Chapter 23: Thrashing Heart

2.4K 93 0
                                    


• Khalil •

Lumabas na ako ng library at napatingin sa oras ng relo ko. Maaga pa naman pala. At sa mga sandaling ito ay si Kozue agad ang pumasok sa isip ko. Kahit dalawang araw palang ang lumipas ay miss ko na agad sya. And I think I'll go crazy for not seeing her today. Baliw kana talaga, Khalil.

Nagsimula na akong maglakad at napapasipol pa ako. Na-eexcite ako na ewan. Basta! Maganda ang mood ko ngayon kaya subugan lang nilang sirain, malilintikan sila sakin. -_-

°°°

• Kozue •

Tahimik lang akong nanonood ng TV dito sa aking sala. Napasulyap naman ako sa may bintana na nasa gilid ko lang. Bigla naman akong nakarinig ng katok mula sa pintuan. At sino namang mag-aabalang pumunta sa apartment ko? Muli ay nakarinig ako ng katok.

"Sandali." Sabi ko. Baka si Khalil. Dali-dali ko namang inabot ang doorknob at binuksan ito.

"Jiro? A-Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman ang address ko?" Sunod-sunod kong tanong. Ngumiti naman sya bago sumagot.

"Woah, woah. Dahan-dahan lang sa pagtatanong. Pero bago yun, can I come in?" -Jiro.

"Aha, a-ah oo naman. Tuloy ka." Pinapasok ko naman sya at agad na sinarado ang pinto.

"Upo ka muna." Umupo naman siya pagkasabi ko nun, and then tumabi sakanya. Medyo napaubo pa sya pagkaupo ko. Eh?

"So, pano mo nga nalaman ang address ko at anong ginagawa mo dito?" -Ako.

"Nalaman ko ang address mo kasi nung nawala ko dun sa restaurant namin at hindi ka pumasok pagka-monday ay si Khalil ang nagturo ng apartment mo. Gusto ka naming bisitahin at kamustahin nun dahil nag-aalala kami sayo. Yun nga lang, wala ka nung time na yun." Saglit akong natigilan sa sinabi ni Jiro. T-Tama ba ang narinig ko? Nag-alala sila sakin?

Napayuko naman ako at lihim na napangiti. Meron pa pala talagang nag-aalala sakin. All my life si Uncle lang ang nagmamahal sakin simula nung naulila ako. Si Uncle lang ang nagtyaga na tulungan ako. All my life si Uncle lang ang naging sandalan ko ng mga problema ko. Until I met Khalil. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nun. Lalo na nung nakilala ko pa ang mga kaibigan nya. Medyo lumabo naman ng kaunti ang mata ko dahil sa mga namuong luha.

"Uh, Kozue okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Jiro sakin. Pasimple ko namang pinunasan ang luha ko bago tumingin sakanya.

"Oo, ok lang ako." Masaya lang talaga ako.

"A-Ano. Kaya ako nandito kasi.. g-gusto sana kitang yayain lumabas? Kung o-okay lang sayo." Bakit nauutual si Jiro? Tsaka namumula yung tenga at pisngi nya. Baka sya ang hindi ok all this time?

"Sigurado ka ba Jiro na gusto mong lumabas tayo ngayon?" Halata naman sa mukha ni Jiro ang pagtataka. And somehow, he looks disappointed. Disappointed nga ba ang tamang term?

"B-Bakit? Ayaw mo ba?" Ayan na naman sya nauutal. Tsaka ako daw? Ayaw ko daw? Hindi naman sa ganun e. Para kasing masama ang pakiramdam nya tapos nagyayayang lumabas.

"Hindi naman sa ganun. Para kasing masama ang pakiramdam mo. Tingnan mo oh, pulang pula yung buong mukha mo. Pati tenga mo namumula." Hindi naman kasi pwedeng blush 'tong nakikita ko sa mukha ni Jiro. Kasi first of all, bakit sya magbu-blush? Bigla naman syang napayuko sa sinabi ko.

"Shit."

Shit? Tama ba yung narinig ko? Bakit naman nya sasabihing 'shit'? Baka mali lang pagkakaintindi ko.

"Jiro?" Bigla naman syang natauhan sa sinabi ko and then he smiled sheepishly. "Ah, a-ano. Okay lang naman talaga ako. Huwag mo nalang pansinin yung p-pamumula ko. Ang importante ay kung p-papapyag ka." Medyo nawe-weirduhan natalaga ako kay Jiro. Pero sabagay, kung may weirdo man dito, ako yun.

DisenchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon