Chapter 5: Caught in the Act

4.6K 138 0
                                    

Enjoy Reading!

*~*~*

Khalil's POV

Wooh! Salamat naman at malapit na mag summer vacation. Makakatakas na nga sa mga terror teachers namin, makakatakas narin ako sa sakit. Na dulot ng deputang pag-ibig. Sorry for the word. Kahit naman kayo kapag nasasaktan na ng sobra di nyo mapigilang mapa-trashtalk diba?

Pagbigyan. -___-

"We better help you bro, ayaw din namin na nasasaktan ka. Mag-aala spy muna tayo. Kailangang malaman natin kung ginagago nga ba talaga ni Blake si Zyra." Sabi ni Jiro.

I forgot to tell you guys na naikwento sa mga ka-tropa ko ang tungkol kay Zyra at Blake. At lahat sila ay willing na tulungan ako kung nanloloko nga ba si Blake. How thankful I am to have them.

And the most silly part is we need to wear a disguise kapag sinusundan na namin si Blake. Ang nakaisip nun? Walang iba kundi si Kenneth.

"Seriously?" I said to Kenneth.

"Seriously." Seryoso nya namang sagot.

"And where do you think we can get a disguise?" Tanong ko naman dito.

"Sus. Si Kevin na bahala jan. Diba Kevin?" Sabi ni Kenneth sabay baling ang tingin kay Kevin.

"Oo. Ako na bahala dun. Teka yung monitor natin ng bawat galaw ni Blake? Asan na yun?" Sabi naman ni Kevin habang nagpalinga linga ng tingin.

"Here!" Sabay naman kaming napatingin sa pintuan ng classroom at iniluwa doon si Luis.

"San ka ba nagpupupunta? Ano na balita?" Sabi ni Kevin.

"Syempre nagsasagap ng balita. Ay oo nga pala may ichichika nako." Sabi ni Luis sabay upo. Binatukan naman syang sabay ng magkapatid.

"ARAY NAMAN!" Sigaw nya habang hinihimas ang batok nya.

"Kadiri bro. Di bagay." Sabi ni Kenneth kay Luis.

"Okay! Okay! Ito na, seryoso na. Kanina kasi sa hallway habang papunta ako dito sa room, narinig ko ang usapan ng mga kabarkada ni Blake na mag bo-boys night out daw sila sa saturday." Sabi ni Luis.

Pare-pareho kaming napanganga. How come pinapayagan ni Zyra mag night out si Blake eh diba sila na?

"Panong--" Pinutol ni Luis ang sasabihin ko. Bastusan lang?

"Oo alam ko. At paniguradong marami silang chix na dadalhin. Kita mo naman pag nagna-night out tayo diba?" Sabi ni Luis.

Kahit hindi ako sumasama sa tuwing may night out ang mga kaibigan ko, ay alam kong lagi talaga silang may kasamang mga babae nun. Although hindi ako sure kung may nangyayari. Ehem.

"So ano na ang plano?" I was the one who broke the silence.

"Pumayag ba si Blake, Luis?" Tanong ni Jiro.

"Hindi ako sure. Wala naman kasi si Blake dun. Mga kabarkada nya lang." Sagot ni Luis.

"Then investigate more." Seryosong sabi ni Jiro kay Luis.

Hanep. Talaga bang kina-career na namin ang pagiging spy? Well siguro kailangan ko nalang makisakay. For the sake of Zyra.

Napakuyom ng mahigpit ang kamay ko. Kumukulo talaga dugo ko sa Blake na yun! Bullshit!

°°°

Break time namin ngayon. Kami lang tatlo nina Jiro, Kenneth at ako dito sa cafeteria. Si Luis, ayun magsasagap daw ng balita tutal wala naman daw syang balak kumain.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon