***
Zack POV.
Kakarating lang namin dito sa Rest House namin sa Laguna ..
Sa lahat ng rest house namin eto ang pinaka paborito kong puntahan tahimik at maganda kase ang view dito ..
Napatingin ako sa babaeng katabi ko , tulog na tulog siya ..
"Psh , napagod ba siya sa pag’upo nya at ganyan kahimbing ang tulog nya .." – sabi ko habang nakatingin kay Lampa .."Hoy babaeng lampa nandito na tayo ! Gumising kana dyan !" – sabi ko at lumabas na ng kotse ko ..
Aba’t tulog na tulog talaga siya ! Lumapit ako sa may bintana na kotse ko nakabukas kase to kanina pa ..
"Hoy babaeng lampa ! Nandito na tayo !" –Sigaw ko !
Mukang nagulat siya kaya napabaliktuwas siya at nagising ..
"Hmm! Bakit ka ba sumisigaw dyan ! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ha!"– pagrereklamo nya ..
"Ginising kita ng maayos pero hindi ka natinag ! Bababa kaba o iiwan kita dyan?!" – Tanong ko sa kanya ..
"Psh ! Eto na bababa na ho!" – Sagot naman nya at lumabas na sa kotse ..
Habang naglalakad kami papasok sa bahay naramdaman kong napahinto siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya ..
"May problema ba?" – Tanong ko ..
"Nasan tayo butiki?!" – tanong nya ! Tinawag nanaman ba nya akong butiki?
"Nandito tayo sa rest house namin !"– maikli kong sagot ..
"Anong gagawin natin dito?" – Tanong nya ulit ..
"Ano ba gusto mong gawin dito?" – Tanong ko sa kanya sabay lapit ng mukha ko sa mukha nya !
Sinabi ko na nga ba eh ! Mamumula nanaman mukha nya ..
"Waaaaaaaaaaah! Pervert ka Butiki! Lumayo ka nga sakin! Layo SHuuuuuuu! "– sigaw nya at inunahan na akong maglakad ..
Napailing nalang ako at sinundan ko nalang siya ..
"Wow *o* ang ganda naman dito. Sana may ganto din ako"! – Tuwang tuwang sabi nya ..
Dumiretso nalang ako sa kusina , titignan ko kung may stock pang pagkaen dito ..
"Hay !" – sabi ko ..
Wala palang stock bibili muna ako ..Lumabas ako sa kusina at pumunta na sa sala ..
"Oh nasan na yung babae na yun ?Psh .." – Bahala nga muna siya aalis muna ako ..
Lumabas na ko hindi nako nagkotse malapit lang naman yung super market eh ..
Nakakamiss din ang lugar nato :D Nawawala ang stress ko kapag nandito ako :)
Ilang minutes pa ng paglalakad at nakarating din ako sa super market .."Oh Iho :) Buti bumalik ka tagal din nung huli nating pagkikita ha .." – bati nung matandang nagbabantay dito sa super market ..
"Oo nga po eh , nakakamiss po itong lugar nyo eh .." – sagot ko naman ...
"Sino kasama mo ngayon iho?" – tanong nya ulit ..
"Ah manong yung naikwento ko sayong babae na dapat kong pakasalan .."– sagot ko ..