***
Ayesha POV.
Sunday Morning.
“Ate Aye! Ate Aye!” – rinig kong sigaw ni Ashley sa labas ng pinto ng kwarto ko.
8am palang ng umaga nangbubulabog na siya -.-“ hindi ko nalang pinansin at pumikit lang ulit.
“AYESHA DELOS REYES!” – rinig kong sigaw ni kuya! Nanaginip lang siguro ako kaya nagtalukbong ako ng kumot at hindi nalang pinansin.
Ng biglang kumalabog sa pinto kaya napatayo ako sa gulat.
“AYESHA DELOS REYES FOR THE LAST TIME! BUMANGON KANA DYAN!” – sigaw ni kuya ako naman natulala lang.
“K-kuya?” –nagtataka kong sabi.
“Hoy Babaeng Lampa! nagdday dreaming ka nanaman dyan!” – ano ba yan paano ko napagkamalan na si kuya tong panget na butiki nato! -.-“
“Bakit ba ang aga aga binubulabog mo ko!” – sigaw ko kay butiki.
“Nag’text si Mommy pumunta daw tayo sa Palawan kaylangan daw natin asikasuhin yung business namin dun.” – cool niyang sagot. Wait? Sinabi ba niya na mapa’palawan kame?
“Eh kaylan alis natin? Sino makakasama natin? Paano yung school? At ilang araw tayo dun?” – sunod sunod kong tanong.
“Ikaw bahala kung anong oras tayo aalis sa private plane naman namin tayo sasakay eh. Tayong dalawa lang pupunta sa Palawan si Ash naman ipapasundo ni Mommy dun muna siya kila Lolo. Pinagpaalam na din tayo ni Daddy sa Prof. natin siguro mga 2weeks tayo dun sabi ni Mommy kapag natapos daw natin yung business agad pwede daw tayong magstay muna.” – sunod sunod niyang sabi.
“Okay! Tayo nalang maghatid kay Ash! Maghahanda na muna ako ng mga dadalhin ko!” – sabi ko sa kanya tumango naman siya
“Yung pinakamahalaga nalang dalin mo! Dun ka nalang magshopping!” – sabi naman niya.
“Oo sige na! Maghanda kana din! 6pm ihahatid na natin si Ash.” – sagot ko sa kanya.
Halos 1hour din akong nag’ayos ng mga dadalhin ko. Anong oras na ba? Hmm.
10am na pala. Hindi pa ako nagbbreakfast :
Bumaba nako at dumeretso sa kusina.
“Manang Josie?” – sigaw ko. Siya yung taga luto dito eh.
“Oh iha , Bakit? Mag’aalmusal kana ba?” – agad niyang tanong.
“O-opo manang eh ano po ba makakaen dyan?” – tanong ko.
"Iha nagluto ako ng sopas at gumawa ako ng cookies." – ayun tamang tama favorite ko talaga mga luto ni manang eh .
“Sige po manang. Paki hatid nalang po sa kwarto ko dagdagan nyo na din po ng orange juice. Salamat po.” – sabi ko at lumabas na sa kusina.
(FastForward ko na Readers ha. Haha)
8 o clock in the evening.
May service van na sumundo samin para dalhin muna kami sa isang hotel dun muna daw kami magpapalipas ng gabi then in the morning may susundo ulit samin para ihatid kami dun sa island resort na pagmamay’ari ng kapatid ng daddy ni butiki puro mga business partner nila ang nandun nasabi nya sakin nung nasa plane pa kami.
Eto ngayon si butiki sa tabi ko nakapikit sya tas nakasandal yung ulo nya. Tulog yata pshh. Napatingin ako sa mukha nya kinakabisado ko bawat parte ng mukha nya. Yung ilong nya, yung makinis niyang kutis, yung may pagka’pinkish na lips nya na every girl yata pinapangarap halikan. Wait What? Every girl? Pshh. Sakin na kaya sya. Wait anong yung sinabi ko? Sakin na sya? Erase that crap.