ko ayㅡ
"Oh, Khalil. Mabuti at gising ka na. Pinag-alala mo kaming bata ka. Andito nga pala ang mga kaibigan mo. Pati sila pinag-alala mo." Si Mama ang nagsalita. Gulong gulo padin ang isip ko ngayon. Anong nangyari kay Lunaria? Paano ako napunta dito? Nagulat nalang si Mama ng bigla akong bumangon.
"Anong ginagawa mo? Humiga ka nga muna Khalil!"
"Si Lunaria! Nasa panganib sya Ma! Nasaan sya? Kailangan ko syang makita!" Tuluyan na nga akong nagwala at tumawag ng nurse si Mama. Agad akong tinurukan ng pampakalma at muling inihiga sa hospital bed.
"Ano bang panganib na pinagsasabi mo dyan, Khalil? Sinong Lunaria?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.
"Ma, si Lunaria. Kilala nyo siya." Tumayo na si Mama at nag-ayos ng mga pagkain. "Ewan ko sayo, anak. Baka matindi ang pagkakabagok ng ulo mo. Wala akong naaalalang Lunaria at nadatnan kana lang namin na walang malay sa bahay. Hindi ka namin magising kaya kinabahan kami at dinala ka namin dito sa ospital." Nawalan ako ng malay? Mas lalo na akong naguguluhan ngayon. Panong hindi nya maalala si Lunaria? May mali e. Ramdam na ramdam ko. Tsaka, sigurado akong nasa cliff ako nun sa Baryo Margarita. Kasama ko si Lunaria, at pagkatapos ay pinagsaktan ako ng ulo at nawalan ako ng malay. Anong nangyayari? Parang gusto ko nalang maiyak pero tinatagan ko ang loob ko. Nung umalis si Mama ay pumasok naman sila Jiro, Luis, Kevin at Kenneth. Iknwento ko sakanila lahat lahat. Pero hindi parin sila makapaniwala.
"Ikaw, Jiro. Bakit hindi mo maalala? Minahal mo din sya noon. Nag-away pa tayo dahil dun." Pero isang confused look lang ang binigay nya sakin. Napabuntong hininga nalang ako.
°°°
As days passed, Lunaria's existence disappeared into the thin air. Her memories became more distant. Until it's almost like an imagination to me. Parang isang panaginip lang ang lahat. Lahat parang naglaho sa isang iglap. Bakit hindi nila maalala? Nakakaalala naman ako? Bakit? Gabi-gabi din ay umiiyak ako. Masyadong mabigat para sakin ang lahat lahat. Na maglalaho nalang basta ang taong mahal mo at ang masaklap, ni hindi ko alam kung nasaan sya ngayon o buhay pa ba sya. Gabi-gabi din ay muli kong isinasabuhay ang mga alaala namin.
Lagi nalang akong nakakatulog dahil sa pagod ng pag-iyak. Kelan ba ako makakatulog ng maayos? Yung hindi dahil sa iyak? Hindi nga ba kami para sa isa'-isa? Natulad na nga ba kami kay Miyura at Euria? Bakit ganun? Ang sakit. Hindi ko alam kung makakasama ko pa ulit sya.
Araw-araw, lagi akong tumatanaw sa mga alapaap. Umaasang babalik sya at sasalubungin ako ng may ngiti sa labi. Yayakapin ako at muling matikman ang tamis ng kanyang halik. Ang saklap naman. Sa panaginip pa ang huling masayang alaala namin. Alam kong babalik pa sya. Malakas ang kutob ko. Babalik sya para sakin.
Pero ang ikinakatakot ko, baka wala na pala akong hinihintay.
At parang dinudurog sa sakit ang puso ko nun. Sa tuwing natatanong ko sa sarili ko yun ay hindi ko talaga maiwasang huwag mapaluha. Bumalik ka, please.
Lumipas ang limang taon, naging isa akong successfull na music artist. Lahat naman kami ay naging successfull. Pero kahit limang taon na ang nakalipas, may puwang padin sa puso ko si Lunaria. Nagdate ako ng ibang babae, lahat hindi nagwork-out. Ang lakas padin ng impact nya sakin. Mahal ko padin sya.
At eto kami ngayon, muli kaming nagbakasyon sa Baryo Margarita. Mula sa playground, sa gubat kung saan ako naligaw dati, sya at sya padin. Lagi ko ngang kinkwento sakanila si Lunaria. At siguro, medyo naniniwala na sila sakin. Napaka-makatotohanan daw kasi ng kwento ko. Inimbitahan ko sila na tumambay sa may cliff. Wala lang, gusto ko lang dito. Parang naririnig ko ulit ang tinig nya na kumakanta. Ng makarating kami doon ay nagulat nalang kami ng biglang may lumabas mula sa likod ng puno.
"Kuya? Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ganyan ang suot nyo?" Takang tanong ni Jiro kay Jairo. Suot nya ulit yung coat. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at may nagflash na liwanag.
"Ibinalik ko lang ang alaala nyo." Wika nya na tinutukoy yung apat. Agad ko syang nilapitan.
"Asan sya? Alam kong buhay pa sya kaya sabihin mo sakin!"
"Kalma lang. Tama ka. Buhay nga sya. Nasa Atmus World sya ngayon. At kung gusto mo syang puntahan, tanggapin mo 'to." Naglabas sya ng kulay puting cube sa mga palad nya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi, ha? Hindi mo bang halos paulit-ulit akong pinapatay sa pagkawala nya?!" Galit na bulyaw ko sakanya. Alaw kong wala akong karapatang sigawan sya. I just can't help it.
"Pasensya ka na. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng pagkakataon." Tiningnan ko naman ang cube na hawak ko. Hintayin mo ako dyan, Lunaria.
Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko. At si Jiro yun.
"Sabihin mo, pwede ba kaming sumama dyan?" Nagulat ako sa sinabi ni Luis. Tumango naman si Jairo.
"Sasama kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanila.
"Pre, naging kaibigan din namin sya. At kaibigan ka din namin kaya tutulungan ka naming bawiin ang irog mo." Imbes na batukan ko sya ay napakayakap nalang ako. A manly hug. Napapasalamat ako. Irog talaga?
"Kaming lahat, sasamahan ka." Si Jiro naman ang nagsalita.
"Paano naman ang mga business nyo?" Tanong ko.
"Sus. Wag kang mag-alala. May magma-manage nun for now. Kaya ano? Hindi na dapat tayo magsayang ng oras!" Sabi ni Kevin.
"Yosh! Isa itong malaking adventure. Nakakagulat talaga." Wika naman ni Kenneth.
"Goodluck sainyo, sana magtagumpay kayo." At tuluyan ng naglaho sa hangin si Jairo. Nagtataka man kami ay binalewala nalang muna namin iyon. Ang mas mahalaga ay mahanap namin si Lunaria.
Lumutang sa ere ang cube at nawasak ito. Napapikit nalang kami sa nakakasilaw na liwanag na pinakawalan nito. At doon, naramdaman ko na para akong hinihigop paitaas.
Hintayin mo ako, Lunaria. Parating na ako.
*~*~*~The End*~*~*~
ⓒAll Rights Reserved. 2015
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasyParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...