Chapter 18: Who Are You, Kozue?

3.4K 107 2
                                    


• Khalil •

Hindi pumasok si Kozue ngayon. Masama na talaga ang kutob ko. Pakiramdam ko may masamang nangyari. Ayoko sanang isipin yun pero wala talaga e. Mas lalo lang akong hindi mapakali dito. Hindi lang naman ako ang nag-aalala e, kundi kaming lahat na kaibigan nya.

"Baka may sakit?" Suggest ni Kevin. Nasa canteen nga pala kami ngayon, nagla-lunch. Siguro nga may sakit yun. Iba kinikilos kahapon e. Pero teka, kung may sakit yun, sinong nag-aalaga dun ngayon? Ang sabi pa naman sakin ni Kozue, 'I'm living alone.' Tsk. Mas lalo tuloy akong nag-aalala sakanya.

"Kung nagkasakit nga sya, sinong nag-aalaga sakanya ngayon?" Lahat naman sila ay napatingin sa sinabi ko. At pare-pareho silang napaisip.

"Oo nga 'no. Kawawa naman ang prinsesa ko." Sabi ni Kevin.

"Para makasiguro, puntahan nalang natin sya after class. 3 PM naman ang awas natin e." Suggest naman ni Jiro. Tama sya. Bibisitahin nalang namin sya mamaya. Hay Kozue, I can't get you out of my mind. Tiningnan ko nalang yung picture namin na nasa phone ko. Ang ganda talaga ng ngiti nya dito.

"Huy! Loko. Tama muna ang pagpapantasya sa prinsesa ko. Mags-start na ang klase." Napatingin naman ako kay Kevin na ngayon ay nakanguso na sakin. Tch. Nagpapantasya? Tinitingnan ko lang naman yung picture namin. Tsaka prinsesa nya daw? Inangkin nya na talaga si Kozue ah.

Binalik ko na sa bulsa ko yung phone ko. "Oo na." Sabi ko sakanya at agad na nilagpasan.

°°°

• The Author •

"Uncle, umalis na po kayo. Kaya ko na ang sarili ko dito." Sabi ni Kozue sa matandang lalaki na nakaupo sa kama nya. Dinala syang muli sa totoong bahay ni Kozue. Ang mansyon nito. At ang Uncle nyaㅡngayon nya nalang ito muling nakita matapos ang napakahabang panahon.

"No. You're physically ill. I promised to your parents that I will look for you. And look at what they've done to you! I can't leave you like this." Sabi naman ng matandang lalaki.

Alam nya kung bakit ito kailangang maranasan ni Kozue. At alam nya din kung sino ang may kagagawan nito.

"Pero Uncle, kapag nalaman nilang nandito kaㅡtiyak na matutulad kadin sa mga magulang ko! And I can't afford to lose you too, Uncle." Sabi ng dalaga na ngayon ay umiiyak na. Muli na naman nyang naalala ang masalimuot na sinapit ng kanyang mga magulang. Iniisip nya palang na ganun din ang sasapitin ng tiyuhin nya kapag nanatili pa ito sa tabi nya, mas gugustuhin nya naring magpakamatay nalang. Hinaplos naman ng matanda ang mukha nya.

"I will heal your wounds. Hindi mo kayang pagalingin ang sarili mo ngayon. At kapag nagtagal pa itong sugat sa balikat mo, baka malason ka. At alam mo namang wala ako palagi sa tabi mo. You should be more careful." -Uncle ni Kozue. Tango nalang ang tanging naisagot ng dalaga.

"Ano pa bang gusto nila? Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap nilang ito?" Sambit ng dalaga. Napabuntong hininga nalang ang uncle nya.

"Mga wala silang puso." Sabi naman nito matapos gamutin ang sugat ni Kozue.

"I want you to be strong. And when that happens, I want you to live in happinessㅡnot in misery." Nakangiting wika ng Uncle nya at hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Once I find my strength again, I will surely avenge my family." Kozue said in a serious tone.

"Anak, ayaw ko sana na lamunin ka ng poot dyan sa puso mo. Ayoko na mabuhay ka sa paghihiganti. Gusto ko din namang maranasan mo ang mabuhay ng masaya, lalo na ngayon na nakahanap kana ng masasandalan mo." -Uncle ni Kozue.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon