• Khalil •Medyo kinakabahan ako sa plano ko ngayon. Kaya ko naisip 'to ay dahil sa mga sinabi sakin ni papa. Oo, si papa pa talaga. Kaya kung i-reject nya man ako sa gagawin kong pagtatapat mamaya, ayos lang. Nakahanda naman akong masaktan.
~ Flashback
"Mas maganda yung mataas mangarap kahit imposible. Kesa naman yung abot kaya mo na nga, hindi mo pa maisakatuparan." Talagang tinamaan ako sa mga salitang binitawan ni papa. Again, I was speechless for a second. Si papa ba talaga 'tong nasa harap ko?
"Pa, ikaw ba yan?" Wala naman akong balak sirain ang mood nya pero wala e. Di lang talaga ako makapaniwala. Tae, shapul ako dun e.
"Basta! Kung ako sayo, gawin mo na habang may pagkakataon pa. Kung ayaw mong pagsisihan na wala kang ginawa." Yun na ang huling sinabi ni Papa bago tuluyang umalis at pumasok na sa trabaho. Siguro pinagdaanan din ni papa 'tong sitwasyon ko dati.
~ Flashback ends
So, eto ako ngayon. Todo papansin kay Kozue. Medyo nababadtrip din ako dito kay Jiro e. Masyado ng epal. *Sigh* Sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil dito.
"Uhm, guys. Pede makahingin ng papel?" Tanong ni Kozue. Agad naman ako nagpilas ng papel at nagkataon na sabay kami ni Jiro na nag-abot ng papel kay Kozue. Di tuloy malaman ni Kozue kung alin ang kukunin. Napailing nalang sya at parehong tinanggap ang papel namin ni Jiro. Ng hindi na nakatingin samin si Kozue ay nagtagpo ang tingin namin Jiro. Parang anytime may lilitaw na kuryente sa pagitan ng tinginan namin. Nabalik lang kami sa realidad ng tapikin ni Luis ang balikat namin.
"Mga dude, tama na yan. Baka kayo magkatuluyan nyan." Tatawa-tawang sabi ni Luis. Ngayon, sya naman ang tiningnan namin ng masama ni Jiro. Ng hands up naman sya na para bang sinasabing suko na sya.
"Sorry na, ayoko pa mamamatay." Pagkasabi nya nun ay hindi na namin sya pinansin ni Jiro. Takte, bakit ba parang synchronize talaga ang galaw namin ni Jiro? Bwisit.
Dumating na ang lunch, at sabay-sabay kaming pumunta ng cafeteria. As usual, samin sumabay si Kozue. Wala parin syang ibang ka-close dito kundi kami lang. Nauuna ang tatlo; si Luis, Kevin at Kenneth. Habang kaming tatlo nila Kozue nasa likuran. At nasa pagitan namin ni Jiro si Kozue.
"Ah!" Halos sabay na sabay ang galaw namin ni Jiro para saluhin si Kozue dahil natalisod ito. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Pagkatapos nun ay inalalayan na naming tumayo si Kozue.
"S-Salamat. Hehe." Medyo awkward ang pagkakasabi nun ni Kozue at naglakad na. Napasulyap naman ako kay Jiro. At ang loko biglang ngumisi sakin. So anong pinaparating nya? Tss. Tahimik lang kaming naglakad ng bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog. As in sobrang lakas na yung tipong nabingi ako saglit.
Sabay sabay kaming napaupo lalo na si Kozue. Yung ibang mga estudyante ay nagsimula ng magpanic at magtakbuhan. Ako naman ay nanatiling nakaupo at shock sa mga nangyari. Tumingala ako para hanapin kung san galing yung pagsabog. At yun ay ang building ng mga 3rd year. Maraming nagsisigawan, at yung iba ay nag-iiyakan. Pagkatayo ko ay may dumating na na mga bumbero at ambulansya. Tumakbo kaming tatlo papunta sa harap nung building para makita pa ito. Pero pinigilan kami ng mga bumbero at sinabihang lumayo. Gusto ko sanang tumulong sa pagsagip ng mga estudyanteng na-trap sa loob pero wala akong nagawa dahil hindi nila ako hinayaang makapasok.
Nanatili nalang ako sa isang tabi at tulala. Nasa tabi ko naman si Jiro na bakas sa mukha ang pagkagulat. At si Kozueㅡteka, si Kozue?!
"Shit! Jiro nasaan si Kozue?!" Agad akong nagpalinga-linga para hanapin si Kozue. Tinawag nadin namin ang pangalan nya. Hanggang sa makita ko sina Luis at agad na nilapitan ito.
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasyParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...