~ Flashback { 50 years ago }
• King Miyura •
Tahimik lang akong naglalakad sa ilalim ng buwan habang nakapamulsa. Ilang buwan narin ang lumipas simula nung araw na umalis ako ng Neptomium at naisipang manirahan dito sa mundong ibabaw. Nakakabagot din naman dun sa palasyo. Walang magawang matino. Sabagay, kelan nga ba gumawa ng matino ang isang demonyong katulad ko? Masaya nadin ako sa buhay ko dito. Nage-enjoy talaga ako. Isa na ako ngayon sa mga maimpluwensyang tao sa lugar namin. At hindi ko mapigilang ngumiti habang nakikita ko ang mga taong nagdurusa sa mga kamay ko. They all look pathetic and hopeless. Begging me for help. Hindi naman ako ganun kawalang puso para hindi sila pansinin. Syempre may kapalit yun. Ang kanilang kaluluwa. Pero bago ko kuhanin ang kaluluwa nila ay pinapahirapan ko muna ito. Soul tastes better if it's full of sorrow, agony, and fear. It's always lovely to see humanity in despair.
Hindi naman nila alam na isa akong demonyo. Nalalaman lang nila yun pag aangkinin ko na kaluluwa nila. At nakakatawang tingnan sa tuwing naloloko ko sila. Isa akong tuso at ipinagmamalaki ko yun. Masyado silang madaling mauto. At alam ko, hindi ako nag-iisa. May mga iba pang demonyo na nasa tabi-tabi lang at walang kamuwang muwang ang mga tao doon. Kami ang dahilan ng paghihirap nila, pero kami din ang tutulong. Dahil dun ibibigay nila ang lahat samin ng hindi labag sa kalooban. We are the beasts in our land waiting for a victim. Sa paglalakad ko dito sa may kagubatan ay biglang may bumangga sakin at pareho kaming napatumba. Fuck. At sino naman kayang walangya ang bumangga sakin?!
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Pagkatapos ay tiningnan ko yung taong bumangga sakin. Nakaupo padin ito. Hindi ko din makita ang kanyang mukha dahil natatabunan ito ng hood. Pero satingin ko ay isa itong babae dahil nakabistida ito. Napangisi naman ako dun.
"Wala kang balak tumayo?" Malamig na wika ko sakanya. Tumayo naman sya at pinagpagan din ang sarili.
"Hindi mo ba kilala kung sinong binabangga mo?" Kunwari'y naiinis kong tanong. Mukhang may mapaglalaruan pa ako ngayong gabi. Binaba nya naman ang kanyang hood at lumantad sa harapan ko ang maputi nyang mukha at kulay violet nyang buhok. Inangat nya ang kanyang mukha. Hindi ko talaga alam kung bakit natigilan ako sa kagandahan nya. Marami na akong nakita at nakasamang magagandang babae pero bakit ito? Parang may kakaiba sakanya na gusto kong malaman.
"Duke Miyura?" Napangiti naman ako. "Mabuti at kilala mo ako." Napangisi ako. Dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Pero nagkamali ako. Tila bigla syang nainis at bigla nalang akong pinaghahahampas sa dibdib.
"Napakasama mo! Inuuto mo ang lahat ng tao dito. Kunwari mabait ka sakanila pero ang totoo ikaw din ang dahilan ng pagbagsak nila. Kasalanan mo kung bakit naghihirap ang pamilya ko ngayon!" Galit na galit na bulyaw nya sakin. Damn. What's with this girl?
BINABASA MO ANG
Disenchanted
FantasiaParents always say "All angels are good". Specially when we were young, we believe that angels are "Guardians" that protects us from evil; but somehow in her twisted world, you cannot help but think twice. If you think "All" angels are good, think a...