Chapter 13 : ~ Fall ~

41 1 0
                                    


Ayesha POV.

Nandito na kame ni butiki sa island resort nila. Naka'upo ako sa sand ngayon habang tinignan ang alon ng dagat. Nakaka'relax yung ganto grabe. Si butiki inaasikaso na yata yung pinapagawa nung mommy nya. Hindi kame gaanong nagkikibuan ewan parang nakakailang lang kase eh lalo na yung nangyari sa hotel tas yung nangyari kanina nung pagdating namin.

Flashback.

Papadaong na yung bangkang sinakyan namin ni butiki kaya inayos ko na yung mga dala ko. Naunang bumaba si butiki. Grabe sya hindi man lang ako tulungan. Tss.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad. Nang pababa nako may nag'abot ng kamay sakin kaya hinawakan ko agad yun. Choosy pa ba ko baka madulas pa ko no.

Speaking of nadulas mali yung pagkakatapak ko nung huling hakbang ko kaya ang ending nadulas ako at nalaglag sa bangka pero hindi ako nasaktan kase may nakasalo sakin yung may hawak ng kamay ko.
Hindi nga ko nalaglag sa lupa kay butiki naman ako nalaglag. Bale nakahiga sya sa sand tas ako yung nasa ibabaw nya.

Nagulat ako kaya hindi ako agad nakatayo. Para bang wala akong naririnig sa paligid kundi tibok ng puso naming dalawa. Nagslow motion yung paligid tas mukha nya lang ang nakikita ko.

Nang matauhan ako mabilis akong napalayo sa kanya. Sya naman tumayo at pinagpagan ang sarili nya.

Tumayo na din ako. Tas hanggang sa paghatid nya sa kwarto e hindi kame nag'iimikan.

End of flashback.

So yun nga ang nangyari. Ewan ko ba kung bakit ako naiilang sa kanya dapat nga nag hysterical nako kaso wala tameme ako.

Haay.

"Ma'am buko juice po. Pinadala po ni Sir Zack. Pinapasabi nya din po na wag po kayong lalayo masyado. Mukang masama daw po kase ang panahon." - biglang may sumulpot na waiter. Tumango na lang ako sa sinabi nya.

Ininom ko na ang buko juice at nagrelax na ulit.

Maya maya pa ay naisipan kong naglakad lakad. Pumulot din ako ng mga sea shell na nadadaanan ko.

Unexpected Opposite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon