• Lunaria •
Tahimik lang akong nakaupo dito sa may sofa ng sala ko habang yakap yakap ang dalawang mga binti ko. Nakasubsob din ang mukha ko at pilit inaayos ang isip ko.Ano na kayang tumatakbo sa isip ni Khalil ngayon? Inaayos nya din ba yung isip nya tulad nung akin? Pero bahala na. Hindi ko naman sya masisisi. Tama naman lahat ng mga sinabi nya. Kaya ko lang sya nilapitan, ay dahil sya ang susi. Nakakainis talaga. Naiinis ako sa sarili ko. Oo nga at nagsinungaling ako. Pero yung pagmamahal ko, yun lang ang naging totoo at mananatiling totoo sa kabila ng mga kasinungalingan ko. Wala naman akong masamang intensyon e. Pero nagmukha padin akong masama. Pareho lang naman kaming naging biktima dito.
*SOUND OF BROKEN GLASS*
Agad akong napatingin sa may bintana at saktong pagkalingon ko ay may humawak sa leeg ko ng sobrang higpit. Napapikit nalang ako at naramdamang umangat ang katawan ko at bigla nalang akong isinandal ng malakas sa pader. Pakiramdam ko nga bumaon na yung katawan ko e. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakapagreact. Pinilit ko ding makawala sa pagkakahawak sakin ng nilalang na'to. At idinilat ko nadin ang mga mata ko.
"Tapos na ang pagtatago mo, Turniquete." Nakangising wika ni Sora sakin. Kinakalmot ko nadin yung kamay nya, nagbabakasakaling bitawan nya ako. Pero lahat ng attempt ko, balewala lang. Binigyan nya naman ako ng isang sad face, pero ginawa nya lang yun para inisin ko. Takte, nakakasura ang pagmumukha ng isang 'to.
"Kaawa-awa." Mahina ngunit matigas nyang litanya. Pagkatapos nun ay inihagis nya nalang ako sa likod nya, at tumama ang katawan ko sa mini table na gawa sa glass. Nabasag iyon at naramdaman ko ang hapdi at kirot ng pagkakatusok ng ilang bubog sa likuran ko. Napangiwi nalang ako sa sakit.
"Ito na ang magiging huling hantungan mo. Dapat nga pasalamatan mo pa ako. Dahil ako mismo ang tatapos sa paghihirap mo ngayon." Mukhang tama nga sya. Ano nga bang panlaban ko kung ganito ang kalagayan ko ngayon? I'm good as trash. Pero bakit ganun? Kahit alam ko, at tanggap ko na ang kahahantungan ko, isa lang ang isinisigaw ng puso at isipan ko.
Khalil...
"H-He will come.." Nanatili lang akong nakahandusay dito at nakatingin sa kisame.
"Ha! Hanggang ngayon umaasa ka parin pala. Na pupuntahan ka ng taong mahal mo? Na babalikan ka nya sa kabila ng mga kasinungalingan mo? Nananaginip ka nalang, Lunaria." Tama na.. Tama na please. Wala ng salita ang lumabas sa bibig ko dahil lahat ng mga sinabi nya totoo.
"Nananaginip ka nalang."
Bakit nga ba sa paniginip lagi nangyayari ang magagandang senaryo? Para akong sinampal ng paulit-ulit sa katotohanan.
"Oo. Babalikan nya ako. N-Naniniwala ako dun." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin yun. Pero, naniniwala talaga ako.
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasyParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...